HS24

2027 Words
Hindi ko na alam kung paano pagkasyahin sa utak ko lahat ng nalalaman ko ngayon. Parang sasabog na kasi iyon at nanumbalik ang lahat ng nangyari sa amin ni Rafa sa kamay niya. This has to stop. Someone should stop his madness! Kung hindi iyon nagawa ni dad ay ako ang gagawa niyon. I will put that disgusting man behind the bars at pagsisihan niyang kinanti niya ang mga taong mahalaga sa akin. Alam ko na ang dahilan kung bakit umabot ito sa puntong nanakit siya ng inosenteng tao. I know Francis has the capability to do this. He did this para hindi ko makapareha si Andoy. This is too much. Hindi ko na kayang lunukin na lang ito. Hindi pa nga gumagaling si Rafa ay may ginawa na naman siya. "Senyorita?" Nanginginig ako sa galit. Nanlalambot ang mga tuhod ko na nais ko na lang din mapaupo sa sahig dahil para akong tinakasan ng lakas dahil sa narinig. "Elise!" pasigaw na tawag ni Andoy sa akin. "H-he needs to stop Andoy! I-I c-can't t-take this anymore!" litong-litong sambit ko. Nangingilid na ang mga luha ko at walang humpay sa pagkabog ang puso ko. I remember it all too well. Kung paano kami bumangga sa puno at kung paano hanggang ngayon ay naka-comatose pa rin si Rafa! Wala pang dalawang buwan nangyari iyon pero ginawa niya naman ulit. Kampante ba siya na wala kaming magawa sa kasalbahian niya? Anong silbi ng yaman ng pamilya namin kung hindi ko magawang ipaghigante man lang ang mga kaibigan ko. Dad is just a coward. Hindi niya magawang kasuhan dahil mas iniisip nito ang partnership ng mga negosyo ng pamilya namin. Kahit na alam na nito na may napahamak na. This just adds up to one of my reasons why I hate him so much. Ni hindi niya kayang manindigan bilang ama sa akin. Duwag siya, duwag na duwag. I hate him for not standing up for me as my father. He has all the power and money to do that. Pero iniisip nito ang future ng kompanya namin. "Shhhh, huminahon ka," mahinang sabi ni Andoy sa akin. Parang baliktad na 'yong sitwasyon namin ngayon. Si Andoy na kasi ang halos yumakap sa akin para pakalmahin ako. Ilang minuto ang nagdaan. Pareho kami walang imik at kapwa kami nag-iisip. Hindi ko na nga napansin na magkayakap na pala kaming dalaga. Pagod na pagod ang katawan ko dahil sa prusisyon kanina tapos nangyari pa ito. Hindi ko kasi maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Andres. Francis's obsession for me is getting out of control. Kung noon ay pang-bubully lang ang nagagawa nito sa mga manliligaw ko ay ngayon ay lumala na. At anytime ay p'wede siyang makapatay dahil sa ginagawa nito. At hindi ko hahayaan na umabot pa sa puntong iyon. "Somehow I felt responsible for what happened to Andres. He is such a good friend and a responsible son and brother to your family. Mas gusto ko pa nga siya kaysa sa iyo eh," wika ko. Nakikinig lang si Andoy ngayon sa lahat ng sinasabi ko. Habang ako naman ay nakasandal sa balikat nito. Nasa tabing kalsada kami at kahit pinagtitinginan na kami ng iba ay hindi namin magawang umalis sa puwestong ito. Hindi ko alam kung bakit parang payapa ako kapag nasa tabi ako ni Andoy. He can even calm my angry heart just by listening to all of my whims. "Francis is my suitor, and our family are business partners. Noon pa lang ay binakuran niya na ako. He threaten a lot of people at dahil nga ma-impluwensya ang pamilya nila ay no one can stand up against him," pagkukuwento ko. "H-he e-even…" Halos hindi ko na matuloy ang siyang sasabihin ko. I am so overwhelmed by the fact na kahit nandito na ako sa probinsya namin ay sinusundan pa rin ako ng trauma ko at dinagdagan niya pa! "Hindi mo na kailangan na mag-kuwento pa, senyorita." Napatingin ako kay Andoy. Nakatingin ito sa langit habang nagsasalita. "Alam ko na," dagdag nito. "Kailangan mo ng umuwi. Halika na," aniya. Tumayo si Andoy sa pagkakatayo at agad naman nag-protesta ang kalooban ko. Uuwi? Bakit? Hindi ko pa