"You looked heavenly Ely, hindi ko inakala na magiging escort mo ako ngayon. I'm the happiest man in the earth right now," madamdaming wika ni Francis sa akin na mukhang asong ulol na kanina pa titig nang titig sa akin. Akala siguro nito ay mala-koreanovela ang ganap namin ngayon. Ang hindi niya alam ay kanina pa ako banas na banas sa sitwasyon ko.
Mabibigat ang bawat hakbang ng aking mga paa habang naglalakad. Para bang may suot-suot akong kadena sa paa na pilit akong hinihila papunta kay Andoy na siya sanang escort ko pero iniwan ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iniwan niya ako sa ire. Pinaasa niya lang ba ako? Ginagago niya ba ako? Ang dami kong katanungan na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong sakit na siyang nararamdaman ko sa puso ko. Parang tinutusok ng dahan-dahan ang lahat ng kasulok-sulokan ng parte nito na nagpapabigat sa bawat paghinga ko. Kailan ba ako pinili ng mga taong nasa paligid ko? Kailan ba nila nakita ang halaga ko? Dapat 'di ba masanay na ako? Lahat ng tao just see me as someone na hindi worth it bigyan ng halaga, that I am not worth fighting for and even dad just left me behind. Nawalan na ako ng ganang ipagpatuloy pa itong prusisyon. Kanina pa ako nakasimangot at nais ko na lang sanang umuwi na lang at itulog itong bangungot na nararanasan ko ngayon. Ang bigat sa dibdib at hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kanina na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
"Hey… Stop frowning, it should be a happy day for the both of us," wika ni Francis sa akin. Kanina pa siya riyan nagsasalita. Hindi ko alam kung coincidence lang 'yong pagkikita naming dalawa kanina o planado talaga. Bakit ko nasabi? Ang perfect kasi ng timing nito na parang alam niya nang wala akong escort ngayon. He even wore a maroon barong which suits to my maroon gown, na animo'y kami talaga ang magka-partner.
"Will you stop talking? O 'di kaya ay tumigil ka na ring huminga?" inis kong tanong sa lalaki. I am trying to smile a little bit na kahit ay naiilang na ako dahil sa amin nakatutok ang mga mata ng mga tao. Siguro ay maraming nagtataka kung sino kami dahil pareho naman kaming dayo rito.
Francis just laughed at what I just said. Mas lalong nag-iinit ang ulo ko sa ginagawa niya at kapag nagsisimula na akong mainis ay nawawalan ako ng kontrol sa sarili kong emosyon. I don't wanna mess this up, not in front of the public. Ayaw kong bahiran ang reputasyon ni lola rito sa Ilfefonso kaya I'm really trying to hold up my temper dahil baka sumabog na lang ako rito at mag-walk out ako at maturingan pa akong bastos.
"Chill babe, ngayon lang ako nagka-chance na makasama ka. Sa tinagal-tagal ng panahon ay rito pala sa Ildefonso magsisimula ang love story nating dalawa," nakangiting sabi nito. "You know how much I like you right? No scratch that… I love you Ely, at alam kong matagal mo ng alam," hambog nitong bulong sa akin.
Pinilit kong tumahimik na lamang at hinayaan ko si Francis na dumada nang dumada. Kahit na nanghihilakbot ako sa bawat lumalabas na salita sa bibig nito. Maswerte pa rin ang lalaking 'to at nasa publikong lugar kami. Kung nagkataon na kami lang dalawa ay baka kanina ko pa siya nakatikim ng butterfly kick sa akin. This man is obsessed and it's creeping me out. Hindi ko na alam kung ilang taon niya na akong pinupursue. He even talked to dad about his proposal to me at sa totoo lang ay hindi nakatulong ang pagiging mag-kumpare ng mga tatay namin sa obsesyon niya sa akin. Pasalamat din ako na hindi pa umabot sa punto na baka pati si dad ay mapa-oo nito sa gusto niya. I know how this man brain works. He is brutal and self-centered. What he wants, he gets but except me. Dahil nakahanap siya ng katapat sa katauhan ko. He can't get me that's why na-obssessed na sa akin ang lalaking 'to. Natapakan ko ba ang ego niya? I'm that someone na hindi masisilaw sa kayamanan ng pamilya nila cause why would I? I, myself is an heiress and his money is not worth it para patulan ko siya. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ngayon nagagalit sa katotohanan na iniwan ako ng isang tulad ni Andoy. A man that is way out of my spectrum, kung sa madaling salita, a man who is beneath me. Pero ang lalaking 'yon lang ang nakapag-paramdam sa akin ng ganitong frustrations na to the point I wanna strangle him and squeeze him for the question of why? Why did he leave me hanging here? Without any explanation! Grabe, ang taas naman ata ng confidence ng isang 'yon.
Pagkatapos ng prusisyon ay wala akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon sa nais ni lola na mag-picture kami ni Francis. Lola even invited Francis to the mansion for the celebration. May salo-salo kasing inihanda si lola sa akin. Sana nga ay hindi na naghanda pa si lola. Mapipilitan tuloy akong makisalamuha sa mga bisita namin sa bahay.
"See yah babe," ani Francis atsaka nag-flying kiss pa. Nasa likod nito si Katarina na nakatingin sa akin. I saw her smirked at my direction kaya tumaas ang isang kilay ko. Hindi naman obvious sa babaeng 'to na masaya siya ngayon. This b***h really knows how to get on my nerves. Sayang-saya siguro siyang malaman na iniwan ako ni Andoy!
On our way home ay hindi nakaligtas kay lola ang malalalim na buntong-hininga ko. Kanina pa ako tahimik at malayo ang bawat tingin ko. I am trying to be cheerful pero wala eh, hindi ko na kayang makipag-plastik. Talagang lantaran na sa mukha ko na hindi ako natutuwa.
"Hija, maybe Andoy has a good reason why he left kanina. We just need to wait for his explanation. Kilala ko ang batang 'yon. Alam kong may mabigat siyang dahilan." Hinawakan ako sa kamay ni lola upang sabihin na huwag na akong magalit kay Andoy.
The small party went on. Bati rito, bati roon. 'Yan lang ang naging routine ko. Kanina pa sunod nang sunod si Francis sa akin na parang aso. Hindi na ako nilubayan nito at nag-fefeeling na boyfriend ko. Napagkamalan pa tuloy kaming in relationship ng ibang bisita ni lola. They praised us na bagay raw kami, and every time I hear their praises ay pasimple akong napapairap.
Hanggang sa dumating si Mang Tope, ang tatay ni Andoy. Nang makita ko ang mukha nito ay parang nabahala ako. He looked so stressed at parang problemado. Anong nangyayari? Agad namang pinuntahan ni lola si Mang Tope at syempre ay sumunod na rin ako. Pasalamat nga ako at biglang nawala na lang si Francis sa tabi ko. Himala nga at humiwalay ang isang iyon. Mas mabuti na rin 'yon para malaman ko kung anong pag-uusapan nila ni lola.
"Senyora, pasensya na talaga at mukhang nakabahala pa ako. Pero wala na talaga akong p'wedeng malapitan," mangiyak-ngiyak na ani ni Mang Tope. "Kailangan naming dalhin si Andres sa hospital. Binugbog po ang anak ko at hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Wala kaming masakyan at mahingan ng tulong," dinig kong sabi ni Mang Tope kay lola nang nakalapit ako.
Andres got beaten? By who? And how? Ito ba ang dahilan kung bakit ay nagmamadali si Andoy kanina? He left because Andres is in danger?
"I can drive," sabat kong ani. "La, I'll drive," dagdag kong sabi. Parang automatic na lamang lumabas sa bibig ko iyon at kusa na lamang akong nag-presenta. Pagkarinig ko sa problema ni Mang Tope ay alam kong kahit papaano ay kailangan kong tumulong which is not a normal thing to me. Kailan pa ako nagkaroon ng sympathy sa ibang tao?
"We have drivers here apo, they can do it," pag-aalalang sagot ni lola na siya namang sinegundahan ni Mang Tope.
"It's okay la, I can bring them to the hospital," seryosong tugon ko. "Pakisabi na lang sa kanila na pakihanda iyong kotse sa garahe." Umalis agad ako at pumahik sa itaas upang magmadaling magbihis. Isang simpleng jeans at t-shirt lang ang sinuot ko. Kinuha ko ang sling bag ko at aalis na sana ako nang tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa isang bagay na nakapatong sa bedside table ko.
The diary.
Ang diary ni Elisa Montereal. Kinuha ko iyon at isinilid sa sling bag ko atsaka bumaba na. Pagkalabas ko ay sinabihan ko si Mang Tope na ituro ang daan papunta sa kinaroroonan nila Andres. When I got there, I was dumbfounded when I saw Andres's body full of blood habang karga-karga siya ni Andoy sa bisig. Katabi nito ang punit-punit na barong na sa tingin ko ay siyang dapat susuotin ni Andoy sa prusisyon kanina.
"A-andres," garalgal na tawag ko sa lalaki. Napalingon si Andoy sa akin at nakita ko ang galit sa mga mata nito.
"Sumakay na kayo," agad kong sabi atsaka bumalik sa driver's seat. Nasa back seat si Mang Tope at si Andres na walang malay habang si Andoy ay nasa passenger seat na kanina pa seryoso. Mukhang galit na galit si Andoy na kahit ako ay natatakot sa malamig nitong aura.
"I don't really know where's the right way, so, I kinda need your help po," mahina kong wika.
"Marunong ka ba talagang magmaneho?" tanong ni Andoy na siyang ikinabigla ko naman. Why would he ask me that? Obvious naman na umaandar itong sinasakyan namin. Hindi ko lang alam 'yong right direction!
"Andoy…" Napatigil sa pagsasalita si Andoy dahil sa tawag na iyon ni Mang Tope sa kan'ya. "Pagpasensyahan mo na iyang si Andoy Hija, nag-aalala lang 'yan sa kapatid niya. Huwag kang mag-alala, diretso mo lang," si Mang Tope.
I get it. He's angry and frustrated. Alam ko naman iyon dahil kahit nga ako ay nagagalit sa nangyari kay Andres na hindi ko naman siya kamag-anak. Paano pa kaya kay Andoy. Sino namang pangahas ang gumawa nito? Andres is such a sweet man. Wala akong masabi sa kabaitan nito kaya nagagalit din ako sa mga taong nambugbog sa kan'ya. What's the motive? May tao bang may lihim na galit sa pamilya nila?
"Humanda siya," bulong ni Andoy. Ramdam ko ang bawat pagpipigil nito sa bawat salita na siyang lumalabas sa bibig nito. May alam ba siya sa kung sinong may gawa nito kay Andres?
Pagkarating namin sa hospital ay agad inasikaso ng mga nurse at doktor ang duguang si Andres. Hindi na kami nakasunod pa sa loob dahil bigla na lamang nagwala si Andoy rito sa labas. Hinintay lang nito na makapasok ni Mang Tope at Andres sa loob ng hospital bago ito sumigaw at sumuntok-suntok sa kawalan.
"Hey, stop it!" Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Hindi ko maawat si Andoy na galit na galit ngayon.
"Sisirain ko rin ang pagmumukha niya!" galit na galit na sigaw nito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hanggang sa hindi na nito nakayanan ang galit na nararamdaman nito. Napaupo si Andoy sa kalsada at agad naman akong lumapit sa kan'ya.
"Excited na excited pa si Andres no'ng umaga eh. Mukhang siya pa nga 'yong escort sa aming dalawa. Sinundo niya pa nga ako kanina eh, dahil ang sabi ay iniba 'yong oras. Mga hayop ang gumawa nito sa kan'ya nito!" Nang makita ko ang pagpatak ng luha nito sa mga mata ay hindi ko nakayanan iyon at agad ko na lang siyang yinakap upang kahit papaano ay may makunan siya ng lakas.
Unang beses ko itong ginawa. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na ang isang tulad ni Andoy ay iiyak ng ganito sa harap ko kaya pati ako ay nadadala na rin. Ang hirap niya palang tingnan na parang batang umiiyak sa harap ko. Hindi ko kayang panoorin na lang siya na lumong-lumo sa sinapit ng kapatid.
"Shh, hahanapin natin kung sino man ang may gawa nito," seryosong sabi ko sa kan'ya. "Pagbabayaran nila ng mahal ang ginawa nila kay Andres." Mas lalong humagulhol si Andoy habang yakap-yakap ko siya at habang ako naman ay marahang hinihimas-himas ang likod nito. I see him as a strong man. But I can really tell na lugmok na lugmok siya ngayon. Hindi pa namin alam kung maliligtas ba si Andres kaya kahit papaano ay naiintindihan ko ang galit nito. Andres is fighting for his life and there's a chance he will not survive kaya kailangan talaga ni Andoy magpakatatag ngayon para sa kapatid niya.
"Si Francis," biglang sabi ni Andoy.
"What about him?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Bigla kasi nitong binanggit ang pangalan ni Francis out of nowhere kaya agad akong kinabahan.
"Siya ang may gawa nito," mabilis na tugon ni Andoy na siyang ikinagulat ko.
Francis...? What the hell did you do again this time?!