RAIN ELISIA'S POV:
TUMAYO na ako mula sa aking kinauupuang silya matapos ang huling subject namin ngayong araw. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa sunud-sunod na exam namin ngayong linggo at sa susunod na mga araw ay gaganapin ang sports fest dito sa aming school - ang LA University.
Paglabas ko ng pintuan, agad akong sinalubong ni Misty; ang babaeng nagtyaga sa ugali ko bilang spoiled brat ng pamilyang Santiago. What can I do? Dalawa lang kaming magkapatid ni Kuya Summer at isa pa bunso ako. Hindi na rin nabigyan ng pagkakataon na magsilang pa ng sanggol si Mommy kaya dalawa kang kaming nabuo dito sa mundo mula sa kanilang dalawa ni Daddy.
At si Misty ang isa sa mga totoong kaibigan ko dito. Kung si Kuya Summer may apat na kaibigan, ako naman ay kontento na kay Misty. Minsan partner in crimes din talaga kaming dalawa at nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.
"Oy, nakita ko si Cyrus sa labas. May usapan ba kayo? Ikaw, ha? Malihim ka na sa akin," panunukso ni Misty na siyang ikinakunot ng aking noo.
"Alam mong si Kuya Summer ang sumusundo sa akin tuwing uwian. Baka inutusan na naman ni Kuya?" wika ko sa kanya at saka niyakap ang kanyang braso at sabay kaming naglakad palayo sa classroom ko.
Entrepreneur ang kinuha ni Misty habang ako ay BS in Tourism ang kinuha kong kurso. Mahirap makapasok sa LA University dahil bukod sa pawang mayayaman ang tinatanggap, mahigpit ang standard nila pagdating sa edukasyon dahil oras na makapagtapos ka mula sa prestihiyosong paaralan na ito ay may mapapasukan ka agad na trabaho.
Gusto nga sana ni Kuya na sa school ako ni Ate Mental pumasok at mag-enroll ng college ang kaso ayaw ko dahil pangarap ko talagang mapadpad sa LA University at sa kabutihang palad ay pumayag naman sila kahit na medyo pricey ang tuition fee.
"Baka siya talaga ang para sa'yo, Rain?" pagpapatuloy pa ni Misty habang naghihintay kaming bumukas ang elevator pababa ng ground floor nitong building namin.
"Duh? I know Kuya Cyrus too much than you think. Ilang beses ko nang nahuhuli na may kasamang babae 'yan sa kahit saang parking lot and take note; iba-ibang babae at kahalikan niya pa. As if naman papatulan ko siya kung mas matanda siya sa akin, 'di ba?"
Saktong bumukas ang elevator kaya naman agad kaming pumasok ni Misty kasama ang iba pang mga estudyante na uuwi na rin. Ang gara talaga ng school na ito dahil bukod sa may pa elevator, halatang sosyalin ang may-ari. At sa tulad naming tamad na gumamit ng hagdan, mas pipiliin naming maghintay ng elevator kaysa pagurin ang aming sarili sa napakaraming baitang ng hagdan mula first floor hanggang sixth floor nitong building namin.
"Age doesn't matter naman, tyaka ang hot kaya ni Papi Cyrus," kinikilig pa na wika nito kaya naman inirapan ko siya.
"Crush mo ang isang walking red flag na tulad ni Kuya Cyrus? My god, Misty, bumili ka na ng salamin sa mata!"
"Oy, color blind ako kaya kung si Cyrus lang din ang mapupunta sa akin, why not?"
"Ewan ko sa'yo," nauna akong maglakad palabas kay Misty nang bumukas ang elevator at saka ako sumabay sa dagat ng mga estudyante na atat nang makauwi.
"Hoy, Rain Elisia, hintayin mo ako!" rinig kong sigaw ni Misty ngunit hindi ako huminto hanggang sa ito na mismo ang sumabay sa paglalakad ko. "Sports fest na pala next week. Anong balak natin?"
"Ikaw ang cheer leader, dapat alam mo kung ano ang gagawin." pilosopong sambit ko.
"Ang init ng ulo mo, ayun si Cyrus," tinuro ni Misty si Kuya Cyrus na naghihintay sa mismong parking lot sa loob ng school grounds at talaga namang agaw pansin ang itsura nito dahil bukod sa gwapo ay palangiti rin ito at maraming nakikilalang kaibigan but of course mostly ay mga babae.
Nakasandal si Kuya Cyrus sa hood ng aventador nito at nakasuot ito ng puting long sleeve, itim na pantalon at kumikinang na sapatos. Ang linis tignan ni Kuya Cyrus kaya maraming nahuhumaling na babae sa kanya at isa lapitin talaga ito ng angkan ni Eva - except sa akin.
Busangot ang mukha ko nang maglakad ako palapit kay Kuya Cyrus na abala sa pagkaway nito sa mga nursing students na dumadaan sa likuran ko. Nakasunod rin sa akin si Misty na malaki ang ngisi sa kanyang labi. At nang huminto ako, saka naman ito nakangiting tumingin sa akin si Kuya Cyrus.
"Hi, baby Rain ko," aniya na siyang ikinangiwi ko.
Napairit si Misty sa tabi ko na parang tanga. "Eh! Sabi ko na nga ba trip ka talaga niyan!" bulong pa nito sa akin kaya naman siniko ko ito at nanatili ang paningin ko kay Kuya Cyrus.
"I am not your baby, Kuya. What brought you here?"
Naasiwa talaga ako sa presensya niya lalo na't hindi naman nito kinakaila ang pagiging babaero samantalang si Kuya Summer ay si Ate Mental lang ang pinakilala sa akin kahit na ex niya rin ang pinsan nito na si Ate Alice.
"As usual, pinapasundo ka sa akin ng Kuya mo dahil busy siya sa kompanya," sagot nito.
"At ikaw hindi?"
Dumaan ang mapaglarong emosyon sa mga mata nito at saka ngumisi sa akin. "Naman. Kailan ba ako naging abala sa mga bagay na ginagawa ko? Tara na at baka bugahan ako ng apoy ng Kuya mo."
Napapailing na binalingan ko na lamang ng tingin si Misty at saka ako nagsalita.
"Sabay ka ba sa amin?" usisa ko.
"Naku, huwag na. Sayang naman ang namumuong pagmamahalan sa pagitan ni'yong dalawa kung eeksena lang ako, 'di ba? Susunduin ako ng driver ko," aniya.
Inirapan ko si Misty dahil umaariba na naman ang pagiging tulay kuno nito gayong wala akong balak na patulan si Kuya Cy. Ni hindi pa nga ako nangangalahati sa mga babaeng nakakasama nito araw-araw. Dahil bukod sa mga estudyanteng tulad ko ay pawang mga modelo, artista at kilala sa mundo ng mayayaman ang mga babae ni Kuya Cy.
"Ewan ko sa'yong babae ka. Maiwan ka na nga!" Padabog akong sumakay ng kotse ni Kuya Cy habang naghihintay naman ito sa bandang driver seat. Nang masiguro nitong maayos na ako sa loob ay siya namang pagpasok nito at saka pinaandar ang kotse palabas ng LA university.
"Wala ka bang dadaanan bago tayo umuwi?" basag ni Kuya Cy sa katahimikan ko.
"Wala po. Gusto ko na pong magpahinga. Katatapos lang po ng exam namin," sagot ko sa kanya.
"Hmm. Sige," wika naman nito.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Kuya Cy kaya naman napatingin na lamang ako sa labas ng bintana.
Sa lahat ng kaibigan ni Kuya Summer, si Kuya Cy ang lagi nitong inuutusan kapag hindi niya ako nasusundo. Although, okay lang naman sa akin ang kaso masyadong babaero ang isang ito. What if bigla na lang may sumugod sa akin at akalain ng mga ito na boyfriend ko si Kuya Cy? Ayaw ko pa naman ng gulo.
"Siya nga pala Kuya," biglang sambit ko.
"Hmm? Ano iyon?" nakatutok lamang ang paningin nito sa harap ng kalsada nang lingonin ko ito.
"Hindi ka ba hahanapin ng mga babae mo dahil sinundo mo ako sa school?"
Nagsalubong ang kilay ni Kuya Cy bago ito mabilis na lumingon sa akin ngunit agad ring ibinalik ang atensyon sa kalsada.
"Ikaw ang nakalagay sa schedule ko so wala silang karapatan na hanapin ako. Bakit mo naitanong?"
"Baka kasi awayin ako ng mga babae mo," mapaklang wika ko.
Natawa si Kuya Cy sa aking tinuran at walang atubiling inabot ang aking ulo at marahang ginulo ang buhok ko.
"Baliw. Walang mang-aaway sa'yo. At isa pa, alam ng mga babae ko kung saan sila lulugar."
"Ano ba!? Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko!" saway ko rito at saka sinapak ang kamay niya palayo sa akin.
"Ito naman naglalambing lang, eh. Kiss mo nga si Kuya, baby Rain," pang-aasar pa nito.
"Kadiri ka! Ayoko nga sa lalaking natikman na ng lahat. Baka nakakalimutan mong lagi kitang nakikita sa kahit saang sulok ng parking lot na may kahalikang babae?"
Tumapat ng stop light ang kotse ni Kuya Cy kaya napalingon ito sa akin at gumuhit sa kanyang labi ang mapanlarong ngisi.
Ang gwapo-- tumigil ka Rain Elisia!
"Hmm? Stalker ka na ngayon? Alam mo baby Rain, masama ang mambuso."
Bumusangot ang mukha ko. "Hindi ako nambubuso at higit sa lahat ikaw ang lantarang nakikipaghalikan sa mga babae mo, no!"
Napahalakhak si Kuya Cy sa naging reaksyon ko kaya naman humalukipkip ako sa aking kinauupuan at muling itinuon ang atensyon ko sa labas ng sasakyan.
"Baby, huwag ka ng magselos." panglalambing pa nito.
Nanglaki ang mga mata ko dahil sa tono ng boses nito na sa Daddy ko lang naririnig kapag nag-uusap sila ng Mommy ko. "H-Hoy! Hindi ka kaselos-selos, no!" singhal ko pa.
"Pft! Come on, yakapin ka lang ni Kuya," ani pa nito at diniinan ang salitang Kuya kaya naman inirapan ko ito.
"Green light na! Bilisan mong mag-drive dahil gusto ko ng matulog."
Sinunod ni Kuya Cy ang iniutos ko at saka muli naming binaybay ang mahabang kalsada pauwi sa aming bahay at makalipas lamang ang ilang minuto, huminto ang kotse ni Kuya Cy sa tapat ng bahay namin at akmang bababa na ako ngunit hindi ko mabuksan ang pinto dahil naka-lock iyon kaya nilingon ko si Kuya Cy.
"Kuya, paki-unlock ng pinto," pakiusap ko.
Sumandal si Kuya Cy sa manibela habang nakapatong ang parehong braso nito at saka inilapat ang mukha nito at tumingin sa akin.
"Alam mo bang ang pagtawag ng Kuya sa akin ay nakakabuntis, baby Rain?"
Napangiwi ako. "As if magpapabuntis ako sa'yo? Buksan mo ang pinto!"
Nagkibit-balikat si Kuya Cy. "Sinasabi ko lang. Lumayas ka na nga."
Inunlock nito ang pinto ngunit nauna pa itong lumabas sa akin kaya padabog na lumabas na rin ako ng kanyang kotse at pabalibag na isinara ang pinto bago ako nagmartsa papasok ng bahay.
'Unang araw mula sa nakakabwisit na presensya ng isang Cyrus Kai Fellowes. Ang swerte mo talaga, Rain Elisia!'