HS22

2154 Words
Andoy's P.O.V. Tahimik akong nagpapahinga rito sa maliit na kubo. May nag-alok kasi sa akin ng trabaho kanina. Si Mang Isko na taga-looban. Naririnig ko na ang pangalan niya rito sa Ildefonso. May kaya rin kasi sila at mahilig ang matanda sa pagsasabong. Hindi ko nga inaasahan ang biglang pagbisita nito sa bahay at ang pag-alok nito ng trabaho. Isang araw lang naman pero ang laki ng sasahurin ko kaya naintriga ako at um-oo ako sa trabaho na inaalok nito. Sampung libo 'yong sasahurin ko para sa paggawa ng mga patungan ng kanilang mga halaman sa kanilang bahay. Ngayong araw ring ito ay gaganapin ang prusisyon. No'ng isang araw pa ako nakabili ng susuotin ko. Mamaya pa naman 'yon magsisimula. Alas-sais ng gabi 'yon gaganapin. "Mang Isko? Alis na ho ako," tawag ko sa matanda. Kailangan ko na ring umalis. Kaninang umaga pa ako rito at alas-dos na. Medyo may kalayuan pa naman itong bahay nila sa bahay ko. Bisikleta lang ang gamit ko at kailangan ko pang mag-pedal ng tatlumpung minuto para makauwi. Baka gahulin ako sa oras at hindi ako makaabot. Mas mabuti nang maaga ako para hindi na magka-problema. Lumabas sa kanilang bahay si Mang Isko na may malaking ngiti atsaka lumapit sa akin at tinapik ako sa balikat. "Ikaw naman oh, may naiwan ka bang misis sa bahay mo at ang aga mong umuwi?" nakangiting tanong nito sa akin. Inakbayan niya ako at minamasahe-masahe pa ang balikat ko atsaka bumulong. "May anak akong babae. Baka nais mong mag-usap muna kayong dalawa? Gusto ko sa mga tulad mong masisipag eh. Bagay kayo ng anak ko," bulong nito sa akin. Lumabas sa pinto nila ang isang babae. Ito na ata ang sinasabi nitong anak niya. Nakasuot siya ng puting bestida at nakapusod ang buhok. Pasilip-silip ito sa gawi ko na parang sinusuri ang kabuuan ko. "Ano na Andoy? Siya si Erina, anak ko. Maganda hano?" pagtatanong ni Mang Isko sa akin. Sinulyapan ko muli ang babae na siyang anak ni Mang Isko. Oo, maganda naman siya. Atsaka siya 'yong tipo ng babae na mukhang inosente at mahiyain. Pero ewan ko ba, kahit anong ganda niya ay hindi man lang ako makaramdam ng atraksyon sa kan'ya. Maganda naman siya pero alam mo 'yon? Nagiging normal na lang 'yong ganda nitong si Erina. Iba pa rin talaga 'yong ganda ni Surot kahit medyo alanganin 'yon sa attitude. Hindi naman sa gusto ko si Surot. Alam ko rin namang pumuri ng ganda ng isang babae. At nagsasabi lang ako ng totoo ngayon. "Hindi na siguro Mang Isko, may gagawin pa kasi ako," mahinahong tugon ko atsaka yumuko sa dalaga na nasa harap ko bilang paggalang sa kan'ya. Wala namang problema sa akin ang makipag-usap. Pero bad timing ngayon at kailangan na kailangan ko lang talagang umuwi nang maaga. "Sige ka, magtatampo ako sa'yo nito. May ipapagawa pa naman sana ako sa'yo sa susunod na araw. Siya at baka kailangan mo na talagang umuwi," dismayado na wika nito atsaka pumasok muli sa kanilang bahay. Muli akong tumingin sa suot na relo at nakita kong malapit ng mag-alas tres. May labinlimang minuto pa bago mag-alas tres. Siguro p'wede pa naman akong makipag-usap. Kahit labag sa kalooban ko ay kailangan kong gawin ito. Sayang din ang trabaho para sa susunod na araw. Lalo pa't ang laki ng pasahod ni Mang Isko. Kakausapin ko lang naman 'yong anak niya 'di ba? Sinabi ko kay Mang Isko na p'wede pa akong magpahinga muna saglit. Nagalak ang matanda sa sinabi ko at agad inutusan si Erina na maglabas ng alak na siyang ikinagulat ko naman. Wala sa plano ko ang uminom pero dahil napasubo na ako ay wala na akong nagawa. Gagawin ko na lang. Hindi naman ako magtatagal dito at uuwi rin naman ako. May ilang minuto pa lang ang nagdaan ay napansin ko na agad ang mga kilos nitong si Erina. Bigla na lamang tumabi ang dalaga sa akin at halos yumapos na siya sa akin dahil sa lapit ng pagitan namin sa isa't isa. Maingat naman akong umiiwas sa kan'ya at pasimple kong nilalagyan ng harang na unan ang distansya naming dalawa. "Ano ka ba anak, pagsilbihan mo ang bisita natin," wika ni Mang Isko sa anak at humalakhak pa. "Huwag na ho Mang Isko at ako'y aalis na rin. Kailangan ko na talangang umuwi." Pagkasabi ko sa mga salitang iyon ay nagulat pa ako nang lumambitin na itong si Erina sa braso ko na parang pinipigilan niya akong umalis. "Hindi ka ba p'wedeng magtagal muna kahit saglit lang?" bulong nito sa teynga ko. Halos pigilan ko pa ang paghinga ko nang kagatin nito ang siyang tuktok ng teynga ko. Lumukob sa buo kong katawan ang kiliti sa ginawa niya. Marahan kong inalis ang mahigpit nitong hawak sa braso ko at humingi ng paumanhin dahil talagang aalis na ako. "Pasensy---." Naputol ang siyang dapat kong sasabihin nang marinig ko ang boses ni Andres sa labas na sinisigaw ang pangalan ko. "Kuya Andoy?! Kuya?!" sigaw nito sa labas. Agad akong lumabas upang tingnan ang kapatid at kung bakit sigaw siya nang sigaw na parang nagmamadali siyang makita ako. May problema ba sa bahay? "Andres?" Nagtaka pa ako nang makita ko ang ayos nito. Basang-basa ang buong katawan nito sa pawis at wala na sa ayos ang damit. Parang nakipag-marathon itong si Andres at hingal na hingal siya. "Kuya!" Halos maiyak pa ito nang nakita ako. "Kuya, kailangan mo ng umuwi at maligo. Nilipat nila ng oras ang prusisyon. Hindi na alas-sais!" saad nito. Kinabahan naman ako at agad akong napatingin ulit sa relo. Ang bilis ng oras! Alas-tres y medya na! Tatlumpung minuto pa akong mag-bibisikleta at kung hindi pa ako aalis ngayon ay hindi ako makakaabot. "Tara na!" Nakalimutan ko na ang magpaalam at agad ko na lamang kinuha ang bisikleta ko. "Mauna ka na kuya, magkita na lang tayo sa gym. Dadalhin ko na rin ang susuotin mo roon. Maligo ka na at magpaka-guwapo!" bilin ni Andres sa akin atsaka tumakbo na naman. Mukhang pupuntahan niya sa patahian ang damit ko. May kailangan pa kasing ayusin do'n kaya nasa patahian 'yong susuotin ko. Bakit ba kasi tumatakbo lang ang isang 'yon? Mag-tricycle kaya siya?! Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano. Binilisan ko na lang ang pag-pedal. Triniple ko ang bilis niyon sa lagi-lagi kong bilis kapag normal lang akong nagbibisikleta. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si tatay. Nakatanggap pa ako ng sermon nito dahil sa pagpapabaya ko raw. Hindi ko naman alam na iniba nila 'yong oras. Ang alam ko lang ay alas-sais pa 'yon magsisimula. Agad akong naligo at nag-ayos. Nagputing sando lang ako at itim na slacks. Itim din ang siyang suot kong sapatos at maroon naman na barong ang pang-itaas ko. "Nasaan na ang barong na susuotin mo? Hindi niyo pa ba nakukuha sa patahian?" tanong ni tatay sa akin. Umiling ako atsaka sinabihan si tatay na baka ay nasa gym na si Andres dahil 'yon naman ang sinabi nito. Sabay kaming nagtungo sa sentro kung nasaan gaganapin ang pagtitipon para sa pagsisimula ng prusisyon. Marami na ang tao at ang unang hinanap ng aking mata ay si Elise. "Andoy?!" Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Senyorita Surot na nakasuot ng mahabang gown na kulay maroon. Hindi ko maalis ang titig ko sa kan'ya dahil sa hindi ako makapaniwala na si Surot na nga itong nasa harap ko. May suot itong parang bulaklak na korona sa ulo. Bagay na bagay 'yong suot nitong gown sa kabuuan nito. Nagmumukha siyang diwata sa paningin ko. Pati nga mga tao rito ay hindi maalis ang mga tingin kay Elise. May ibang nagtataka at may ibang namamangha. Maganda naman talaga itong si Surot, no comment nga lang talaga sa pag-uugali nito kung minsan. "Naglalaway ka na ba sa akin? Huwag mo na akong pangarapin Andoy. Alam ko namang dream girl ako ng lahat ng kalalakihan." Basag trip talaga ang Surot na 'to. Ang lakas din ng tama nito. Okay na sana eh, nagsalita pa kasi. "Nagmukha kang tao," simpleng tugon ko. Agad umirap si Surot sa akin at pasimple pa akong napatawa. "What the hell are you wearing?! Don't tell me ay mag-sasando ka lang? Really, Andoy?" tanong ni Elise sa akin nang tiningnan nito ang kabuuan ko. "Hindi 'no, may susuotin ako. Relax ka lang diyan senyorita at hinihintay ko pa si Andres," ani ko. "You better tell the truth, Andoy. Huwag mo akong pahiyain sa maraming tao," seryosong wika nito. Natigil ang pag-uusap namin nang dumating si senyora na agad yumakap sa apo nito. May kasamang tatlong photographer si senyora at panay kuha sa amin ng litrato. Nagmukha tuloy