Chapter 29: Panic Third Person's POV KINABUKASAN, magkasama ang buong Pamilya Laylo. Maingay ang paligid ngunit sa kabila ng saya na kanilang ipinapakita ay may nakakubling lungkot dahil hindi pa rin nila mahanap ang ama ni Tacos. Tinanong naman ni Maria ang kapatid kaso nga lang wala na talagang alam na ibang impormasyon ito tungkol sa misteryosong lalaki. "Ate, Wala ka na bang natatandaan sa lalaking 'yon?" tanong niya. "Mayro'n naman, sa pagkakaalala ko ay kasama pa niya noon ang kaniyang pamilya. Mahal na mahal niya ang kaniyang Mama at ang bunsong kapatid. He's very sweet. Alam mo ba kaya naman na-fall ako sa kaniya dahil sa ugali niyang gentleman? Kaso nga lang binawela naman niya ang offer ko. Hindi ko naman aakalain na magbubunga ang nangyari sa 'min lalo na't dalawang beses la

