Chapter 35: Son Xyreb's POV KINABUKASAN ay medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero nagpasalamat ako na may isa pa 'kong pagkakataong mabuhay. May nakakabit pa rin na puffer sa 'king bibig at ilong para naman tulungan akong huminga. Sana'y tumagal pa 'ko para makita ko na rin si Maria. Naramdaman ko naman ang mabining haplos ni Mama. Alam ko 'yon dahil sa amoy at ang paghagod niya. Binuksan ako ang aking mga mata at nakita ko itong busy sa pagpupunas sa'kin at pinapalitan ako ng damit. "Anak, pasensiya na't nagising kita. Papalitan muna kita ng damit at kukunin kasi ni Xyrus si Tacos kina Marie," aniya at napangiti naman ako. "Sige po, Mama." mahina kong turan at pinabayaan siya na alagaan ako. Namiss ko rin ang ganitong pag-aalaga niya sa 'kin. Noon ay talagang napakamaalaga na ni

