Halos itulak ko na si Alena kay Francisco habang naglalakad kami. Nais ko lang makasaksi no'ng lagi kong napapanood sa mga K-drama na sinasalo ang babae mula sa pagkakadapa. Ang romantic kaya no'n. Pero wala eh, masiyadong delikado rin kasi. Nang makababa kami galing sa kalesa ay binaybay namin ang daan patungo sa talon na siyang nagsisilbi naming tagpuan ni Andoy kapag nais naming mag-usap. Nakaka-antok nga eh. Wala na akong ginawa kung hindi ang titigan si Alena na parang bulate na naglalakad. Ewan ko ba sa kan'ya, hindi ko masabi kong kinikilig ba siya o masakit 'yong tiyan niya. Pero for sure ay kinakabahan 'yan. Pressured na rin dahil maya't maya ko na lang ito tinitingnan at binubulungan na mag-first move siya at huwag siyang maghintay na lang ng grasya. "Elisa? Halika sa aking tab

