Juanco's
"Come on, Juanco do not be such a weakling!", sigaw sa akin ni Cillian sabay tapik sa aking balikat. Nasa loob kami nang ring, napaupo na ako, we are sparring. Daoat ay friendly game.lang sabi nito, pero sa tindi ng mga tama nito sa akin at bigat ng kamao niya, walang friendly doon.
Nagulangan na naman ako ni Cillian makipag-spar sa kanya sa training ko, I hate sparring with him dahil di tila di nito alintanan na trese anyos pa lang ako.
"Come on!", hamon nito sa akin na undayan ko naman siya ng suntok. Naiinis ako gusto kong tanggalin ang ngisi sa mukha niya gamit ang kamao ko. As much as I adore my brother gaya ng ibang magkakapatid naiinis rin ako sa kanya.
Kaya tumayo ako at inayos ang tayo, naikot kami sa isa't-isa, bumuwelo at akmang susuntukin na sana ito ng ito sinukmuraan niya ako, isang upper cut sabay tulak sa leeg ko, lupaypay ako napatakbo patungo sa tali ng ring, nakakapit ako doon, napaubo sa tindi ng tama ko sa tiya.
"Aagggh! Haaa!", habol ang hininga at masakit ang katawan akong di na nagawang tumayo sa pagkakasabit.
"Ano?", rinig kong sabi ni Cillian. Nakapikit pa rin ako at dumadaing sa sakit. Tangina talaga ka talaga Cillian! Bulalas ko sa likod ng aking utak.
Masakit na rin na kanina pa ako tila damit sa sampayan na nakasabit doon kaya idinilat ko ang aking mata at aayos na sana ng tayo ng makita ko sa aking harap ang dalawang lalaki, magkamukha ang mga ito. Ang pagkakaiba lang sa dalawa ay ang isa ay clean cut habang ang isa naman ay buzz cut, at walang reaksyon lang ang mukha nung naka clean cut habang ang isa naman ay nakangiti, iyong ngiting di naman nakakairita, which is odd thinking sa sitwasyon ko ngayon.
Sa hiya ko sa mga lalaking nasa baba at tila kanina pa nakatingin sa paghihirap ko ay umayos ako na para bang walang nangyari, kahit na ansakit ng katawan ko. Paano nalang ang honor ko, kasalanan talaga ito ni Cillian.
Humakbang si Cillian papalapit sa akin, at nakita ang dalawa. Lumapit naman iyong naka clean cut at nagpakilala.
"Magandang umaga sa inyo dalawa, Mr. Cillian at Juanco Desjardin. Ako ho si Damon Guerrero at ang kambal ko so Damien Guerrero", pagpapakilala nito, di pa agad nakalapit ang Damien at hinila nalang palapit sa kanya ni Damon.
Bumaba kami ng kami ni Cillian at nakipag-kamay.
"Andito na pala kayo, well, ito ang little brother ko. Ang magmamana ng Pacific, siya ang babantayan niyo mula ngayon.",
hinawakan ng kuya ang dalawa kong balikat.
"Juanco, Damon and Damien will be your personal security"
"How can these kids, like me, protect me?", I said mockingly.
"Hindi ho kami nabubog basta gaya niyo", sabi nung Damien. I irked at him, binatukan naman ito ng Damon.
"Pasensya na kayo sa kapatid ko, he's unruly at times pero magaling siya. At kung diskompyado pa po kayo sa amin ay hindi naman ho siguro kami isasama sa personal security ninyo kung hindi kami karapat-dapat at kung di pa rin kayo kombensido, bigyan niyo lang kami ng ilang araw para patunayan ang aming mga sarili"
"Juanco, they were trained young, they may look young but they have the expertise of an adult. Kinuha namin sila para kahit papano hindi ka ilag sa mga kaedaran mo, a security and a companion"
Pinagbigyan ko na si Cillian para matapos na.
"Oh!", isang maliit na tunog ang aking narinig dahilan para matigil ako sa ginagawa. Naghahalikan kami ng boyfriend ko ng may mga istorbong dumating.
"Argh, kayo na naman", sina Damon at Damien, parehong gulat na nakatingin sa akin ang huli ay may lollipop pa sa kamay.
"Sa susunod na natin ituloy, itong wala nang mga epal. I need to go", naglakad na ako paalis sa maliit na eskenita at sumenyas sa dalawa na sumunod na sa akin.
Isinukbit ko ang aking bag sa aking likod. Nakasunod lng ang dalawa, walang kahit anong salita.
"Walang makaka-alam nito, kundi pupugutan ko kayong dalawa"
"Makakaasa kayo, Sir Juanco", sabi ni Damon
.
"Di rin, aga mo naglandi, malalaman rin ni Sir Cillian iyon", mabilis akong napalingon rito dahilan para parehong magulat ang dalawa.
"Ay, diyos ko po!", napahawak pa si Damien kay Damon.
"Anong sabi mo?"
"Nagsasabi lang naman ho ako ng totoo"
"Wala akong pakialam, gusto mo gilitan kita ng walang oras?", I was ready to swing ng magsalita si Damon at pinigil ako.
"Sir Juanco, hayaan niyo ho, pasensya na, ako na ang bahalang kakausap sa kapatid ko", hinampas nito ang kapatid sa dibdib.
"Bakit ikaw lang ba, kayong mga babae ang gusto ang pwede lumandi?", gusto ko na itong sugurin pero pinigil ako ni Damon.
"Wala naman kasi akong sinabi kung babae o lalaki ang gusto mo. Pero landi pa rin iyon, daig mo pa si Erich sa Katorse"
"Tangina! Halika rito, papatayin kita!", nagwawala na ako, at nagpapadyak pero pilit na pinipigil ni Damon.
"Damien, alis na! Sir Juanco kumalma ho kayo"
Dumaan ang mga araw, ilag pa rin si Damien sa akin, at ako rin. I don't like him anyway, mas gusto ko pa si Damon, mas masunurin at hindi kagaya ng kambal niya. Ayos na ako na si Damon lang at kapag anduon si Damien ay civil lang kami kahit gusto ko na itong saksakin. I hated him, until that day, na iniba nito ang pagtingin ko sa kanya ng tuluyan.
"Bakit ikaw ang andito?", nakahalukipkip alhabang taas ang kilay kong sabi. Kakalabas ko lang ng skwela at ang akala kong si Damon na magsusundo sa akin ay hindi, imbes ay si Damien ang narito.
"May sipon ho, hindi siya pwede baka mahawa kayo", malawak itong nakangiti sabay bukas ng pintuan.
Inikot ko ang aking mata at naglakad sa ibang direksyon.
"Sir Juanco, may lakad pa ho kami matapos niyo. Pwede ho ba kahit ngayon lang tiisin niyo muna?",
"Aba at ikaw pa ang ngayon ang ganyan.
Ayoko, si Damon ang gusto ko", tumawid na ako sa daan.
"Ganun rin ho ako", nang-iinis na naman ito imbes na pilitin ako kyaa imbes na tuluyan akong tumawid ay napahinto ako sa gitna ng daan at labas ang litid itong sisigawan sana nang nakarinig ako ng malakas na bosena. Paglingon ko ay isang humaharurot iyon na motor, hindi ako nagalaw, hinahanda na ang sairli sa mangyayari ng hinablot ako ni Damien at pinagpalit ang posisyon namin, ito tuloy ang nakaladkad ng motor.
Hospital ang deritso namin pero mabuti naman at braso lang ang bali dito, may galos din sa mukha, pero buhay pa naman.
Kinakain ng konsensya ay iniiwasan ko talaga ito, ni hindi ako humingi ng sorry dahil kasalanan rin naman niya, pero lumalabas pa rin talaga ang guilt sa akin.
Di rin naman na ito namilit sa akin, muli lang kaming nagka-usap ng may pusang sunod ng sunod sa akin sa skwela pauwi, pilit ko iyong pinapatid paalis.
"Sama talaga ng ugali nito", narinig kong nasa likod ko na pala ito. May cast sa kamay.
"Sorry na ming ming, di kasi makapag sorry ang isa diyan"
"And why", ng lingunin ko ito ay nilalaro na nito ang pusa. He was smiling at it like he always does to people. At ng biglang tiningala ako nito at nangiti na namang muli that it seems like everything that surrounds him lightens.
"I'm sorry", nakayuko kong wika, pinatid pa ang bato na anduon.
"Ha?"
"About your hand, dahil sakin nabalian ka"
"Security mo kasi ako"
"Ayun naman pala eh, edi di na ako magso-sorry", tatalikod na sanang sabi ko.
"Ay sige na, tinatanggap ko na sorry mo!", Napakamot ito sa ulo niya, napatawa nalang ako.
Hindi ako nakarinig ng kahit ano ng bigla ko nalang naramdaman ang kamay nito na nasa aking ulo at hinihimas-himas iyon.
"Ayan, nag sorry na siya",
"Hindi ako pusa", winaksi ko ang kamay niya saka pumasok ng sasakyan.
Mula noon ay hinahayaan ko nalang siya na ang kasakasama ko. Panany kasing may ibang pinapagawa kay Damon kaya siya na ang nag-iisang personal security ko.
At sa loob ng limang taon, our bond grew at naging magkaibigan kami ng kambal saka, kasakasama na namin ang mga ito kahit saan ni Anton, na kababata ko.
At doon ko rin napagtanto, na kasama ng ilang mga taong kasama si Damien, my heart too grew fund of him. Kahit na kasi alam nito ang kasarian ko, di man lang ito lumayo sa akin at imbes ay ikinonsidera na rin akong isang kaibigan.
I like Damien, pagkasama ko kasi ito ay naiibsan ang isiping isa akong Desjardin kundi isang ordinanryong teenager. At sa kabila ng trabaho nito ant nang mundong mayroon kami ay ang puso nitong nanatiling puro, puno ng compassion sa iba at ambisyong he would make a better him.
He was who I adore, until she happened.
"Gusto ko siya, Juanco. Iba ang kagandahan niya, tingin ko gusto niya rin ako"
And right then and there nawasak ang puso ko. Nagkagusto siya sa babae. He's straight, unlike me. Ang una kong pag-ibig, ay hanggang doon nalang.
"Bakit ba hindi ka sumasama sa akin kapag inaaya kita, Juanco?", tanong sa akin ni Anton. He's been pestering me since yesterday. Ayoko lang kasi talagang gumala ngayon, wala ako sa mood these past few days na sa tingin ko ay dahil kay Damien at sa nagugustuhan nitong babae.
"It's Damien right? Siya na naman"
"Anton..", pinalo ko ng mahina ang kamay nito. No one knows I swing that way.
"Akala mo di ko napaghahalata. Even Damon said so, at sinasabi ko sayo hindi siya natutuwa"
"Sinabi mo kay Damon ang tungkol sa pagiging...?"
"Yes, halata ka naman"
"Wala kang karapatan, Anton", tumayo ako at aalis na sana ng hinuli nito ang kamay ko, he was pressing it, slowly, like he's meaning to say something.
"I like you. Sa tingin mo magtitiis akong ganito sa tabi mo kung di kita gusto. I can out myself to the world, just be mine",
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, all along akala ko malapit lang na kaibigan ang turing niya sa akin.
"Kaibigan lang ang turing ko sayo, Anton"
"At si Damien ang mahal mo? Stupid move"
Hindi ko na ito sinagot pa ang umalis na. Papasok na sana ako sa loob ng makarinig ako ng dalawang taong nagsasagutan. So Damon at Damien, napasandal ako sa isang pader at lihim na sinilip ang dalawa.
"Aalis ka? Baliw ka ba, hindi pwede"
"Kailan ba ako sumunod sayo- agh!", sinuntok ni Damon si Damien sa tiyan.
"Walang aalis, magkakamatayan tayo", tinulak nito ang huli sa damuhan.
Mang umalis na si Damon ay nilapitan ko si Damien at tinulungan.
"Juanco, help me, buntis siya, tulungan mo akong makaalis"
Di ko akalaing mawawasak sa pangalawang pagkakataon ang puso ko but Damien managed to do it, at di ko man lang magawang magalit; wala akong karapatan and instead be a friend that I am to him.
Ilang beses kong inisip ang gagawin ng gabing iyon dahil sinabi ko kay Damien na, oo, tutulungan ko siya. I need to plan, to secret to help Damien, I need help.
"Hello, Anton?", he is a dear friend, kahit na nag-away kami alam kong tutulungan ako nito, at hindi naman ako nabigo.
Dalawang araw ang lumipas, gabi na at narito kami ngayon sa isang lugar kung saan kukunin namin ang sasakyang gagamitin ni Damien.
"Wala pa ba?", aligagang tanong nito.
"Malapit na let's just wait"
Naghintay kami ng ilang minuto ng may dalawang sasakyan ang huminto, we are anticipating na isang sasakyan lang kaya bakit dalawa?
Pagkahinto ng sasakyan at bumukas ang pinto ng sasakyang nasa hulihan, niluwa non si Anton at sa unahan naman ay ang di namin inaasahan, si Damon, may hawak itong baril at agad na pinaputok. Tumama iyon na sasakyan ko na bumanda sa akin at tinamaan ako sa dibdib, dahilan para mapaupo ako.
"Asshole, baka matamaan mo si Juanco!", sigaw ni Anton, nag-agawan ito ng baril.
"Juanco!", dinaluhan ako ni Damien.
"Di malalim ang sugat. Sorry, Dam, di ko alam, tumakbo ka na, bilis!", imabot ko rito nag susi ng sasakyan ko. Nagdadalawang isip man ay itinaboy ko siya at tuluyan na itong nagpatakbo.
Nakahandusay ako sa lapag at tinitingnan ang daplis ng bala sa aking dibdib ng itinayo ako ni Damon.
"f**k you, Juanco. Naging madali sana sayo ang lahat kung ako ang ginusto mo pero ang walang kwentang kambal ko ang minahal mo"
I knew it, he fancies me too.
"Ikaw at si Anton, walang-wala kayong dalawa kay Damien", nandidiri kong sabi rito.
"Bitiwan mo ako!", dinala ako nito papasok sa sasakyan ni Anton.
"Iuwi mo na iyan. Ako na ang bahala sa isa"
Nagpaharorot na paalis si Damon at bago pa man makapasok si Anton ng sasakyan ay oinatid ko na ito at inisang suntok nawalan ito ng malay. Ipinasok sa sasakyan at ako ang nagmaneho, susundan ko si Damon.
Nasundan ko naman ito, binabangga nito ngayon ang sasakyan ni Damien.
"s**t!", impit kong mura.
Papasok na yata kami ngayon sa isang pier.
Binangga na naman ni Damon ang sasakyan ni Damien hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng preno at tumama sa isang nakaparadang sasakyan. Napahinto si Damon, pinaharurot ko ang sasakyan upang pumagitna pero pinaputukan ako ni Damon, napahinto ako.
Biglang tumahimik ng ilang minuto ang paligid. Dinama ko ang sarili, ayos ako, si Anton na walang malay sa likod ay ayos rin. Lumabas ako, masakit man ang katawan ay pinilit ko.
Hinanap ko ang kambal, at sa harap ko nakatutok ang baril ni Damon kay Damien.
"Babalik ka o magkakamatayan tayo, Damien"
"Hindi na ako babalik!", asik nito.
Nag-igtingan ang panga ni Damon di pa man ay dali akong pumagitna upang pigilin ang dalawa.
"Itigil mo iyan, Damon. Hayaan mo nalang si Damien. No, kamatayan ko lang ang--", isang putok ng baril ang narinig ko galing sa aking likod. Binaril ni Damien sa binti si Damon, napaluhod ito.
"Damien...", di na makapaniwalang lingon ko rito.
"Mas importante sa akin ang anak ko kesa sa pagiging kapatid mo. Pasensya na, Damon", natigil ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin lang sa tumatakbong si Damien.
Tumayo si Damon at naglakad palapit sa akin at napayakap, bago itinaas ang kamay at nagpaputok, nakarinig nalang ako ng kalabog.
Ibinaba nito ang kamay habang ako ay nasa yakap pa rin nito at nanginginig sa gulat ng mga nangyayari.
"Pinatay ko ang kapatid ko, Juanco dahil lang sa ayaw niya makinig sa akin at higit sa lahat dahil siya ang pinili mo kesa sa akin", litanya nito bago itinutok sa kanyang ulo ang baril at pinutol iyon, napaluhod siya sa sahig.
Ilang minuto, oras? Di ko na alam, nakatayo lang ako doon hanggang sa kusang gumalaw ang aking mga paa at naglakad papalapit kay Damien. Napaluhod sa harap ng duguang katawan nito at nasalagpak lang doon, sa sakit ng aking mga natunghayan hanggang sa tuluyang napapikit.
Ilang araw rin ako sa hospital. I couldn't speak it's like what happened altered my ability to talk, tongue got numb, my thoughts ate me, di ako naka function ng maayos. Ginawa iyong tsansa ni Ma Soledad upang palitan ako, this time ni Jorge. Me and Cillian, has no fair chance, gagawa at gagawa ito ng paraan, di ko na rin iyon ipinilit.
"Aalis ka ba talaga?", agad na tanong sa akin ni Cillian, nasa balkonahe ako ng kwarto, nag-iisip habang nakamasid sa lalim ng gabi.
"Hindi na ako kailangan dito"
"Anong klaseng sagot iyan. You are once an ace here, Juanco. Manatili ka lang, prove Ma Soledad wrong. Masyado pang bata si Jorge at ikaw--"
"I was young too back then, Cillian."
"Alam ko pero andito ka na, marami kanang napatunayan, at a young age. Bigyan mo lang ng pagkakataon magbabago rin ang isip ng Ma Soledad"
"Cillian, hindi lang kasi ganuon iyon..."
"You really want out"
"Oo"
"You did really love him", nabigla ako sa turan nito.
"I knew Juanco, kapatid mo ako, no, I am almost a Father to you. Bawat hininga, at galaw mo alam ko at ang ibig sabihin non. At tanggap ko iyon for who am I to judge your heart", sabi nito. Malalim lang akong napabuntong-hininga.
"Pwede ba ako mag request, Kuya Cillian, for this one last time?", I said smiling he amusingly smiled too.
"Ano iyon?"
"May anak siya, Kuya Cillian. Kaya para sa ala-ala man lang ni Damien, keep his child safe"
At doon natapos ang usapan namin ni Cillian bago ko tuluyang iniwan ang lahat at inilagay ang sarili ko sa isang exile; where my heart, mind and soul suffered until he came into my life again, not really him but the same face that holds a thousand memories.