Chapter 33: What?! Xyreb's POV "ANAK, ayos ka lang ba? Huwag mo namang pagurin ang sarili mo lalo na’t masama sa 'yo ‘yan," nag-aalalang turan ni Mama sa 'kin habang subsob ako sa trabaho kong inuwi ko pa sa bahay. Nitong mga nakaraang araw ay sumasama na ang aking pakiramdam at lagi kong iginugugol ang aking oras sa pagtatrabaho para naman madali akong makatulog. Ayaw ko kasing magkita kami ni Marie at mas mainam na ganito na lang ang aking routine. Napabuntonghininga muna ako bago sumagot. "Opo, pagod lang po siguro." Hinilot ko ang aking sentido dahil medyo sumasakit ang aking ulo. "Kumain ka muna para makainom ka ng gamot," sambit niya. Tumayo na 'ko at sumunod kay Mama hanggang sa nakarating kami sa hapag. Umupo na ko’t ipinaghain na niya 'ko ng pagkain. Napakamaasikaso ni Mam

