Capitulo Quince

2343 Words
Juanco's Ako lang ba ito o tunog iyon ng dagat na dahan dahang tumatama sa dalampasigan at amoy ng hanging napakasariwa pinapagaan nito ang pakiramdam ko kahit na may kung anong bagay na nakadagan sa aking mga hita ng idilat ko ang aking mga mata ay isang natutulog na Kerin na aking bandang paanan bumungad sa akin ang mga kamay nito ay nakalahad sa may hita ko, kuyom ang kumot na nakadantay sa akin, pulang-pula ang mukha. Napatingin ako sa silid kung asaan ako, wala ako sa mansyon. May isang sliding door na ang labas ay balkonahe ang nakabukas kaya rinig at amoy ko ang dagat. Nasa isla ba ako? beach? o resort? hindi ko alam. Gumalaw ang aking noo, pilit inaalala ang nangyari ng biglang gunalaw si Kerin, idinilat ang nagpupungay nitong mga mata at sandaling napatingin sa akin ng na tila nagulat, pinasadahan ako ng tingin at ng makita nitong ayos lang ako ay lumamlam ang ekspresyon nito saka napahilamos ang kamay sa mukha like he had a sense of relief. "Kerin...", aabutin ko na sana ito pero dali siyang natayo, natumba pa ang bangko na kinauupuan nito, tinalikuran niya ako. Ang kamay ko ay naiwan sa ere. "Bakit ba ako nagkakaganito ng dahil lang sayo?" "Ano ka ba para sa akin?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin ng di man lang ako magawang harapin upang maitanong iyon. At ang boses nitong tila lugmok na sa kanyang nararamdaman. Like all his defenses had crumbled. "Naghahalo ang emosyon ko, di ko alam kung saan ilulugar kung dito ba o doon...", pagpapatuloy nito, this time he was looking at me half way, hindi nito maiharap ng buo ang mukha sa akin. "You meant nothing to me... It should have been like that pero, bakit sa tuwing nakikita kita at bumabalik sa akin ang katotohanang di mo kailanmam maitutring ang tayo ng higit pa sa kung ano tayo ay tila nilalagay mo ako sa bingit ng kabaliwan, di ko mapigilan!" Sa tindin nang pagkakasabi nito at sa nararamdaman noya, isama pa ang mukhang intoxicated nitong katawan ay kamuntikan pa itong matumba mabuti nalang at nakahawak ito sa bed frame. He settles on the pole, he looks helpless di ko magawang magalit sa ginawa nito dahil sa hitsura niya ngayon, so again I simply called for his name. "Kerin..." "Stop it. Stop calling my name, dahil di ko na alam kong ano na namang magagawa ko. I don't want to hurt you anymore dahil mas doble ang sakit na mararamdaman ko" Hindi ito ang tamang panahon, mahina ang katawan ko, at sobranh intoxicated nito. Maghahalo lang ang mga nararamdaman namin at without even thinking. Naglakad na ito patungo sa pintuan, narinig kong pinihit nito ang iyon at baho lumabas ay nagsalita. "Wag kang mag-alala hindi kita dinala dito para ikulong, di rin kita iisturbuhin at lalong wag mong iisipin si Anton. Just, just be free staying here... the moon and the night breeze... it is nice here", wika nito na tila nawawalan na ng tamamg salitang sasabihin sa akin. Tuluyan na ako nitong iniwan sa silid na iyon. Napagawi nalang ang aking tingin sa nakabukas na balkonahe, lumakas ng simoy ng hangin na galing sa dagat napapikit ako at doon ko napagtanto; si Kerin, did he just made a confession? that he... to me? Napadilat ako at biglanga namula. Di ko alam kung saan iyon ilulugar hinila ko ang aking comforter at tinaklob iyon sa akin na parang batang ikinukubli ang sarili sa hindi ko alam kung hiya, tuwa o inis. Hindi, hindi iyon inis, isa iyong... "Ah!", mariin kung tinuliklop ang sarili pang lalo dahil sa isiping iyon at dahil sa aking ginawa ay wala akong ibang naririnig s aloob ng madilim na comforter kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Tumigil ka! Hindi ganun iyon. Kerin didn't mean it. Ikaklaro ko sa kanya kapag maayos na ako, hindi ganun! "Sinabi ko na sayo, hindi ka kasali dito, kumalma ka kundi masasaktan tayong dalawa", wika ko sa sarili at nanatili sa ganuong posisyon hanggang sa kumalma ako. True to his words, ay hinayaan lang ako ni Kerin sa tingin koy isang villa. May mga katulong at nurses na oras oras ay nag-aasikaso sa akin at sa mga gamot na ini-intake ko. May mga security din na anduon at nakapalibot. Kapag lumalabas ako at nagpupunta sa baybayin ay nakasunod amg mga ito sa akin pero hinahayaan lang ako ng mga ito at walang kahit anong pinagbabawal. Tanghaling tapat, tirik na tirik ang araw, nakaupo lang ako sa tabi ng isang puno sa may tabi ng dagat, nilalaro ang mga buhangin habang nakatunghay dagat. Malalim akong napabuntong-hininga. Hindi ko inakalang kailangan ko ito, sa lungkot ng nagong buhay ko, sobranv kaligayahan na sa akin ang mga bagay na normal lang para sa isang tao. Pero, bakit pakiramdam ko ay may kulang? Tumayo na ako at pinagpag ang aking puwetan, pati na rin ang aking paa at tinggal ang buhangin sa suot kong tsinelas at nagtungo na sa loob ng bahay kung saan nakahanda na ang hapag para sa pagkain ko. Nang maupo ako, ay napatingin ako sa katulong at nagtanong. "Hindi ba nagpunta si, Kerin ngayon?", tatlong araw na akong narito, nakakarinig ako ng mga sasakyang naglakabas-pasok pero hindi ko ito nakikita. Gusto ko lang naman siyang makita. Alam kong sinabi niyang hindi niya ako iisturbuhin pero ano ba naman ang kumustahin ako ng harapan. Hindi ko alam kong nanaginip lang ba ako pero madalas sa lalim ng gabi ay nakakarinig ako ng pagbukas ng pintuan at nararamdaman kong may kung sino ang tila nagbabantay sa akin. Now that I thought of it, tingin ko ay si Kerin iyon, hindi ko magawang kompermahin dahil sa nangyari ng nakaraan. Nagsisisi na tuloy ako. Gumabi na, mag-isa lang ako ngayong nasa sala nakaupo sa coach yakap ang dalawang tuhod. I am used to being alone, to care to no one but myself, pero habang narito ako sa villa ng wala ang mga taong sa ilang buwan ay nakasanayan kong kasama, pakiramdam ko bumalik ulit ako sa buhay na iyon. Naisubsob ko ang aking mukha sa tuhod ng biglang magsalita ang katulong, alam ko kasi ang boses ni Manang. "Juanco, may ipag-uutos ka pa ba?", itinaas ko ang aking kamay at hinarap ito. "Pwede ho ba kahit isang stick lang ng pula?", nag-pout pa ako rito at pinagdaop ang aoing mga kamay, just to plead her. "Pasensya na ho, pero mahigpit na utos ni Mr. Desjardin ang walang kahit anong bisyo para sa inyo" "Hmmp!", napahiga nalang ako sa sofa sabay abot ng makapal na kumot na anduon at tinaklob sa akin. Ganuon lng ako ng biglang makarinig ng mga sasakyang kakarating pa lang. Pinakiramdaman ko iyon at narinig ko ang boses ni Manang na sinasalunong ang taong pumasok kaya parang bata ay daglian kong winaksi ang kumot at nakayapak na tumakbo upang tingnan kong sino iyon, kung siya ba iyon, at di naman ako nabigo. Sa harap ko ngayon ay si Kerin, naka-casual lang ito na damit at may dalang mga groceries. Nagulat ito ng makita ito, na napalitan ng yamot sa kamyang mukha ng mapangiwi ito. "Dalhin mo na ito sa loob, Manang", mabilisan nitong sabi sabay lapit sa akin at hablot ng aking kamay. Nagpatianod lang ako rito. "Bakit ba, Kerin!", sabi ko rito pero hindi siya nakinig at dinala ako sa coach at inupo doon. Lumapit ito sa rack ng mga tsinelas na nasa malapit at kumuha ng masusuot ko. Walang salitang lumuhod pa ito upang isuot iyon sa aking paa. "Nakayapak ka sa malamig na tiles. Gusto mo ba talaga palagi ang nagkakasaki", wika nito habang ginagawa iyon. "Ngayon nag-aalala ka eh yung ginawa mo-", napatigil ako ng napatigil rin ito at bagsak ang balikat na nakahawak sa aking mga paa. "Kerin, I didn't mean to--" "Hindi, tama ka naman...", tumayo ito at muli di man lang iniangat sa akin ang tingin. "It was wrong for me to come here", naglakad na ito paalis pero di pa man ito nakakalayo at hinablot ko ang laylayan ng shirt nito. Nilingon niya ako at pilit na inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak doon pero hindi.ako nagpapatinag at mas hinigpitan oang lalo ang hawak ko. "Juanco..." "Don't leave; I'm bored, gusto mong gumaling ako di ba? So stay and keep me company" Hinila nito ang kamay ko at pinabitiw sa paglakahawak at ipinalit ang kanyang kamay upang aking hawakan, lihim akong napangiti. "Kung ganun, what is it that you want to do?" "Sabi mo maganda ang buwan dito, gusto kong maglakad-lakad, samahan mo ako" Lumalim ang gabi, naging mas maliwanag ang buwan, na ang bawat hakbang ko ngayon ay nasisinagan ng araw. Inayos ko ang kumot na nakabalot sa akin. I was slowly walking with him at the back, isang dipa ang layo sa akin. Tila ilag pa rin ito, di ko alam kong nakokonsensya ba ito sa nangyari because I know how ruthless he is even to me. It's a first time to see Kerin like this, napaka timid. Nilingon ko si Kerin na nakasunod lng sa akin at kung saan saan nakatingin, see how timid he is. "Alam mo, tatlong araw na ako dito, pero wala namang full moon, ang pangit ng buwan!", turo ko pa rito dahilan para tila.napikon si Kerin at lumapit sa akin. "Huh? What do you mean? I see to it the moon will perfectly shine on you?", litanya nito ng walang anong hinapit ko ito papalapit sa akin, his body bended to meet my gaze; I smirked at him. "Kung di pa kita pipikunin di ka lalapit sa akin. Bat andun ka, kakagatin ba kita?" "N-no, hindi ganun... I just want you to walk freely and enjoy nang walang inaalala, not even me, and just have this peace and quite that you deserve", matapos sabihin iyon ay napalunok ito at napatingin na naman kung saan. Ibang-iba ang Kerin na nasa harap ko sa inakala kong Kerin na kilala ko. I never expected him to have such side. I smirk at thought bago nagsalita. "Okay, kung ganun", binitawan ko ito, umayos na siya ng tayo, this time nasa tabi ko na ito. "So, what about your confession?" "Ha?", "Pwede ba Kerin, di na tayo mga bata. You, like me" "Juanco, alam kong direct ka but this--" "Has to stop..." "What?" "Sinasabi ko sayo ito, to spare you sa maaring mangyari. Itigil na natin habang maaga pa, hanggang gusto ka nalang wag mo nang palalimin pa at ganuon din ako" His gazes went from fluffy to deadly. "Kung malaman mo kung ano ang nagawa ko, it will make you hate me. Kaya itigil na natin" "To hate you or to love you is for me to decide, Juanco. Tell me your side of the story, and I will decide", pagpupumilit nito na aking ipinagwalang bahala. "Masyado ka pang bata, you will meet someone and fall, hindi ako iyon", tinalikuran ko ito at muling naglakad. "At ito ako iniisip that of all people hindi mo gagamitin ang pagiging bata ko laban sa akin. I may be young but I'm no fool, I know where to place my beliefs and my heart", hindi ko ito nilingon patuloy lang ito sa pagsasalita. "Sa tingin mo ginusto ko ang makaramdam ng ganito sayo? I'm not a gay man, Juanco, f**k I don't even know what I am now but I won't label my heart with what's the norm. Alam ko ang nararamdaman ko, at sinasabi ko sayo, pinigil ko ang sarili ko dahil gaya ng usapan natin you are just a hole to fill but it turns out you were more than that. I hated how you made me feel, so bad!" "Ganyan ka lang dahil natamaan ko ang ego mo, makakalimutan mo rin iyan, makakalimitan mo rin ako" Hinablot nitong paharap ako sa kanya. Mukha na itong desperado, iba sa Kerin na kilala ko. "But why? Why won't you give this a chance?" "Loving means destruction, its like holding your heart hostage that in any moment could slit your throat, it's not for people like us. Marry Anya and I will be with Anton hanggang sa makahanap ako ng paraan para matakasan siya and by then, I will disappear, makakalimitan mo rin ako", tinulak ko siya. "f**k stop! Sino ka para pangunahan ang nararamdaman ko?" "I'm the man that loves you too!", dinuro ko ang bandang dibdib nito. "At mababaliw rin ako kung may mangyaring masama sayo ng dahil sa akin kaya please lang makinig ka!", nanginginig na boses kong sabi, naitakip ko ang kamay sa aking bibig. Kita ang gulat sa mukha nito. Anduon na ako eh, bakit ko ba iyon nasabi, tumalikod ako ng hapitin niya ako palapit. "Say that again" "It was a mistake!", tinulak ko ito at humakbang upang tumakbo ng sumigaw siya. "Run! Go on, takbuhan mo ulit ang nararamdaman mo. Lahat ng di mo kayang harapin, takbuhan mo, you're good at running away. Matapos, gawin mo rin akong isang ala-alang magbibigay ng sakit sa bawat araw na nabubuhay ka because you know you want me too, but a coward to face his truth. Run, you coward!" Nanigas biglanang aking mha paa, at nagsimula iyong manginig, nilingon ko si Kerin. Na gaya ko ay pagod na sa pagpipigil naming dalawa "Naiintindihan kita...", mahinang wika nito, he seems breathless. "You have loved and been hurt pero hindi ibig sabihin ay magiging ganun din tayo. So for once in this life, itigil mo na ang pagtakbo at sirain ang sarili mo. Just...I just want you to fight for this, fight for me and make this work" I paused for a while, nag-iisip sa aking sasabihin, kung dapat ko ba iyong sabihin sa kanya pero siguro, karapatan niyang malaman ang totoo. "Kung ganun, let me share to you my side of the story, at matapos, isipin mong mabuti kong nanaisin mo ba talaga ang manatili sa tabi ko. Your reaction could either be my prosecution or redemption", maigi lang itong tumango. "Try me... no holds bar, no lies, tell me all of it"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD