Chapter 30: Connection and Revelation Third Person's POV PAGKARATING nina Maria at Marie sa hospital ay agad silang nagtungo sa room ni Xyreb. Namataan ni Maria si Tracy na nagbabantay do'n. "What happened to him?" nag-aalala niyang tanong at hinawakan ang kamay ng kaniyang nobyo na nababalutan ng benda at marahan niyang hinaplos at panaka-nakang hinalikan. "Nagkaro'n siya ng mild heart attack. Mabuti na lang at pumunta ako sa unit niya kung hindi ay baka mas malala ang nangyari sa kaniya," sagot ni Tracy at napapikit naman siya sa narini. Kumirot ang kaniyang dibdib at pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata. Ayaw niyang ma-stress lalo na't ang baby nila ang nakasalalay. Babe, huwag ka namang bumitaw para sa 'min ng anak mo. Sasabihin ko pa sa 'yo ang magandang balita at alam kong

