HS17

2340 Words
"S-salamat," ani ko sa nanginginig na boses. Kahit gustuhin ko mang maging malakas at huwag magpakita ng kahinaan sa harap ng lalaking kinaiinisan ko ay hindi ko magawa. Masyadong nagkakagulo ang sistema ko ngayon na hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman sa muling pagkikita namin ni Francis. Nasa harap kami ng pinto ngayon. Magkaharap at hindi nag-iimikan. Kanina pa siya walang imik at seryoso lang ang pagmumukha kaya nagdadalawang-isip akong kausapin siya. Baka nga galit nga siya dahil sa ginawa kong paninira sa moment nilang dalawa ni Katarina. Siguro nga ay napasobra ako sa panghihimasok sa personal niyang buhay. "A-ano… I'm just saying thank you for bringing me home. Atsaka huwag mong isipin na nag-tha-thank you ako dahil tinulungan mo ako kanina," ani ko na nakayuko pero may mahihimigan ka pa ring pagtataray sa boses ko. I don't want to admit that I'm thankful sa ginawa niya but ayaw ko namang magmukhang walang utang na loob. Kaya kahit labag sa loob ay nag-thank you na lang ako. But of course, hindi pa rin mawawala ang pagiging mapagmataas ko. Hindi ako makatingin sa lalaki parang nahihiya ako na hindi ko maipaliwanag. Sa kapal ng balat ko sa mukha ay parang new discovery para sa akin na tinatablan pa rin pala ako ng hiya sa katawan. At worst ay sa lalaki pang ito. "Hmm… Alis na ako senyorita," tanging tugon nito. Agad akong napaangat ng tingin at dali-daling nagsalita. "Ha? Agad-agad? Ayaw mong mag-juice muna?" naibulalas ko. Napatakip ako ng bunganga. Agad akong nagsisi kung bakit ko iyon biglang nasabi. Nawalan ata ng preno ang bunganga kaya hindi ko na napigilan ang sarili. At bakit ko naman siya pipigilan 'di ba? Syempre naman, babalikan niya si Katarina na naiwan sa bahay nila. Atsaka, sa dami-daming pwedeng i-alok ay juice pa talaga ang lumabas sa bibig ko. May juice sila Elise! Ang tanga mo. Pasalamat na nga lang ako at hindi tinopak si Andoy ngayon at hinatid niya ako lalo pa't hindi ko mahagilap si Anya at Andres. "Bakit? Gusto mo bang kasama?" Tinitigan ako ni Andoy sa mata. Gusto kong basahin kung anong nasa isip niya ngayon. Parang ang dami kasing gustong sabihin ng mga mata nito sa akin na hindi ko mawari. The way he stares at me is like his eyes are speaking to me. Na alam mo 'yon, parang nakikipag-usap ang mga mata nito sa akin at may gustong ipahiwatig. O sadyang, feeler lang ako at paladesisyon? "Uhh no?" patanong kong sagot. I am not sure about my answer. Kahit nga sarili ko ay hindi ko maintindihan. I don't like him, that's for sure. Pero bakit kapag nariyan siya ay napapanatag ang sistema ko? He always brings out the Elise I've buried already. Nakipag-titigan ako sa kan'ya. I want to stare at his eyes more. Siguro kay gandang pagmasdan ng kan'yang mga mata sa lilim ng liwanag ng buwan. I always want a moment in my life where I can watch the moon all night pagkatapos ay magdamag kong hihintayin ang 'yong sunrise. 