Chapter 34: Wish Xyreb's POV SUMASAKIT pa rin ang aking dibdib at hirap din ako sa 'king paghinga. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napansin kong may nakakabit na puffer sa 'king ilong at bibig. Mukhang muli akong isinugod sa hospital. Nanghihina ako at pakiramdam ko ay magwawakas na ang buhay ko. Anong silbi pa’t lumalaban ako? Ni-hindi ko naman kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Iginalaw ko ang aking mga daliri at kumislot naman ang natutulog sa 'king tabi. "Anak, kumusta?" malat nitong tanong habang hinihimas ang aking kamay. Nasa tabi ko si Mama na bakas ang lungkot sa mukha. "Medyo makirot po ang aking dibdib," mahina kong sagot at napakagat naman siya sa labi na tila pinipigilan ang emosyon kung kaya’t napapikit na lang ako para hindi ko makita 'yon. Gusto kong

