Kinabahan talaga ako ng todo. Pakiramdam ko ay parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ilang beses ko nang nasaksihan ang kalupitan ni Senyor Fabian pero ang makita ang galit nito mismo sa harapan ko ay ibang-iba ang kaba na siyang mararamdaman mo. Kaba at takot na ayaw mo ng maranasan ulit. Napatingin ako muli sa misteryosong pinto na naririto sa mansyon. Hindi ako puwedeng magkamali ng kutob. May tinatago nga ang ama ni Elisa. Isang sikretong pinaka-iniingatan nito. Behind this door is a mystery waiting to unfold. Ang hindi nito alam ay may nalalaman na ako. Alam kong may tatlong basement ang mansyon. Hindi lamang iisa dahil minsan ko na rin 'yon napasok noon. Isa sa mga kuwarto ay siyang nakapukaw ng atensyon ko. In my dream before, the whole room is filled with Elisa's pictur