'Yong time para isigaw ko 'yong lahat ng hinanakit ko sa mundo. I wanna shout it all to the moon and at the same time, I want someone who'll listen to me. Someone who will listen to my sentiments, a someone who can understand me na kahit hindi man ako magsabi ng aking nararamdaman ay alam kong naiintidihan niya, a someone who'll be my pillar of support whenever I'm down. Pero wala eh, lumaki akong naniwala sa mala-fairytale na love story ng mga magulang ko but I realized what reality really is. Fairytale love stories are all bullshits. Pinaniwala lang tayo na love is magical and wonderful. Pero ang totoo it's too painful to bare. "Sige," pamamaalam ko. Dahan-dahan kong isinara ang pinto hanggang sa tuluyan ko na iyong naisara. Parang zombie akong naglalakad papunta sa sofa na naririto sa sala. Pabagsak kong inihiga ang sarili at paimpit na napasigaw. Galit na galit ako. Hindi ko alam kung paano mawawala 'yong init ng mga kamao ko. Gusto kong manuntok sa galit. Bakit kailangan ko pang makita si Francis? Ni hindi niya pa nga pinagbabayaran 'yong ginawa niya sa amin at may lakas na loob pa siyang magpakita sa akin? Naaawa ako kay Rafa pero wala naman akong magawa. Siguro nga ay mabuting hindi na ako muling magpakita pa sa kaibigan. Ako nga siguro ang puno't dulo kung bakit siya nalalapit sa disgrasya. After all, I was just a mistake naman pala. My mom and dad never wanted my existence. At least, si mama ay alam kong minahal ako. What about him? The first man I ever loved? Minahal niya ba talaga kami ni mama o hindi? Knowing his past with Anisa ay masasabi kong wala kami sa plano niya. Kaya ko naman mag-isa. Nasanay na ako. Sanay na sanay na ako. Pumanhik ako sa kwarto at naligo at nagpalit na rin. Ang daming nangyari ngayong araw at parang pagod na pagod ang katawan ko. Sa dami ng iniisip ko ay nakalimutan ko na si Anya at Andres. Ang bigat ng pakiramdam ko na gusto ko na lamang humilata. Sa kalagitnaan ng aking pagkahimbing ay siyang pagkakaroon ko naman ng isang panaginip. A dream that always haunts me. Same places, people and time. Lagi-lagi akong bumabalik sa panaginip kong ito kung saan nasa lumang mansyon ako ng mga Montereal sa panahon ng mga Espanyol. Laman ng panaginip ko ang ang sarili na naglalakad sa madilim at makipot na lagusan. May dala akong lampara sa kanang kamay at tinatahak ko ang madilim na daan. Ang hinuha ko ay isa itong basement pero hindi ko naman alam na may basement pala ang mansyon. May basement nga ba talaga o bunga lang ito ng malikot ko na imahinasyon? Hindi ko rin alam kung paano ko nalalaman sa ngayon ang kaibahan ng reyalidad ko sa panaginip ko na siyang laging gumagambala sa akin. Noong una ay labis pa ang aking pagtataka sa tuwing nagkakaroon ako ng kakaibang panaginip pero ngayon ay mas lalong nanaig sa puso ko ang kagustuhang matuklasan kung anong ninanais na ipahiwatig ng mga panaginip kong ito. Kung may ibig ba na kahulugan o minamaligno lang talaga ako. Padilim nang padilim ang paligid hanggang sa may pinto akong nakita. Isang normal na pinto ang siyang nasa harapan ko. Hindi ako nagdalawang-isip na hawakan ang siradora at buksan ang pinto. Tumambad sa akin ang isang lumang kwarto. Lumang kwarto na puno ng litrato. Anong ginagawa ng litrato ko dito sa basement? Puno iyon ng marka. May isang litrato pa akong nahagilap na parang tinarakan ng kutsilyo sa gitna dahil halos mahati na ang mukha ko sa litrato at halos hindi na ako makilala. May litrato rin ng isang pamilya. May isang dalagitang babae at may katabi siyang batang lalaki. Sa likod naman nila ay ang kanilang mga magulang. Sila ba ang mga ancestors ko? May higaan akong nakita. Isang pahiwatig na may gumagamit ng kwarto na ito. Pero sino? Sinong tao ba ang nanaising maging kwarto itong basement na ito? Nasa