Chapter 36: Regrets Third Person's POV NAG-AAYOS ng mga gamit si Maria para sa pag-uwi nila sa susunod na araw sa Pilipinas. Sa hindi malamang dahilan ay tila nakadama siya ng kaba sa kaniyang dibdib at siguro'y dahil 'yon sa pagharap niya sa nakaraan. "Mymy, play!" biglang turan nang maliit na tinig sa kaniyang tabi na ikinaputol ng kaniyang pagmumuni nang nagsalita ang kanyang unica hija na may hawak na barbie at suklay. "Later, Sweetie. Inaayos ko lang ang mga gamit natin dahil pupunta tayo sa Pilipinas. Nando'n nakatira ang Lala at Lolo mo," aniya. Agad naman nitong ibinaba ang hawak na barbie at suklay pagkatapos ay kinuha nang maliit na mga kamay nito ang kanyang bra at isinalaksak sa maliit na espasyo sa loob ng kaniyang maleta. "What are you doing, Sweetie?" natatawa niyan

