KABANATA 01
Nagulat ako ng biglang huminto ang taxi na sinasakyan ko sa gilid ng kalsada.
"Sir hanggang dito nalang po ako" sabi ng driver.
Tumingin ako sa paligid malayo pa ang gate ng Hospital na pupuntahan ko.
"kuya, hindi po ba pwedeng pakihatid ako kahit hanggang gate lang mabigat po kasi yung mga bagahe ko" pakiusap ko sa driver.
"Naku sir bawal po kasi pumasik ang mga public transportation dyan sa hospital na yan kaya hanggang dito lang po talaga kami sa kalsada" paliwanag ng driver.
" tignan nyo nga po may nakatutuk satin na cctv, pag mamay-ari po yan ng hospital" dugtong pa nya habang tinuturo ang cctv na nakakabit sa poste.
“sige po kuya salamat po” sabi ko at inabot ko ang bayad ko sa kanya saka ako bumama ng taxi.
Dalawang bag ang bitbit ko at medyo mabigat ito dahil marami akong dalang gamit sabi kasi sakin ng head doctor ng hospital nato dito daw ako mag sstay hanggang matapos ang kontrata ko.
Six months ang nakalagay sa kontrata ko kaya ganun ako talagal sa hospital nato pero may day off naman ako once a month.
By the way isa nga pala akong Psychiatrist at isang mental hospital ang pupuntahan ko ngayon kung saan ako mag tatrabaho.
Tinahak ko na nga ng daan papunta sa gate ng hospital, siguro mga 5 minutes ko tong lalakarin dahil rough road ito at isa pa mabigat ang bitbit kong bag.
Sa five years kung pag tatrabaho bilang Psychiatrist itong hospital nato ang pinaka weird na papasukan ko una ang laki ng sahod kumporme sa regular na sahod talaga ng isang Psychiatrist halos doble na , pangalawa yung location nitong hospital nato ay sobrang hirap hanapin nasa kasuluk-sulukan na nga ata to ng probinsya, napaka liblib pa ng lugar parang nasa gitna na nga ata to ng gubat.
At sa wakas nakarating narin ako sa gate ng hospital. May nakita anong guard na papalapit sa akin na medyo nakakatakot ang itsura.
“Sino ka?” tanong ng guard sakin.
“Kairiel Ablaza po bagong Psychiatrist po ako.” Pakilala ko sa kania, bumalik sya sa guard house at may kinausap sya sa phone.
Nang ibaba nya ang tawag ay binuksan na nya ang gate.
“hinihintay kana ng head doctor hanapin mo nalang ung opisina nya sa loob” sabi nito.
Kasungit naman ng guard nato sabi ko sa sarili ko. “salamat po kuya” sabi ko in sarcasm way.
Naglakad na nga ako papunta sa hospital para hanapin daw ang opisina ng head doctor. At sa pintuan nga ng hospital ay may nakaabang nanaman na guard.
“sir, check ko lang po ang mga dala nyo” harang sakin ang guard at kinuha ang bitbit kong bag.
Kinalkal nya ang bag ko at kinuha nya ang mga gamit ko na matutulis katulad ng ballpen, nail cutter at kahit ang belt ko kinuha rin nya.
“sir, kukunin ko rin po ang cellphone nyo” sabi nya sakin habang inaabot nya ang bag kung gulo gulo na dahil sa pag kalkal nya.
“Ano po? Pati cellphone ko?” gulat na tanong ko.
“para narin po sa safety sir, bawal po kasing may makalabas na information galing dito sa loob ng hospital nasa kontrata po yan na pinirmahan nyo” paliwag sakin ng guard.
Nasa kontrata ba yun parang wala naman akong nabasa sabi ko sa isip isip ko.
“pwede po pang mag text muna ako sa pamilya ko baka po kasi mag alala sakin ung mga yun pag hindi ako tumawag sa kanila” pakiusap ko sa guard.
“Oh sya sige na bilisan mo lang at hindi ka makakapasok hanggat nasayo pa ang cellphone mo” sagot naman nya sakin kasusungit naman ng mga guard sa hospital nato.
Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko at tinext sila mama.
Mama nakarating na po ako dito sa pagtatrabahuhan kong hospital, maayos naman po akong nakarating dito, sya nga po pala hindi po muna ako makakatawag o makakapag text sa inyo dahil bawal po ang cellphone dito, tatawag nalang po ako sa inyo pag day off ko. Lagi po kayong mag iingat dyan nila papa ha! mahal na mahal ko po kayo.
-sent-
Pag kasend ko ng text ay inabot ko sa guard ang cellphone ko at saka lang nya ako pinapasok.
“saan nga po pala ang office ng head doctor?” tanong ko sa guard.
“Diretso ka lang tapos liko ka sa kanan ung unang pinto yung opisina nya” pag bibigay direksyon nito.
Sinunod ko nalang ang sinabi at nakita ko na nga office ng head doctor.
Kumatok muna ako bago bukasn ang pintuan.
“You must be Doctor Ablaza” bungad sakin ng isang matabang babae na nakasuot ng doctor gown.