pinaka-liblib na ito ng mansyon at hindi na nasisinagan ng araw ang lugar na ito. Mahihirapan ka ring huminga dahil sa napakaliit na espasyo. Naglakad ako sa maliit na aklatan at nakuha ng isang may kaliitang notebook ang atensyon ko. Pinagigitnaan iyon ng mga naglalakihang libro at halos hindi mo na siya mapapansin kung hindi mo ito tititigan. Masyadong luma na iyon at ang dami pang alikabok. Maririnig mo pa 'yong c***k sound no'ng notebook dahil parang ang tuyo na ng bawat pahina nito. Dahan-dahan kong binuklat ang unang pahina at nabasa ko ang sa front page nito ang mga salitang "Elisa, 1898." Para itong diary at malakas ang loob ko na diary nga ito. Elisa? Si Elisa ang nagmamay-ari ng diary na ito? Sino ba si Elisa at anong kaugnayan ko sa kan'ya? Bubuklatin ko na sana ang susunod na pahina pero bigla na lamang ako nagising mula sa panaginip ko. "Panaginip na naman." Napaupo ako sa kama at napahawak ako sa noo ko. Napansin ko rin na nagdidilim na. Matagal-tagal din pala akong nakatulog. For sure ay nakauwi na si Anya. Parang alas-onse pa lang ng umaga ako nakauwi kanina. Ngayon ay takipsilim na. Bumaba ako at agad hinanap ng mga mata ko si Anya. "La? Where's Anya?" Agad akong humalik sa pisngi ni lola. Nasa sala kasi siya ngayon and as usual ay nagbabasa siya ng dyaryo. "Nasa garden apo," simpleng tugon nito habang tutok pa rin ang mga mata sa binabasa nitong dyaryo. Marahan akong umupo sa tabi niya. I wanna ask her about the basement. Kung totoong may basement ba talaga itong mansyon o purong panaginip ko lang iyon. I just want to confirm something at matatahimik lamang ang kalooban ko kapag nakuha ko na ang sagot sa mga katanungan ko. "La?" tawag ko sa atensyon nito. "Yes, apo?" sagot naman ni lola sa akin. Ibinaba nito ang binabasang dyaryo at itinuon ang atensyon sa akin. Parang naramdaman siguro nito na may nais akong sabihin. "I'm just wondering kung may basement ba itong bahay?" I asked. "Basement? Hmm… Mayroon apo, sa katunayan nga ay may tatlong hidden basement ang mansyon." Tatlong basement? Paano ko naman malalaman kung anong basement iyong hinahanap ko? "Bakit mo pala naitanong?" kuryosong tanong ni lola sa akin. Sinipat niya ako ng tingin at naghintay sa magiging sagot ko kaya naasiwa ako at kinabahan. Hindi naman ako dapat kabahan dahil nagtatanong lang naman ako pero hindi ko maiwasan. "Curious lang la, 'di ba uso ang basement sa ganitong uri ng bahay?" pagsisinungaling ko. "You can explore them. Malinis naman lahat 'yong basement natin. Magpasama ka na lang kay Anya. 'Yon nga lang ay naging tambakan na rin iyon ng mga lumang gamit," aniya. "Really? Can I?" masayang tanong ko. "Of course naman apo. Ibibigay ko na lang 'yong mga susi sa'yo mamaya. No need to bring flashlights when you go down there. May pina-install na kasi akong solar panel lights para hindi masyadong madilim 'yong lugar," pagkukuwento ni lola sa akin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at isinama ko si Anya sa pagbaba sa basement. Inisa-isa ko lahat at hinanap ko ang palatandaan no'ng lugar na nakita ko sa mismong panaginip ko. Sa una at dalawa ay wala akong nahanap. Puro mga lumang painting at mga karton ang siyang nakita ko. Tapos wala rin akong nahanap na isang pinto. Kaya alam kong wala sa dalawang basement ang nasa panaginip ko. "Ely? Hindi pa ba tayo tapos?" natatakot na tanong ni Anya. Nasa likuran ko siya na kanina pa tanong nang tanong. "Natatakot ka ba?" tanong ko habang binabaybay namin ang daan patungo sa ikatlong basement. "I hate enclosed spaces. My phobia ako," she replied. Nagulat ako at agad akong napaharap sa kan'ya. "What?! You should have told me. Bibilisan ko na nga lang, mabilis na lang ito, promise." Agad kong hinalughog ang lugar at thank God, dahil hindi pa ako nagtatagal sa kakahanap ko sa maliit na pinto ay agad ko iyon nakita. Marahan kong binuksan at katulad no'ng dati ay may tumambad na aklatan sa paningin ko. Wala na 'yong kama at mga nagkalat na litrato sa dingding. Malinis na ang kabuuan pero hindi nawala 'yong aklatan na nasa gilid ng kama noon. Agad kong hinanap ang diary ni Elisa. Ang luma na ng mga libro dahil nababasa ko naman 'yong date na nasa cover nila. Medyo nagtagal pa ako sa paghahanap dahil wala na roon sa dati nitong pwesto ang diary na siyang hinahanap ko. May kaliitan pa naman 'yon kaya mahihirapan ka talagang hagilapin 'yong lumang notebook na iyon. "Lucky…" nai-sambit ko. "Found you," dagdag ko pang saad sa sarili. Agad kong kinuha sa pagkaka-ipit ang notebook na siyang hinahanap ko. Kung tama nga na diary nga ito ni Elisa ay siguro naman ay naglalaman ito ng impormasyon na siyang pwede kong magamit sa pagtuklas sa hiwaga ng mga panaginip ko. At kung bakit tinatawag akong si Elisa. Maingat ko iyong nakuha at agad kong yinakap iyon nang mahigpit. Gusto ko na rin makaalis sa lugar na ito dahil hindi ko gusto ang bigat ng presensya na siyang bumabalot sa buong lugar. Ibang-iba sa ambiance no'ng dalawang basement na nauna. Dito kasi ay parang mawawalan ka ng hininga dahil sa liit ng espasyo. Parang maliit lang na kulungan ng mga baboy ang lugar na ito. Nang makaalis kami ay agad nagpaalam si Anya sa akin at iinom lang daw siya ng tubig. I feel sorry for her. Hindi ko rin naman kasi alam na may phobia pala siya. Agad akong nagkulong sa kwarto. Maingat akong naupo sa kama at maingat na inilapag ang notebook sa may kandungan ko. Huminga muna ako nang malalim bago ko binuklat ang unang pahina nito. Nagulat pa ako at naninindig ang balahibo ko ngayon sa nababasa ko sa first page ng diary. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang nakasulat sa unang pahina ng diary ni Elisa na nasa panaginip ko, "Elisa, 1898." Siyang mga salita na siyang nakasulat sa hawak-hawak ko na ngayong diary ni Elisa. "This is not a freaking coincidence. This is freaking me out," anas ko. Kahit nagsisitayuan na lahat ng balahibo ko sa katawan ay nilakasan ko pa rin ang loob ko upang basahin ang sunod na pahina. Bubuklatin ko na sana nang biglang… "Apo? Elise? May bisita ka." Agad akong napahawak sa dibdib ko at parang lumabas 'yong puso ko mula roon dahil sa gulat. What the f?! Muntik na akong atakihin sa puso. Ang pangit ng timing mo la! Argh! "Sino raw la?!" pasigaw kong tanong. Agad akong tumayo mula sa kama at inilapag ko lang ang diary ni Elisa sa may bedside table ko at pinagbuksan ng pinto si lola. Sa isip-isip ko ay sino namang bibisita sa akin? Wala naman akong kaibigan dito beside kay Anya atsaka gabi na. "Sino la?" bungad kong tanong kay lola nang mabuksan ko ang pinto. "Katarina at Francis daw," ani ni lola na siyang nagpa-tahimik sa akin. Anong ginagawa nilang dalawa sa pamamahay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD