HS18

1904 Words
Nakakaloka! Anong ginagawa ng dalawang ito sa pamamahay ko ngayon? Anong pakay nila at ang galing nilang tumiming?! "La? Can you just shoo them away?" tanong ko sa aking abuela. Hindi ko nanaising makita ang pagmumukha ni Francis ngayon, sa totoo lang. Alam kong wala namang magandang dala 'yang mag-pinsan na 'yan. Oo, kasama si Katarina. Hindi ko feel 'yong vibes niya eh, masisisi niyo ba ako kung napa-plastikan ako sa kan'ya? Alam mo 'yong parang nagbabait-baitan feels lang. Iba kasi talaga 'yong pakiramdam ko sa kan'ya. Napa-plastikan ako. "Why? I thought, they're your friends. Kasama pa nga nila si Andoy," aniya. Nang marinig ko ang pangalan ni Andoy ay automatikong lumabas ako sa silid ko at dahan-dahang isinara 'yong pinto. "Akala ko ba ay ayaw mong bumaba?" naguguluhang tanong ni lola sa akin. Nag-peace sign pa ako bago sumagot. "I changed my mind na." Tinaasan lang ako ng kilay ni lola atsaka agad din naman akong nginitian. Kasama ko siyang bumaba sa hagdan. Nakayapos ako sa braso niya habang marahan naman nitong hinihimas ang likod ko. Lagi-lagi naman itong ginagawa ni lola sa akin at sa tuwing ginagawa niya 'yong marahan na pag-himas nito sa likod ko ay na-rerelax ako. Pagkababa ay nagpupuyos agad sa galit ang dibdib ko nang makita ko ang nakangiting pagmumukha ni Francis. Kanina pa siya ngumingiti at na-bubuwesit talaga ako kapag nakikita ko 'yang mala-demonyo niyang pagmumukha! Akala mo naman gwapo. Mayaman lang siya kaya nadadala siya ng fashion atsaka jewelries pero kung ikukumpara 'yong pagmumukha niya kay Andoy ay walang-wala siya. Pati nga kay Andres ay wala siyang binatbat. Agad kong iwinaksi sa isip ko lahat ng mga pinag-iisip ko ngayong pagkukumpara sa dalawa dahil nakita kong yumukod pa si Francis at nagbigay galang sa lola ko na animo ay isa siyang maginoo. Yuck, how pretentious! "Magandang gabi ho senyora, at sa'yo magandang dilag. Magandang gabi sa'yo, Elise," bati ni Francis. Bumati rin si Katarina sa amin ngunit ibang tao ang hinahanap ng aking mga mata. "Nasaan si Andoy?" wala sa isip kong tanong. Agad naman akong natauhan nang sabay silang nagtaka sa katanungan ko. "Ah, hinahanap ko lang, may ibibilin sana ako," agad kong bawi. Halos mautal pa ako at muntik ng masamid dahil sa pagkataranta lalo pa't nandito sa tabi ko si lola ngayon. "Ahh, 'yong boy niyo ba?" hambog na tanong ni Francis sa amin. Nag-panting ang teynga ko sa narinig. Anong karapatan niyang tawagin si Andoy na boy?! Tanging ako lang ang p'wedeng tumawag-tawag ng ganoon sa lalaki. Atsaka hindi namin siya boy! Sa opisina namin siya nag-tatrabaho. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Lahat nalang ng gawin nitong si Francis ay talagang nakakapag-init ng ulo. "For your information Mr. Hindi namin siya boy. Will you stop calling him that?" I raised a brow at him. Nagulat pa ang lalaki sa narinig at agad ding nagsalita. "Oops! My bad, I thought, boy niyo siya Ely," Francis replied while his eyes widened na animo gulat na gulat. "Frans," saway ni Katarina. Buti naman at umimik na siya riyan. Akala ko ay na-pipi na siya. How can she let his cousin just casually call Andoy as "boy." Hindi niya ba ipinakilala nang mabuti si Andoy sa pamilya niya? I thought they have a thing ? And 'di ba? It's normal na ipakilala niya nang maayos 'yong tao? Is it me or parang na-fefeel ko na he's not treating Andoy well. Bakit niya naman hahayaan 'yong pinsan niya na tawag-tawagin ng ganoon si Andoy? Agad sumenyas si lola na maupo na kaming lahat habang ako ay dismayado sapagkat hindi man lang nagpakita 'yong ulupong na Andoy na 'yon. Hindi niya tuloy narinig ang pang-mamaliit nitong si Francis sa kan'ya. Aba-aba, dapat lang na hindi siya