kaming celebrity lalo pa't nakatingin sa aming lahat ang mga tao na naririto. "Oh my? Wala ka bang maisusuot Andoy?" tanong ni senyora sa akin. Napakamot ako ng ulo. Wala pa kasi si Andres at nababahala na ako sapagkat malapit ng magsimula. Sinagot naman ni Elise ang katanungan ni senyora kaya napatango ang matanda. Nagpaalam ako saglit kay Elise at hahanapin ko lang si Andres at baka hindi lang nito alam ang puwesto naming dalawa kaya natagalan siya sa paghatid ng barong ko. Sa paghahanap ko sa kapatid ay nasalubong ko si Katarina. Nasa gilid nito ay ang pinsan nitong si Francis na nakasuot ng kulay maroon na barong. "Andoy!" tawag ni Katarina sa akin. "You're here," dagdag nito. Tumango naman ako. Nangingilag pa ako sa kanila lalo na't may hindi pagkakaunawaan ang nangyari no'ng isang araw. "You look good… Pero, where's your barong?" nagtataka na tanong ni Katarina sa akin. Ang ganda rin ni Katarina ngayon. Nakasuot ng puting gown ang babae at may korona sa ulo. Nakalugay lang ang mahabang buhok nito at may puting gloves sa kamay. Nagmumukha siyang anak ng isang royalty dahil sa suot at ayos nito ngayon. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-ngisi nitong pinsan ni Katarina sa akin. Ngisi na parang nangmamaliit. "Wala ka bang pambili ng barong dude? May balak ka bang pahiyain si Elise dahil diyan sa suot mo?" maangas na tanong nitong si Francis sa akin. "Frans, please," pigil ni Katarina rito. "Chill cous, I'm not gonna ruin your day okay?" sabi pa nito kay Katarina. Naunang naglakad si Katarina at nang aalis na sana ako ay narinig ko pa ang sinabi ni Francis sa akin. "Huwag ka ng mag-aksaya ng oras kay Elise dahil ako ang magiging kapareha niya ngayon. Simulan mo na kayang hanapin 'yong kapatid mo? Clue pare, duguan na 'yon at bugbog sarado, adios!" Agad sumikdo ang kaba sa aking dibdib nang sabihin niya iyon. Anong ginawa niya kay Andres?! Una kong hinanap si tatay na kanina lang ay nasa likurang bahagi nitong gym. "Tayo ay pumirmi na sana at magsisimula na ang prusisyon," rinig kong sabi ng taga-anunsyo. Gulong-gulo na ang isip ko sa kung anong dapat kong unahin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako at hindi mapakali lalo na't wala pa si Andres dito. Nababahala ako sa sinabi ni Francis. May ginawa ba siya? Gumaganti ba siya sa akin dahil sa nangyari sa amin sa mansyon? Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Sana mali lang ang hinala ko dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kan'ya kapag pati si Andres ay dinamay niya sa gulo naming dalawa. "Tay," tawag ko kay tatay nang mahanap ko siya. Nagtaka pa ang ama nang makita niya ako na wala pa sa ayos at wala pa sa pila. "Anong ginagawa mo rito? Magsisimula na ang prusisyon? Nasaan ang barong na susuotin mo?" sunod-sunod na tanong nito sa akin. "Si Andres ho," pasiuna kong wika. "Si Andres ho tay ay hindi ko mahanap," saad ko. "Anong hindi mo mahanap?!" pasigaw na tanong ni tatay sa akin. Napatigil ako sa pagsasalita ko nang naramdaman ko na may humila sa isang braso ko. Pagtingin ko ay ang galit na galit na pagmumukha ni Senyorita Elise. Galit ang pagmumukha nito na may kasamang lungkot. Nakikita ko pa na parang naiiyak na ito na siyang ikinabahala ko naman. "Saan ka pupunta? Magsisimula na oh, ako lang ang mag-isang walang kapareha ro'n," mahinang wika nito sa akin. Paano ko sasabihin kay Elise na kailangan kong mahanap muna ang kapatid ko dahil nasa panganib ang buhay nito? Paano ko sasabihin na baka ay hindi niya na ako makapareha? "Pasensya ka na senyorita pero hindi mo na ako magiging kapareha." Inalis ko ang pagkakahawak nito sa braso ko at dali-daling umalis sa gym. Sa bawat paghakbang ko ay ang bigat ng kalooban ko. Wala akong magawa kung hindi ang tumalikod sa pinangako ko sa kan'ya. Pasensya na Elise, uunahin ko muna ang kapatid ko. Gusto ko mang maging kapareha mo ay mukhang hindi ko na magagawa. Kailangan kong iligtas si Andres kung totoo mang nasa panganib man ang buhay nito. "Huwag na huwag ka ng magpakita pa sa mansyon, Andoy! I hate you and you're fired!" sigaw ni Elise sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD