Prologue
PROLOGUE
Isa sa pinaka-gustong pakinggang kwentong pag-ibig ni Rain Elisia Santiago ay sa kung paano nagkakilala ang parents niya. Bata pa lamang siya ay mahilig na ito sa mga kwento ng kanyang Mommy at talagang na-engganyo siya sa kung ano ang meron sa kwentong pag-ibig ng kanyang Mommy at Daddy.
Habang lumalaki si Rain, naiisip niya kung matatagpuan rin ba niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo katulad ng kanyang Daddy at sa kung paano nito mahalin at tratuhin ang kanyang Mommy bilang kabiyak? Hindi naman imposible 'yon, hindi ba?
Like meron talagang nakatadhana sa atin na isang tao na makakasama natin habambuhay and listening to other people's love stories are one of her cup of tea. Kasama na ang kwentong pag-ibig ng Kuya Summer at Ate Mental niya. Sa dami ng pinagdaanan nong dalawa, sila pa rin ang magkasama hanggang sa huli at ngayon nga ay tahimik na itong namumuhay sa sarili nilang bahay.
Isa sa mga pinapangarap ni Rain ay matagpuan ang lalaking para sa kanya tulad ng kanyang Daddy at Kuya ngunit kabaliktaran ang nangyari.
She was ended up in bed - naked.
With the person she hates the most and that person named Cyrus Kai Fellowes. Ang lalaking bestfriend ng Kuya Summer niya.
Rain didn't know how she ended up in his bed basta ang huling alaala niya, umiiyak siya sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan at dumating si Cyrus at inalok siya nitong manatili muna sa condo nito then everything happens like a blast.
"I fvcking trusted you Cy but what did you do!?"
Nanginginig ang buong katawan ni Rain sa takot habang nakatayo lamang siya sa isang sulok nang madatnan sila ng kanyang Kuya Summer kasama ang Ate Mental, Kuya Helio, Kuya Luca at Kuya Theros sa kama ni Cyrus nang magkayakap at walang saplot.
At sa eksena nila ngayon, bugbog sarado si Cyrus dahil sa kanyang Kuya Summer nang hindi alintana ang hubad na katawan ni Cyrus.
"I-I'm sorry, i-it's a mistake,"
Gustong tumakbo ni Rain palayo sa condo ni Cyrus nang marinig niya ang sinabi nito at sa kahihiyan na rin na nararamdaman niya. Pagkakamali nga naman ang nangyari sa kanila. She was just a college student and he's one of a trusted friend of her big brother. Her Kuya Summer trusted him but Cyrus choose to use her especially her innocent body.
Naramdaman na lamang ni Rain na niyakap siya ng kanyang Ate Mental habang tahimik na umiiyak at pinagmamasdan ang kanyang Kuya Summer at Cyrus kung paano masira ang pagkakaibigan ng mga ito dahil sa kanya. Binihisan si Rain ng kanyang Ate Mental dahil tanging kumot lang ang siyang tumatabing sa katawan niya at kitang-kita pa ang pulang marka sa ibabaw ng kama ni Cyrus. Isang ebidensya na meron ngang nangyari sa kanilang dalawa.
Marami nang pinagsamahan at pinagdaanan ang mga ito kasama ang kanyang Kuya ngunit dahil sa katangahan niya, masisira lamang ang bagay na 'yon.
"Mistake? Alam kong babaero ka pero tangna bakit ang kapatid ko pa, Cy?" nanggagalaiti sa galit ang kanyang Kuya Summer at pinipigilan nito ang sarili na huwag na muling dumapo ang kamao sa basag na mukha ni Cyrus.
"P-Papanagutan ko naman. Please, Dyrroth, I'm sorry, hindi ko sinasadya. Lasing ako."
Halos lumuhod na si Cyrus sa harap ng kanyang Kuya Summer habang sina Kuya Helio, Kuya Luca, at Kuya Theros ay pawang napapailing na lamang sa sinapit ng isa nilang kaibigan dahil kay Rain.
As far as she remember, kinatatakutan ng mga ito ang kanyang Kuya Summer at mukhang totoo ang sinasabi ng mga ito sa kanya dati dahil na halos hindi mapigilan ng mga ito ang galit ng kanyang nakatatandang kapatid. She already witnessed it too when her Ate Mental disappeared into thin air and she witness how her Kuya Summer suffered at mukhang madadagdagan pa dahil sa kanya.
"Pananagutan mo? Sorry? Sa paanong paraan, Fellowes!? Sa dami ng babae mo sa tingin mo hindi nila kakantiin si Rain dahil dyan sa ginawa mo!? Paano kung may mabuo!? Baka mapatay kita!"
"Summer Dyrroth!" Bumitaw mula sa pagkakayakap kay Rain ang kanyang Ate Mental at saka nito nilapitan ang Kuya niya at niyakap ang braso bago inilayo kay Cyrus. Hudyat din 'yon para lapitan si Cyrus nina Kuya Theros at ilayo sa kanyang Kuya Summer.
"Problema na ni Cyrus kung paano niya haharapin ang galit mo. Iuwi na natin si Rain, please?"
Pilit na pinapakalma ng kanyang Ate Mental ang asawa nitong si Summer at nang lumingon ito sa gawi ni Rain, halos manlisik ang mga mata nito at mabibigat na hakbang ang ginawa nito para lang makalapit sa kanya.
Marahas na hinablot ng Kuya Summer niya ang kanyang braso at pilit siyang itinayo.
"K-Kuya, masakit..."
"Masasaktan ka talaga sa 'kin kung hindi ka tatayo ng maayos! Anong pumasok sa utak mo at sumama ka sa lintik na 'yon at pumayag ka pang - tangna! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa'yo!"
Hinila siya ng kanyang Kuya palabas ng condo ni Cyrus at rinig pa niya ang pagtawag ng kanyang Ate Mental sa pangalan nilang magkapatid. Pilit siyang kumakawala mula sa pagkakahawak ng kanyang Kuya ngunit masyado itong malakas.
"K-Kuya, tama na... masakit. Bitawan mo ako."
Umiiyak na si Rain habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng kanyang kapatid ngunit hindi pinakinggan ng kanyang Kuya ang pagmamakaawa niya. Halos suntukin na nito ang button ng elevator para lang bumukas 'yon at makalayo sila sa condo ni Cyrus.
"Summer, nasasaktan ang kapatid mo!"
"Masasaktan ka rin pag pinakialaman mo ako! Uuwi na tayo!"
Nang bumukas ang elevator, kinaladkad si Rain ng kanyang Kuya papasok at saka sumunod ang kanyang Ate Mental. Hindi niya mapigilang mapahikbi dahil sa galit na nakikita niya sa mga mata ng kanyang Kuya.
Hindi niya inaasahan na mangyayari 'to at kasalanan niya lahat kung bakit umabot sila sa ganito. Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng kanyang Kuya Summer at Cyrus ng dahil sa kanya.
Ipinatapon si Rain sa probinsiya kung saan nag-aral ang kanyang Kuya dati at kung saan din nila nakilala ang kanyang Ate Mental. Walang sinuman ang pwedeng dumalaw sa kanya nang hindi alam ng kanyang Kuya. Sobra siyang nasaktan dahil sa nangyari ngunit kasalanan niya naman at heto siya ngayon, mag-isang hinaharap ang panibagong problema.
Cyrus got her pregnant.
At kapag sinabi niya sa kanyang Kuya Summer, hindi ito magdadalawang-isip na patayin si Cyrus kahit na matalik na kaibigan pa ito ng kanyang kapatid.
At sa bawat pagsapit ng tag-ulan, naaalala niya ang masalimuot niyang karanasan mula nang sumama siya ng kusa kay Cyrus. Sa bawat pagpatak ng tubig ulan, ay siya ring pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata dahil hindi niya kayang ipaglaban ang bagay na namagitan sa kanila ni Cyrus.
Hinihiling niya na lang na sana sa pagtila ng ulan ay makikita niya ang bagong bukas para sa kanya, para kay Cyrus, at sa magiging anak nilang dalawa.
Sana....