HS25

1867 Words
"Tumigil ka na Francis!" natatakot na sigaw ko. I saw how Francis kick Andoy's stomach dahilan kung bakit napaluhod ang lalaki leaving me dumbfounded for what is happening right now. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ang isang tulad ni Francis ang mananahimik na lamang hanggang sa hindi pa siya nasasayahan sa lahat ng ginagawa nito. Napaatras ako nang sumipa ito kanina at dahil nga pinoprotektahan ako ni Andoy kanina ay hindi ako napasama sa pagkatumba nito. Francis is smiling right now. Nasisisyahan siyang nakikita na nahihirapan si Andoy. Agad kong pinuntahan ang namimilipit sa sakit na si Andoy. Napapaimpit ang lalaki dahil sa sakit ng tiyan nito. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito. Nahihirapan akong nakikita na nasasaktan siya. Para ring nararamdaman ko ang paghihirap nito. "Andoy!" Sinubukan ko siyang patayuin pero hinawakan ako sa kamay ni Francis. Ang higpit ng hawak nito sa kamay ko na nakakaramdam na ako ng sakit. Agresibo niya akong hinihila papalayo sa nakahandusay na si Andoy. "Ano ba Francis! Nasasaktan ako," wika ko. Hinihila ako nito papasok sa loob ng sasakyan niya kaya nagpupumiglas ako. Saan niya ako dadalhin? Ano na namang kademonyohan ang pumasok sa utak niya? Hindi pa ba sapat itong ginagawa niya? "You are driving me crazy, Ely. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako makuhang mahalin?! It's been years, Ely! Years! Ano ba ang kulang?" nababaliw na sigaw ni Francis sa akin. He totally lost his mind right now! Wala na siya sa katinuan para umabot pa siya sa puntong ito. I was doing my best para lang hindi niya ako mahila. Hanggang sa… "Let go of me!" Sinubukan kasi nitong halikan ako kaya agad akong umiwas at mabilis na nagpupumiglas. Nandidiri ako sa kabaliwan nitong si Francis. Anong binabalak niyang gawin sa akin ngayon? Ano? Itotodo niya na ba lahat ng kasamaan niya? Nakita ko ang galit na galit na pagmumukha ni Andoy habang papalapit sa kinaroroonan namin. Mukhang nakabawi na ang lalaki dahil nakakatayo na siya ngayon at naglalakad na nga siya papunta sa kinaroroonan naming dalawa ni Francis. "Pati pala babae ay wala kang pinapalampas!" Agad dumapo ang kamao ni Andoy sa mukha ni Francis. Tumilapon ang katawan ni Francis sa lupa dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Andoy sa kan'ya. Agad akong nilapitan ni Andoy at marahan na hinila sa tabi nito. Parang sinasabi ng kilos niya na poprotektahan niya ako kay Francis at wala akong dapat ikapangamba. "Could you do me a favor, senyorita?" bulong ni Andoy. Pareho kaming humahangos ngayon. Hingal na hingal kami sa nangyayari. Natatakot ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong hilahin na lang si Andoy para umalis na kami. Kung sana ay hindi na lang ako pumayag kanina na umalis sa ospital, eh di sana ay hindi naman nakasalubong si Francis ngayon. Magkakagulo rito! May mapapahamak at may masasaktan sa kanilang dalawa. "W-what… W-what is it?" kinakabahan kong tanong sa lalaki. Magkaharap ang siyang mga mukha namin at kitang-kita ko ang bawat parte ng mukha nito. Mula sa mata hanggang sa labi. The way Andoy stares at me he's like telling me na walang mangyayaring masamang na kabaliktaran sa siyang nararamdaman ko. "Bumalik ka sa sasakyan at i-lock mo ang lahat ng pinto," bulong nito. Hinawakan pa nito ang pisngi ko para masigurado na nakuha ko ang sinabi nito sa akin. Naramdaman ko ang pag-aalala sa haplos niyang iyon. The he caress my face is making me feel nervous. Wala namang mangyayaring masama sa kan'ya 'di ba? Nakuha ko ang gustong iparating ni Andoy pero paano ko makakayang panoorin na nagpapatayan silang dalawa sa harap ko? It's either aalis kaming dalawa o dito lang ako! "No, sabay tayong aalis. Aalis na tayo Andoy!" utos ko sa kan'ya. "Nakakairita kayong tingnan," saad ni Francis. Hindi namin namalayan ang pagsulpot nito sa harap namin. Dumura pa ito para iparating na hindi niya nagugustuhan ang siyang nakikita niya sa amin. "Stop this, Frans. Stop this, hanggang sa may natitira pa akong awa para sa'yo," nanginginig na ani ko sa lalaki. "No babe, kailangang makuha na kita." Biglang sumeryoso ang awra nito at agad akong nangilabot. This man is no longer Francis. Kinain na siya ng kan'yang obsesyon. "This time, makukuha na kita Ely. Bubuntisin kita bago kita ibalik sa daddy mo para mapilitan silang ipakasal tayo. Kung mangyayari iyon ay wala ka ng kawala sa akin. Kailangan ko lang alisin ang balakid sa ating dalawa." Tiningnan ni Francis si Andoy at ngumisi siya ng nakakatakot. "Mukhang mauunahan pa ako ng probinsyanong ito sa'yo," aniya. "Anong pinagsasabi mo! Andoy has nothing to do with our problem! Dinamay mo lang ang pamilya niya dahil diyan sa kabaliwan mo!" sigaw ko. Galit na galit ako. How can he said those plans at my face na parang nagpaplano lang siyang gumawa ng normal na pamilya. He is thinking of r****g me! Ang ganda ng plano niya, nakakakilabot! "Bumalik ka sa loob ng sasakyan, Elise." Nakuha ni Andoy ang atensyon ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. My heart skipped a beat when I heard him calling my name. Ang ganda ng pagkaka-sambit niya roon na bigla na lang akong napatulala. Gusto kong pagalitan ang sarili ko kung bakit nakukuha ko pang kabahan dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko gayong nahaharap kami sa panganib. Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang pag-aalala sa mata ni Andoy. Nag-aalala ba siya sa akin? Ang sabi nila, "hindi nadadaya ng mga mata ang totoong nararamdaman ng isang tao." I was hesitant at first. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko papasok sa sasakyan. Hindi ko ata kayang makita ang magaganap. "Go, Elise!" pagpapalakas-loob nitong sigaw sa akin. "Ely… My dear, Ely… Just stay put for a little while babe. Susunduin din kita riyan after kong dispatsahin ang insektong ito," mala-demonyong sabi ni Francis. Nakatingin siya sa akin habang sinasabi niya iyon. Hindi nga nagtagal at nakita ko na lamang ang mga suntukan ng dalawa sa isa't-isa. Walang nagpapatalo sa kanilang dalawa. Taga-suntok ng isa ay may katumbas din siyang suntok na natatanggap. Nagpapalitan lang sila ng kamao sa isa't isa. Habang ako kabado bente sa nagaganap sa labas. Gustuhin ko mang tumawag ng saklolo ay wala akong magawa. Nasa gitna kami ng daan kung saan walang signal. Hindi mo magagamit ang cellphone mo. Wala akong magawa kung hindi ang manalangin na sana ay matapos na ito. Pero sa nakikita ko ay malabong mangyari ang siyang hinihiling ko. Parehong may malalim na pinaghuhugutan ang dalawa. Si Francis na ang sariling kagustuhan ang nais makamit, habang si Andoy na ang nais ay hustisya para sa kapatid. "Ang tapang mong pobre ka!" mabagsik na sigaw ni Francis. Bugbog sarado ang lalaki at nakita ko pa ang dugo sa labi nito. Marami rin siyang galos sa buong mukha. Hindi ko makita ang pagmumukha ni Andoy dahil nakatalikod siya sa akin. Pero maayos pa rin ang tindig nito kung ikukumpara ko kay Francis na parang isang suntok na lang ay matitimbuwal na. Hindi ko alam na magaling pala sa pakikipaglaban si Andoy. Siguro ay dahil na rin sa araw-araw na pagtatrabaho nito sa hacienda. Hindi madadaya ang lakas nito dahil nahubog na siya simula bata pa lang. Kung ikukumpara kay Francis na wala namang ibang ginawa kung hindi ang maglustay ng pera ng kan'yang mga magulang. Dehado si Francis sa totoo lang, pero hindi rin madaling matibag ang mataas na pride ng lalaki kaya kahit alam niya naman na wala siyang laban ay hindi pa rin siya susuko. "Sumuko ka na! Pagbayaran mo ang ginawa mo sa kapatid ko. Hindi porket mayaman ka ay kaya mo ng gawin lahat ng gusto mo," asik ni Andoy sa lalaki. "Hindi ba? Kaya kong gawin ang lahat sa pamamagitan ng pera! Kung nalaman ko lang noon na ganito ang kinahinatnan nito ngayon ay eh di sana tinuluyan ko na lang ang kapatid mo," pang-uuyam na wika ni Francis kay Andoy. Hindi na muling nagsalita pa si Andoy. Dumiretso itong sumugod kay Francis at sinuntok nito sa tiyan ang lalaki. Nanlaki ang mata ko kung paano lumabas ang dugo sa bibig ni Francis. This is not the Andoy I've met. Ibang-iba siya. Ramdam ko 'yong galit sa bawat suntok nito kay Francis. Galit na galit ang lalaki na siyang kinakatakutan ko. Baka mapatay niya si Francis! Hindi p'wede. Makukulong siya kapag nagkataon. My inner self and I are arguing. Lalabas ba ako para pigilan siya? But Andoy said that no matter what happens ay hindi dapat ako lumabas ng sasakyan. He even told me to lock all the doors at hintayin na matapos siya. But I think his anger towards Francis is overwhelming him na hindi na nito na-kokontrol ang galit niya sa lalaki. There's a possibility na mapatay niya si Francis. Now what Elise? What to do?! Ilaw…? Biglang lumiwanag ang buong sasakyan. Ang liwanag niyon na pati si Francis at Andoy ay napatigil sa kanilang pagsusuntukan. "Ely?!" sigaw ni Francis sa pangalan ko. "Fvck! What is happening to her?! Anong ginawa mo?" tanong ni Francis kay Andoy. Natatakot ako. This light is familiar to me. This warmth that I'm feeling is very familiar to me. Ilang beses ko na itong naramdaman. Bakit? Bakit Elisa? Oo… Si Elisa. I know her, the woman from the diary, the woman in my dreams. Sa kan'ya itong init na siyang nararamdaman ko. Alam ko. Alam na alam ko dahil ilang ulit na siyang nagparamdam. Ang diary! Oo nga, ang diary. Dala-dala ko iyon ngayon. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit siya nagpaparamdam sa akin ngayon. Sa ganitong oras at pagkakataon, bakit ngayon pa kung kailan nasa ganitong sitwasyon ako. Hindi naman ako tulog. Dati-rati ay sa panaginip lang siya nagpaparamdam sa akin. Anong kailangan mo ngayon, Elisa?! "Elise! Buksan mo ito!" sigaw ni Andoy sa labas. Sa sobrang liwanag ay hindi ko maaninag ang mukha ni Andoy na siyang humahampas sa salamin nitong sasakyan upang mapalabas ako. "Ely, babe…" tawag naman ni Francis. Hinang-hina ang boses nito dahil sa tinamong sugat nito sa katawan. "Buksan mo ito Ely," dagdag ni Francis. Nahihimigan ko ang pag-aalala sa kan'yang boses. They are both asking me to open the door pero hindi ko mabuksan iyon. "Elise, babalik na tayo… Baguhin mo ang nakatadhanang mangyari sa pangalawang pagkakataon… Itama mo ang mali sa nakaraan, Elise…" Sumakit ang ulo ko dahil sa narinig kong boses na iyon. Elisa? Anong babalik?! Anong nakaraan ba ang sinasabi mo? Kaninong nakaraan ang siyang itatama ko? Bakit ako? "Argh!" sigaw ko. My head is aching and it's killing me. Parang hinahati iyon at may nakikita akong parang isang alaala. Kung kanino mang alaala ito ay hindi ko alam! Nasusuka ako at nahihilo na. Narinig ko pa ang malalakas na pagkalampag ng bintana ng sasakyan. Hanggang sa nawalan ako ng ulirat. Ang huling naaalala ko na lamang ay ang sigaw ng dalawang lalaking kasama ko. Andoy… Francis… Sa muling pagbukas ng aking mga mata ay siyang bagong katauhan ang magigisnan ko. Ako si Elise Montereal sa taong 2021, isang misyon, isang pag-ibig. Paano ko babaguhin ang nakatakdang mangyari? Paano ko gagampanan ang katauhan ni Elisa Montereal sa taong 1898 kung ang katauhan naming dalawa ay magkasalungat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD