"H-hindi ata ito ang daan pabalik sa bahay ng iyong tiyahin. Saan tayo pupunta, Francisco?" agad kong tanong nang makitang ibang daan ang siyang tinatahak namin. Kanina pa ako nagtataka sa kung bakit tahimik ang lalaki. Mas lalo akong kinabahan nang magsimula akong maghinala sa mga kilos nito. Panay sulyap lang ang lalaki sa akin na parang may nais siyang sabahin at nais niya akong kausapin pero hindi nito magawa. Noong una ay akala ko ay nag-shortcut lang kami ng daan. Ako kasi 'yong taong hindi nakakalimot sa mga lugar at tanawin na siyang nakita ko kaya alam kong ibang ruta itong tinatahak namin. Nakakapagtaka na nag-iba kami ng ruta at kung bakit ngayon pa na malalim na ang gabi. "Sagutin mo ako!" napasigaw kong tanong sa pagmumukha nito. Sinubukan ako nitong hawakan ngunit lumayo