nga nalalaman kung anong kondisyon ni Andres. Hindi ako uuwi hanggang sa hindi ko nasisiguro na ligtas na talaga sa panganib ang lalaki. "No, I won't go home not unless ay masiguro ko na ligtas na sa panganib si Andres," pagmamatigas ko. Nakaupo pa rin ako sa may kalsada na narito sa labas ng hospital habang nakatingala kay Andoy na seryosong nakatingin sa akin. "Kailangan mong umuwi, senyorita. Alam kong kakayanin 'yan ni Andres. Pagod ka at kailangan mong magpahinga," malumanay na tugon ni Andoy sa akin. Nagsukatan kami ng titig hanggang sa sumuko na lang ako. "You need to inform me about his condition, okay? Mangako ka!" ani ko. I was surprised when he pat my head na parang sinasabi nito na maaayos din ang lahat. Andoy has this gentle smile on his lips na nagpatibok sa puso ko. My heart won't stop beating so wildly. Hindi iyon mapakali at mas lalong tumatagal ay mas lalong lumalakas ang t***k niyon. "H-hindi a-ako a-aso! Don't pat my h-head!" sigaw ko at inalis ang kamay nito na nasa ibabaw ng ulo ko. What the heck is that? Ano 'to? Why does my heart keep beating like crazy? Nababaliw na ba ako? Bakit nag-iba ata ang paningin ko ngayon kay Andoy? "Ako na ang mag-dadrive," biglang wika ni Andoy nang makapasok kami sa loob ng sasakyan. Agad nanlaki ang mata ko sa narinig. Marunong siyang magmaneho? "You know how?" "Yes," maikling tugon nito. Hindi na ako umangal pa. Pagod din naman kasi ako eh. My whole body is aching at parang nais ko na lamang humilata at matulog. Sa dami ng nangyari ngayon ay parang bagsak na bagsak ang katawan ko. "Be my guess then," sagot ko at hinayaan siya sa driver's seat habang ako naman ay nasa tabi nito na tahimik lang na nagmamasid at binabantayan ang bawat kilos nito. Madilim ang paligid kaya wala akong makita sa labas. Nakakabingi 'yong katahimikan na siyang bumabalot sa aming dalawa. Should I initiate a conversation with him? Hindi ba parang nakakahiya 'yon? And why would I? Pasiplat-siplat lang ako kay Andoy na tahimik lang nag-dadrive. Seryoso ang pagmumukha nito habang nakatuon ang mga mata sa daan. Dahil sa hindi ko na kaya 'yong awkward feeling na nararamdaman ko ngayon ay pinaandar ko ang radyo nitong kotse. At mukhang malas ata ako ngayon dahil bigla ba namang umandar ang mga love song na kanta. Hindi ako nakaimik at kahit nais ko mang patayin ang radyo ay hindi na ako makagalaw. Ang tanga ko talaga! Bakit ko pa kasi ini-on 'yong radyo, ayan tuloy pareho na kaming nakikinig ng love song ngayon habang kami lang dalawa sa loob. Sa nanginginig na kamay ay pinilit kong mapatay iyon at nang tumigil iyong tugtog ay nakahinga ako nang maluwag. "Ayaw mo ba sa tugtog?" Marahan pa akong napapitlag nang sa wakas ay nagsalita na si Andoy. "A-ah, h-hindi k-kasi familiar," pagsisinungaling ko. Napapalunok na lang ako sa sarili kong laway. Kahit sa simpleng pagsasalita ni Andoy ay natataranta na ako. Delikado na ata ako. Hanggang sa may nakita akong paparating na sasakyan. May lalabas ata ng Ildefonso. Makakasalubong namin ang sasakyan nito kaya makikita namin kung sino ang driver hanggang sa naaninag namin ang isang lalaking nag-dadrive! Francis! "Si Francis!" naisigaw kong wika. Agad na na lamang iniharang ni Andoy ang sasakyan sa kalsada para hindi makaraan si Francis. Saan siya pupunta?! Tatakasan niya ba rin itong ginawa niya kay Andres katulad nang ginawa niya sa amin ni Rafa noon? At dahil nga hinarang namin ang sasakyan kaya napatigil din ang sasakyan ni Francis na panay naman sa pagbusina sa gawi namin. "Move, man!" sigaw ni Francis na siyang rinig namin. Mukhang hindi pa nito alam na kami ang nakasalubong niya. Hindi niya pa nakikilala ang may-ari ng sasakyan na humarang sa kan'ya. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Francis ang inis at galit na galit itong bumaba ng sariling sasakyan at pinaghahampas nito ang hood ng kotse at pinapababa kami. Mabuti na lamang at nakapatay ang ilaw sa loob nitong sasakyan kaya hindi nito nakikita ang mga mukha namin. Akmang lalabas si Andoy kung kaya't nataranta ako. Agad ko siyang hinawakan sa braso at nagtanong. "Saan ka pupunta?" kinakabahan kong tanong. Hindi p'wedeng bumaba siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya pero sigurado akong hindi maganda ang kahihinatnan nito kapag nagpang-abot sila. "Huwag na huwag kang bumaba ng sasakyan," ani Andoy atsaka marahan na inalis ang hawak ko sa braso niya. "No! Don't go!" I scream. Pero hindi nakinig si Andoy. Bumaba siya at hinarap nito si Francis na galit na galit. Habang ako naman ay nanginginig na tinitingnan sila sa harapan ng sasakyan. "You?!" sigaw ni Francis. Naglalabasan ang litid nito sa leeg nang sumigaw siya na ramdam mo talaga ang gigil sa bawat salita nito. I know I need to go out para pigilan silang dalawa. Magkakagulo sila, alam ko 'yan, for sure. "Tatakas ka? Tatakasan mo ang ginawa mo sa kapatid ko?" seryosong tanong ni Andoy sa kan'ya. Hindi ko makita ang pagmumukha ni Andoy dahil sa nakatalikod ang lalaki sa akin. Litong-lito akong napatingin sa paligid. At sa kamalas-malasan ko pa ay nandito pa kami ngayon sa pinaka-delikadong daan ng Ildefonso. Ang daan na ito ay hindi sementado. Sa kaliwang bahagi ng daan ay bundok habang ang sa kanan nito ay bangin at ang dulo ay isang batis na may malakas na agos. Isang pagkakamali at p'wede ka ng hindi na masinagan ng araw kinabukasan. We are at a dangerous place at hindi makakatulong kong mag-aaway pa ang dalawang iyon. "I don't know what you're talking about," maang-maangan na sabi ni Francis habang may nakakalokong ngiti sa labi. Nakita kong kumuyom ang kamao ni Andoy. Palatandaan na galit ito. Alam kong mahaba ang pasensya ni Andoy pero malabo na mag-pasensya ai Andoy sa ginawa ni Francis sa kapatid nito. "Hindi ka aalis," seryosong tugon naman ni Andoy. Pati ako ay natakot sa paraan ng pagbigkas nito. "And who are you to say that?" patawa-tawang tanong ni Francis. Pati ako ay nanggigigil sa paraan ng pagngiti nito. He is so full of himself. Pagkatapos niyang gumawa ng kalokohan ay lalayas siya? This man is really a devil na nagkatawang tao lang. Hindi ko na kayang makinig na lang kaya lumabas ako ng sasakyan at agad pinuntahan si Andoy upang pakalmahin siya. Hinawakan ko ang kamao nito. This is not the right time para magka-initan silang dalawa. Not in this place. Napaka-delikado ng lugar na ito ngayon. At hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Francis ngayon. P'wede siyang gumawa ng masama sa amin. Hindi iyon malabong mangyari. "Ely?" nagtataka na tawag ni Francis sa pangalan ko nang makita niya ako. "What are you doing here? At bakit magkasama kayo ng dukhang ito?!" galit na tanong nito sa akin. "And why would I answer your question? Sa ginawa mo?! Francis! Sumosobra ka na. This has to stop. We are not gonna let you get away with this." Tinitigan ko ang lalaki. Titig na may kasamang galit sa lahat ng ginawa niya. "No, no, no, babe… Don't look at me like that. I didn't do anything. I am innocent," sagot pa nito. "This guy is just accusing me. Ely, you need to believe me." "Why are you running away then? Explain to me kung bakit nandito ka ngayon? Gabing-gabi na and this is a Province, Francis. Walang night life rito na p'wede kang gumala kung gusto mo," I said. Hindi nakaimik si Francis sa sinabi ko. He just kept staring at me and Andoy. Nanlilisik ang mga mata nito. Hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa kamao ni Andoy. Napangisi ito at mas lalong bumagsik ang mukha na siyang ikinagulat ko. Bahagyang iniharang ni Andoy ang katawan nito sa akin upang protektahan ako laban kay Francis. Kinakabahan na ako. I don't know kung saan ito papunta but one thing is for sure, this is very dangerous for the both of us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD