Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Kahit punit-punit ang damit ko ay hindi ko alintana. Wala na sa isipan ko ang kalagayan ng sariling kasuotan. Ang nais ko lamang ay makalayo sa lugar na ito, ang makalayo kay Francisco. Biglang dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang hindi ko mabuksan ang tarangkahan. Nanginginig ako at samahan pa ng panlalabo ng paningin ko dahil sa luhang pumapatak mula sa aking mata. Ni hindi pumasok sa isip ko noon na mararanasan ko ito. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ngayon na nasa sitwasyon ako na kung saan ay nanganganib ang buhay ko ay hindi ako makapag-isip nang mabilis. "B-bumukas ka… B-bumukas ka, maawa ka sa akin," humihikbing ani ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. May kataasan ang tarangkahan at kung aakyatin ko ito ay delikado para sa