“Uhm! Yes po, Doctor Kairiel Ablaza po” pakilala ko sa kanya.
“Welcome to our hospital doctor Ablaza, I’m the head Doctor, Doctor Cruz” pakilala nya at nakipag kamay sya sakin.
“Kamusta naman ang byahe mo papunta dito?”
“ayos naman po kaso nakakapagod lang po”
“Ganun ba, mag pahinga ka muna saka nalang tayo mag usap tungkol sa schedule mo tanong mo nalang sa guard kung saan ka ma-aasign na doctor’s room” sabi nya sakin.
“Okay po Doc nice to meet you po ulit” sabi kay Doc Cruz at nag lakad na papunta sa pinto nang nasa pinto nako at akmang lalabas na.
“Doc Ablaza!” tawag sakin ni Doc Cruz.
“Mag tagal ka sana sa hospital nato at makilala mo ng mabuti ang pasyente mo” sabi nya at ngumiti sya ng parang demonyo.
Ewan ko ba pero yun yung nakita ko sa pag mumukha nya eh.
“Sigurado po yan” sagot ko nalang sa kanya at tuluyang lumabas sa pintuan ng office nya.
Ang wiweird naman ng mga tao dito sa hospital nato ung mga guard ang susungit tapos tong head doctor naman mukhang tanga ngumiti, hay ewan ko.
Hinanap ko na nga ulit ung guard na naghalungkat ng bag ko kanina para tanungin kung saan ang doctor’s room katulad ng sabi ng head doctor.
Bumalik ako sa pintuan na pinasukan ko pero wala na ang guard dun, kaya nag lakad lakad nalang ako sa loob ng hospital nag babakasakaling makita ko ang guard.
Sa pag lalakad lakad nakarating ako sa hallway kung asan ang mga kwarto ng mga pasyente.
Nag lakad lakad pa ako hanggang makataring ako sa dulo. Ang weird lang ng dulong pinto dahil ito ay bakal hindi tilad ng mga unang pinto na ordinaryong pinto lang.
Nilapitan ko ang pinto, wala itong doorknob o lock na di susi kundi code lock ang nakalagay dito.
Hahawakan ko sana ang pinto ng may ibalang kamay na humawak sa balikat ko kaya napalingon ako sa likod si kuyang guard lang pala.
“Kuya, ginulat nyo naman po ako” sabi ko habang hawak hawak ang dibdib ko dahil anlakas ng t***k ng puso sanhi ng pag kagulat ko.
“Anong ginagawa mo dito Doc?” tanonv nya sakin, hindi man lang nag sorry sa ginagawa nyang pag gulat sakin.
“uhm! hinahanap ko po kayo kuya kasi po sabi ni Doctor Cruz tanong ko daw po sa inyo kung saan ang doctor’s room” sagot ko sa tanonv nya.
“Kung hinahanap mo lang ako bakit ka nakarating dito area bawal ka pa dito at wala ka pa naman schedule o pasyenteng hawak.” galit na tanong nya sakin.
“Sorry naman po” I said in sarcasm way.
“At saka wala naman akong ginagawang masama kuya kung magalit ka naman parang may nagawa akong mali” dugtong ko pa.
“Simusunod lang po ako sa utos, Doctor” sagot naman nya sakin.
“Sumunod nalang po kayo sakin at ihahatid ko na kayo sa kwarto nyo” sabi nya at tinalikuran nya ako.
Nag sumula na syang maglakad kaya sumunod nalang ako sa kanya. Pero bago ako makalayo ay muli kung tinignan ang bakal na pintuan.
Sana wag akong ma assign sa pasyenteng nasa loob ng kwartong iyon.
Naglakad na ulit ako para hindi mawala sa paningin ko si kuyang guard na ang layo na ng distansya sa akin.
Halos tumakbo na ako dahil anlalaki ng habang ni kung guard. Lumabas kami sa building ng hospital at nag lakad patungo sa likurang bahagi nito.
At sa hindi nga kalayuan ay nakatayo ang isang maliit na building, siguro ito na ang doctor’s room.
At hindi nga ako nag kamali dahil huminto si kuyang guard sa tapat ng pintuan nito.
“Ito ang doctor’s room dito nag sstay ang mga doctor” paliwanag nya sakin “ito nga pala ang susi mo sa ikaapat na pinto sa kanan ang kwarto mo” sabi pa nya at inabot nya sakin ang susi.
Kinuha ko naman ito at pumasok na sa building.
“Doc Ablaza” tawag sakin ni kuyang guard.
“Siguraduhin mong mag isa kalang sa kwarto mo bago mo ilock ang pinto, at sana mag tagal ka dito” sabi nya at ngumiti sia na parang demonyo katulad ng ngiti ni Doc Cruz.
Pag kasabi nya nun ay umalis narin sya. Parang natakot naman ako sa mga inaasal ng mga tao dito.
Pinagpatuloy ko ang pag lalakad ko hanggang makarating ako sa ikaapat na pinto kung saan ang kwarto ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ipasok ang susi sa doorknob pero nang pihitin ko ang doorknob hindi ito nakalock.
Bubuksan ko na sana ang pintuan nang biglang....