Epilogue Maria’s POV "ANG KAPAL NG MUKHA!" asik ni Mommy habang yakap ako. Hindi ko napigilang umiyak dahil mas lalong nasira ang samahan naming magkapatid. "Am I selfish, Mommy? Bakit po gano'n ang ipinagsasabi ni Ate at nagawa rin niya po 'kong saktan?" tanong ko. "Sumosobra na talaga ang babaeng ‘yan. Siya na ang bastarda sa pamilya natin at ang lakas pang magsalita nang gano'n. Nag-iinit lalo ang dugo ko sa kaniya at kundi lang talaga masamang pumatay ay bumulagta na kanina pa ang bastarda na ‘yan na daig pa ang bida sa kwento." “Ate, pasensiya na po talaga,” naluluhang turan ni Xyrus na katabi ng aking mga anak na tulog na tulog na. Napabuntonghininga naman ako lalo na’t wala namang kasalanan si Xyrus. "Hindi mo kailangang humihingi ng tawad, Xyrus. Wala kang kasalanan." Kab

