Chapter 37: Tears Third Person's POV NAKAUPO ngayon si Xyreb habang nakatulala. Masyado siyang nagsisisi sa mga nangyari noon. Kung sinabi lang niya siguro agad kay Maria ang tugkol sa kaniyang nakaraan ay paniguradong hindi ito aalis at wala sanang magbabago sa kanilang pag-iibigan kaya’t nanlulumo siya. Tila hindi siya puwedeng maging masaya at baka mamatay na lang siyang hindi nakikita ito pero masaya na din siya kung baka sakali ay bisitahin siya nito kaso mukhang nasa ataol o hindi kaya'y sa sementeryo na. Lumabas sina Mama at Xyrus dahil may aasikasuhin kaya naiwan siya mag-isa sa kaniyang silid pero sinisilip-silip naman siya ng mga nurse para i-monitor siya kung may mangyari. Nasa malalim siyang pag-iisip at hindi niya namalayang bumukas ang pinto. Nagulat na lang siya nang may