magpa-api 'no? Atsaka, alam kong may attitude rin si Andoy. Ang antipatiko kaya ng lalaki pero maginoo rin naman. Ay! Ano ba 'yan. Bigla kasing nag-init ang pisngi ko sa mga pinag-iisip ko. Bakit sa tuwing naiisip ko si Andoy ay parang nalalasing ako dahil nararamdaman ko kasi 'yong pang-iinit ng pisngi ko. Kinikilig ba ako? Hell no, at bakit naman ako kikiligin aber?! Ang punto ko lang naman eh, lumaban siya. Hindi porket mayaman 'yang pamilya ng jowa niya ay magpapa-api na siya. Eh kung sagot-sagutin niya nga ako ay parang hindi kami mag-amo kaya huwag na huwag talaga siyang magpapa-api dahil makakatanggap talaga siya ng katakot-takot na panunukso. "Hija? Elise? Apo?" Napatingin ako kay lola nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtawag nito sa atensyon ko. Naguluhan ako at agad nagtanong kung bakit. Kung bakit ba kasi ang likot ng isip ko ngayon. Kanina pa laman ng isip ko si Andoy eh. Nababaliw na ata ako. "Sorry la, what is it by the way?" Dahil nga bida-bida si Francis ay siya na mismo ang nagsalita upang sagutin ang tanong ko. Tsk, 'yong pagiging walang respeto niya ay lumabalas talaga. Kahit anong tago mo sa mabaho mong ugali Francis, ay talagang sisingaw at sisingaw 'yan. Hindi mo kasi nature ang maging ma-respetong tao. "Iniimbitahan ka para sumali sa…" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil mukhang nakalimutan na ata. Ang hina naman kasi ng kokote nito eh. Atsaka bakit pa ba siya nagsasalita? No, let me rephrase that. Bakit pa ba kasi siya humihinga?! Siya dapat ang nakaratay sa ospital ngayon at hindi si Rafa. Pati sa probinsya ay nasundan pa talaga niya ako. What a lame. "What is it again cous? Santacruzan?" pahabol na tanong ni Francis kay Katarina. "Ano 'yan?" naguguluhan na tanong ko. "The name is sketchy for me, so, no, thank you," agad kong wika. Kapag silang dalawa ang nag-offer ay auto NO na agad. Wala kasi akong tiwala sa dalawang 'to. Mag-pinsan sila, so baka same lang sila ng prototype pagdating sa pag-uugali. "Fiesta nga pala. Apo, you should join. Para naman may experience ka sa gan'yan," panghihikayat ni lola sa akin. "By the way, sino nga pala kayo?" late na tanong ng aking abuela sa dalawa. Naitriga ako sa biglaang paglukob ng pagkalito sa mukha ni Katarina. Ini-expect niya ba na lahat ng tao ay nakakakilala sa kan'ya bilang anak ng mayor? Oh come on, we are too rich to know her existence. Hindi namin sila ka-level in terms of wealth. Knowing abuela ay alam kong tanging mga apo ng mga amigas niya at mga tauhan lang namin ang kilala nito. "Ahh, I'm Katarina po. I'm Don Santiago's daughter," parang awkward na sagot nito. "This is my cousin, Francis," dagdag na sabi nito. I don't wanna be rude pero gusto kong matawa sa mukha ni Katarina. Atsaka, Don talaga? P'wede namang mayor na lang. Atsaka ang dami namang title ata ng tatay niya? "La, she's the mayor's daughter," dagdag ko ring sabi kay lola. Hindi ko alam kung natuwa ba si Katarina sa sinabi ko o na-offend siya. Parang nasiplatan ko kasi ang pagtaas ng kilay nito. "Oh really? Ngayon ko lang kasi siya nakita. My bad Hija," nakangiting saad ni lola. Nginitian lang ni Katarina si lola. Alam ko naman na hindi genuine 'yong ngiti niya. "Pero apo, ako na ang magsasabi sa'yo. I want to see you in a long gown. Hindi pa nga kita nakikita na nagsuot ng gown eh," malungkot na ani ni lola sa akin. "So, mag-gogown pala? Ano ba 'yan parang pageant?" "Sort of, pero hindi naman talaga. It's just a procession. Sakto kasing sa Month of May 'yong fiesta kaya napag-desisyonan na gawin na lang sa araw ng fiesta 'yong prusisyon," mahabang paliwanag ni Katarina. "So basically, maglalakad ka lang tapos may escort kang kasama dapat," she added. "Escort?" Agad nakuha ng salitang escort ang atensyon ko. Nagsimulang ipaliwanag ni Katarina ang dapat kong malaman about sa Santacruzan. Ang naiintindihan ko lang ay big deal sa kanila ang gaganap bilang Reyna Elena. Narinig ko rin sa sinabi nito na minsan sa kan'ya tumututok ang mga tao. Because I love attention ay agad may nabuong plano sa isip ko. Pero naglaho rin iyon nang muling magsalita si Katarina. "Ako ang gaganap bilang Reyna Elena at kung papayag ka ay gagampanan mo si Reyna Fe sapagkat ang kan'yang pwesto na lang ang kulang," wika ni Katarina. Hindi ko magagampanan ang isang role bilang Reyna Elena? Tsk, ayaw ko sa pipitsuging role. Gusto ko 'yong agaw-pansin atsaka nais ko sana si ano… Si A-andoy 'yong partner. Baka iba ang isipin niyo ha? Baka isipin niyong gusto kong makapareha si Andoy. Siya lang kasi 'yong nakikita kong bagay sa akin, ahem! I mean, bagay sa prusisyon. Oo, sa prusisyon nga at huwag kayong dirty minded diyan. Kaysa naman kay Francis. Ayaw kong may makapareha na demonyo 'no. "So, partner mo si Andoy ganoon?" naibulalas ko. "I mean, si Andoy 'yong partner mo?" marahan kong tanong. Mukhang pinapahamak ata ako ng sarili kong bibig at lagi-lagi ko na lang isinisingit ang pangalan ni Andoy. Baka pag-isipan nila ako na may gusto sa lalaki. Hindi kaya 'no. Porket lagi-lagi ko siyang naiisip at hinahanap ay gusto na agad? Sus, ma-issue kayo. "Nope, bata kasi dapat ang kasama ko sa prusisyon kaya hindi ko p'wedeng maging escort si Andoy," sagot ni Katarina. Ang ibig bang sabihin nito ay hindi niya kasama si Andoy sa gabi ng prusisyon?! "Count me in!" naisigaw ko. Biglang lumukob ang excitement sa puso ko nang malaman ko ang impormasyon na 'yon. Ewan ko ba kung bakit. "Really, apo?" galak na tanong ni lola sa akin. Hinarap ko naman si lola na may kasamang ngiti sa aking labi atsaka tumango. "Yes la, ihanda mo na ang bonggang gown for your precious granddaughter," tugon ko at napa-palakpak si lola sa tinuran ko. "Dahil sasabak ako sa prusisyon," dagdag kong wika. "Sinong gusto mong maging escort kung ganoon, apo?" tanong ni lola sa akin. Nagdadalawang-isip pa akong sagutin ang tanong nito. Hindi ko pa naman kasi natatanong si Andoy tungkol sa plano kong pagkuha sa kan'ya bilang escort ko. Kung may dapat mang maging kapareha ko ay siya lang dapat. Ayaw ko sa iba at hindi ko sila kilala at ayaw ko sa hindi ko kilala. Ang swerte naman nila kung makaka-pareha nila ako 'di ba? Napatingin ako kay Francis na biglang sumigla rin nang nalaman na aattend ako ng Santacruzan. Is he expecting to be my escort? Kung siya lang din naman ay huwag na lang. Sorry for him pero wala siya sa listahan ko. Not in my wildest dreams, Francis. "A-ano, Ely? Si Francis na lang gawin mong esco--" Hindi na natapos pa ang pagsasalita ni Katarina dahil tinawag ko ang pangalan ni Andoy na siyang kapapasok pa lang sa mansyon. "Andoy!" tawag ko sa lalaki. Lahat kami ay napatitig kay Andoy na nasa may pinto. Naguguluhan ang lalaki sa biglaang pagtawag ko sa kan'ya habang ako naman ay kinakawayan siya at sinesenyasan na lumapit sa amin. "Bakit ho senyorita?" naguguluhan na tanong nito sa akin. "He's the one," simpleng tugon ko. "Will you be my escort?" diretsang tanong ko sa kan'ya. Halos hindi ako makahinga nang tanungin ko iyon. Our eyes both locked to each other. Parang huminto saglit ang takbo ng oras habang kinakabahan ako sa magiging sagot nito. Hindi ko alam pero parang maiiyak na ako sa tagal nitong sumagot. Kapag talaga humindi siya ay lagot siya sa akin. Huwag nga niya akong pinapakaba ng ganito. This is my first time asking someone to be my escort and don't he dare say NO. Magkaka-world war three talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD