Black no. 8

1022 Words
Eunice Camille Salvatore Hindi na kami nagkita pa ni Lucas simula ng araw na iyon. Tumuloy siya sa business meeting niya sa ibang lugar. Lagi din nandito sa opisina ang nanay nito para makasama ang apo. Hindi naman na ako ginambala ni Kim simula ng sampalin ko siya "Eunice hija. Sumama ka sa amin bukas. Family outing natin iyon. Idala mo si Light ha?" Family outing? Makikita ko silang dalawa. Paano ang anak ko? "Don't worry hija. I did not invite that pesky little b***h. Just bring my apo okay? Sa house nila Lucas bukas tayo magkita. Bye apo" sabay halik dito "Bye mamita" at nag-wave pa ito. Hinatid kami ng matanda sa bahay namin. Pagkapasok namin sa loob ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Lucas "So you managed  to take this house back? Now tell me. Would you still lie?" Inayos ko agad ang sarili ko at pilit na hindi siya pansinin pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko "Stop avoiding me Eunice" hinarap ko siya at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa akin "Let go of my mama. Bad boy!" Sinipa ni Light si Lucas sa paa kaya napabitaw ito sa akin "Light. That's bad. Say sorry to him" kahit na may tama si Light mali pa rin na sipain niya ang sariling ama. Humarap ito at halos maluha-luha na "I'm sorry po" agad naman lumapit si Lucas kay Light at tinap ang ulo "Its alright" "Light go upstairs muna. Mama and her boss needs to talk okay?" Tumango ito at kusa nalang umakyat papuntang kwarto. Nang maka-akyat na ito saka ako humarap kay Lucas "I want that boy Eunice. I want to spend time with my son" umupo ako sa sofa. Hindi kinaya ng mga tuhod ko ang sinabi niya. Hindi niya pwedeng kunin sa akin si Light. He is the only one I have left "Tomorrow. Kasama kami sa family outing niyo. Spend time with him there" hindi ko siya kayang tignan. Sa tagal ng paghihiwalay namin nandoon pa rin ang pagmamahal ko sakanya "I can't. I'll be bring Kim. I'll introduce her as my officially soon-to-be wife" nang sabihin niya yun ay bigla akong nakaramdam ng inis "Okay. Madali lang akong kausap Lucas. We won't join the family outing then. Tell that to your mom" tumayo na rin ako. "Sir Lucas. Its already past time of my working hours. Kung wala ka ng sasabihin then pwede ka ng makaalis. Oh, and one more thing don't demand to spend time with my son if you can't do it in your time. Now please. The door is there" Lumakad naman na ito papunta sa pintuan. Tumingin muna ito sa akin "I'll get my son from you Eunice mark my words" hindi ako nagpatinag sakanya. Nang makalabas ito ng pinto ay hindi ko na alam ano ang gagawin ko. I don't want him to get my son. "Mama. Someone's calling your phone" agad naman akong tumayo at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko naman na si Gaile ang tumatawag kaya sinagot ko agad ito "Hello Eunice? Kailangan namin ng 10,000 pampabayad ng kuryente at tubig kasama na doon ang gamot ni Dad. Pinapasabi rin ni Dad na dumalaw ka sa bahay na binigay mo" Naibigay ko na rin pala ang bahay sakanila pero hindi nila alam na dito na kami tumitira ni Light. "Sige idadala ko dyan bukas" pagkasabi kong iyon ay pinatay ko na ang tawag. Lumapit ako kay Light at inaya itong matulog nang muli. Maaga akong nagising at naghanda na ng almusal namin ni Light. Bumaba na rin ito at nakabihis na upang makaalis na pagkatapos kumain. "Sweetie pupunta tayo later sa bahay ng parents ni mama okay?" Tumingin naman si Light sa akin with a confused look "I thought we're going to mamita mama" naalala ko bigla ang mga sinabi ni Lucas kagabi sa akin "Change of plans Light. Mama needs to go see her dad. May sick ang lolo daddy mo baby" nakita ko naman na gusto nang maiyak nito pero pinipigilan niya lang "Don't worry baby there is still a next time okay?" Tumango nalang ito sa akin at pinagpatuloy ang kumain Nang matapos kaming kumain at naghugas ng pinggan ay nag-martsa na kami palabas ng bahay. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Lucas kasama si Kim. "I'm here to fetch you both. Mom's orders." Cold nitong sabi "I'll wait inside the car" sabay alis ni Kim "Kumuha na kayo ng gamit niyo quick. Ayaw kong pinaghihintay ako" pero hindi ako nagpatinag. Pinilit kong lumabas kasama si Light pero tinulak ako pabalik sa loob ni Lucas "Don't hurt mama!" Sabay sipa ni Light sa tuhod ni Lucas kaya napaluhod ito "Light say sorry. Its not good that you hit adults" bumaba nanaman ang tingin nito kaya linevel ko ang sarili ko sakanya "But he hurts you twice already. Ayaw ko sad ikaw mama" sumikip naman ang dibdib ko sa sinabi ng anak ko. If only he knew that he hurts me almost everyday emotionally "Baby say sorry to your father" biglang tumingin si Light sa akin hanggang sa mapunta ang tingin niya kay Lucas. "Are you my papa?" Kita ko naman ang sabik, saya at lungkot kay Lucas ng tumango ito sa anak. Nag-yakapan naman sila. Nasasaktan ako at the same time natutuwa pero hindi pwedeng kunin ni Lucas si Light sa akin. Siya nalang ang natitira sa akin "Call me papa one more time Light. I want to hear it again" at inulit nito. Naluluha na ako sa nakikita ko. "Eunice. I want to spend time with him" wala na akong nagawa kundi tumango. Dala na rin sa tuwa na nakikita ko silang masaya sa isa't-isa Umakyat na ako sa kwarto ni Light at naghanda pa ng extrang damit nito dahil alam kong pagpapawisan siya. Hindi ko rin in-expect na sumunod sa akin si Lucas. "I want you both to live with me in my condo" agad ko naman siyang hinarap at umiling "No Lucas. We can't. This house is from my parents and I want this house to witness my child growing up" "Then ako ang lilipat dito"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD