Ngayong gabi rin itong ay isasakatuparan ko ang planong pagpasok sa loob ng basement. Nang makabalik kami kanina sa bahay ay buo na ang isipan ko na buksan ang pintong iyon. Naisip ko kasi na ito na ang tamang panahon para rito. Wala ang ama ni Elisa na siyang kinatatakutan ko. Mabuti na lamang at may alam ako kung paano buksan iyon kahit walang susi. Nasanay kasi ako noon magbukas gamit ang alambre. Hindi ko akalain na gagamitin ko 'yong skills ko na 'yon sa panahong ito. Pagkatapos naming mamasyal kanina ay mas lalong luminaw sa akin ang lahat. Mas matigas pa sa bakal ang paninindigan at kagustuhan ni Francisco na pakasalan si Elisa. He was ready to do everything para lang matuloy ang lahat. I hate him for his selfishness. Pero wala akong magagawa. He is like Francis. The obsession of

