Chapter 1: Teacher Cheryl is dead?!

1747 Words
~*~ Kai’s POV 3 weeks ago… “Class, I’m so sorry.” Nagulat kaming lahat habang nagsasalita si Teacher Cheryl. Siya ang adviser namin at ang pinakamalapit sa aming lahat. Sa lahat ng mga teachers, siya lang ang tanging nakakaintindi sa amin. Siya ang nagtitiyaga para piliting ituwid ang mga sira naming landas. Kami ang First Section, ang klase na halos ayaw pasukan ng mga teachers. Sa kadahilanang wala naman kaming pake sa mga tinuturo nila, basta pumapasok lang kami dahil kailangan. Puro mayayaman, maarte, mga basagulero at ang mga talunan ang mga nakakasama ko. Kalilipat ko lang kasi ngayong school year sa klase na ‘to. Lumipas ang mga araw na sobrang saya na ni hindi ko nga namalayan na ilang buwan na lang magiging Senior na kami. Tahimik pa rin ang lahat. Hinihintay pa rin namin ang mga susunod na sasabihin ni Teacher Cheryl. “Magre-resign na ko….” Dagdag pa ni Teacher Cheryl habang nakayuko at nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang dulo ng teacher’s table. “Magpapakasal na ako next week. Sorry kung ngayon ko lang sinabi ito. Sorry kung naglihim ako sa inyong lahat.” Katahimikan ang nangingibabaw sa apat na sulok ng classroom namin. Ni hindi namin alam kung malulungkot ba kami o magiging masaya para sa pinakamamahal naming teacher. Ano ba dapat ang maramdaman namin ngayon? Hayst! Maski ako hindi ko alam. ~*~ After one week… “Patay na raw si Teacher Cheryl” “Oo nga, nabalitaan ko rin. Totoo ba yon?” “Nakita yung bangkay niya sa banyo. Sa bathtub mismo, nagpakamatay at puno daw ng dugo ang tubig. Mayroon ding picture sa dyaryo na may nakasulat na LIAR sa pader ng banyo ni Teacher Cheryl.” “Oo nakita ko nga yon at gamit daw sa pagsulat ay ang dugo mismo ni Teacher Cheryl. Sabi ng mga pulis suicide daw ang nanyari.” “Bakit naman gagawin yon ni Teacher Cheryl?” “Baka ayaw nang magpakasal ng fiancee niya?” “Kawawa naman..” Kanina ko pa naririnig ang mga kumakalat na balita na patay na raw si Teacher Cheryl. Totoo ba? O baka chismis lamang ito? Tama. Baka nga chismis lang, marami na ring kumalat na chismis tungkol kay Teacher Cheryl pero kahit ni isa dun wala kaming pinaniwalaan dahil kilala namin si Teacher Cheryl. Impossible na magagawa niya ang mga bagay na iyon. At nakausap ko pa si Teacher Cheryl noong isang araw. Martes ata yon? Hays! Nakalimutan ko na basta nakausap ko pa siya nung nakaraan. ~*~ Flashback.... Last Sunday… “Magandang gabi po, Teacher Cheryl!” “Magandang gabi din sayo, Kai. Nga pala bakit ka napadalaw? May kailangan ka ba?” Imbes na sagutin ko siya ay inabot ko na lang ang box na hugis puso at binigay ko ito sa kanya. “Ginawa po ito ng First Section. Letters and stuff… Masaya po kami para sa inyo.” Tinanggap niya ito tsaka dahan-dahang binuksan ni Teacher Cheryl ang box at kinuha isa-isa ang mga sulat pati na rin ang mga litrato namin. Tumulo ang mga luha niya habang tinitignan ito. Sinarado niya ang box at niyakap ako. “Tara, tuloy ka sa loob Kai. Pupunta muna ako sa kwarto para itago ito ah? Salamat talaga. Dito ka muna.” “Opo Maam.” Pumasok ako sa munting sala ng apartment ni Teacher Cheryl at na agad namang naagaw ang atensyon ko ng isang putting panyo na nasa lapag at mukha nalaglag lamang ito ng kung sino. May nakaburda sa panyo… tatlong itim na kalapati na tila ba’y lumilipad. Nasa kanang gilid lang ito ng panyo at pinong-pinong nakaburda rito. Kinuha ko ito at tinignang mabuti. Ang ganda. Hindi pa ako nakuntento. Nilapit ko ang ilong ko at inamoy ang panyo… amoy… amoy lalaki. Isang matapang na pabango ng lalaki. Inisip ko lang na baka ang may-ari ng panyo ay ang mapapangasawa ni Teacher Cheryl. Nilapag ko na lang ang panyo sa lamesa nang may napansin ulit ako.. Hindi lang ako ang tao rito. Malakas ang pakiramdam ko na may nagmamatiyag sa akin, na may mga matang nakadikit sa akin. Nilibot ng mga mata ko ang paligid ngunit wala naman akong nakita. Yung amoy… amoy lalaki dito sa sala ang amoy ng panyo, dumikit lang ba sa ilong ko o meron talagang ako kasama ngayon? Malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi ako nag-iisa rito. Lilingon na dapat ako nang biglang lumitaw si Teacher Cheryl sa harapan ko. Nakabalik na pala siya. Pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya parang nag-aalala, parang may bumabagabag sa kanya at parang takot na takot sa akin pero hindi ko na pinansin yon dahil masaya si Teacher Cheryl, iyon ang tandaan mo Kai Ngumiti na lang si Teacher Cheryl sa akin at sinabing “G-Gabi na pala Kai… b-baka hinahanap ka na ng m-mommy mo.” “Ah..Opo.” Nagpaalam na ko sa kanya at habang naglalakad ay muli akong lumingon sa apartment ni Teacher Cheryl. Napatigil ako ng sandali nang may nakita akong dalawang anino sa mismong salamin ng bintana ng sala para bang nag-uusap ay hindi nagtatalo. Pero muli, hindi ko na pinansin iyon hindi naman siguro diba? Kaya dumiretso na ko ng lakad pauwi. End f flashback... ~*~ “Guys!” Tumayo sa harapan si Reign, ang Class President namin. Isa siya sa mga naging mabait sa akin noong kakalipat ko pa lamang dito sa klase nila. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko. Natuon ang atensyon ng buong klase sa kanya. Ang iba na malayo ang iniisip ay nakabalik na sa realidad, katulad ko. “T-Totoo bang p-patay na si…. Si.. Teacher Cheryl?” Bakas ang pagkalungkot sa boses ni Reign. “Ang mga kumakalat na balita… totoo ba yon?” Tanong pa niya muli. Tumayo si Alpha, ang best friend ko. Pumunta siya sa kinatatayuan ni Reign at ibinigay sa kanya ang isang dyaryo kung saan naglalaman ang malagim na balita. Ibig sabihin totoo yung kumakalat na balita? Umiyak nang umiyak si Reign sa dibdib ni Alpha pati rin ang iba sa amin ay umiyak na rin. Hindi dapat nangyari to hindi ko kayang tanggapin ‘tong nangyari. “Ano ba kayo?! Bakit kayo umiiyak?!” sigaw ni Lorraine, ang kaklase naming tomboy. Sinigaw niya iyon pero halata naman na malapit nang tumulo ang mga luha niya at may nararamdaman akong kakaiba sa mga kilos niya para bang kinakabahan siya na ewan. “D-Dapat tayong matuwa!” pagpapatuloy niya. At bakit? Ano bang pinagsasabi niya? Bakit ba siya ganyan? Dahil sa sinabi niya ay lahat kami ay natuon ang pansin sa kanya. “Dahil wala na ang adviser natin, pwede na tayong bumalik sa dati nating gawi. Malaya na tayo! Wala na si Teacher Cheryl, kinontrol niya lang tayo. Magiging masaya ulit tayo. Hindi ba maganda ang mga iyon?” pagpapatuloy ni Lorraine. “MALAYA NA TAYO!” sigaw ni Rain, ang pinakasiga sa klase. Nagsitayuan ang iba naming kaklase upang magdiwang. Kaunti lang kaming nanatiling nakaupo. Hindi ko alam na ganito pala kakitid ang mga utak ng kaklase namin. Imbis na maluksa kami Kasi namatay yung pinakamamahal naming adviser sa halip ay parang natutuwa pa nga silang pumanaw na ito. Namatayan kami ng adviser pero nakuha pa rin nilang magdiwang? Nahihibang na ba sila? Tinapon nila sa basurahan ang mga notebooks at libro namin sa subject ni Teacher Cheryl at nagsigawan muli ng kung ano-ano. Puro halakhakan dito, halakhakan doon. Ni wala akong nararamdamang lungkot sa kanila. Sana man lang ginalang nila ang pagkamatay ni Teacher Cheryl kahit hindi bilang teacher kundi kahit bilang tao. Nalipat lang naman ako dito dahil sa mga grades ko noong Sophomore pa ko. Yung ibang matino sa klase na to, wala akong ideya kung bakit dito sila nailagay. Bakit kaya? Nacucurious tuloy ako, parang may something talaga sa First Section ih, noon pa man nung kalilipat ko pa lang ramdam na ramdam ko na yun. Ang tanging alam ko lang ay dito tinatapon ang lahat ng estudyante na sakit sa ulo, puro kalokohan ang alam at ang mga walang pakialam sa mundo. “Wala na ulit makakakontrol sa klase natin! Wooo!” Hindi pa rin natitigil ang sigawan at tawanan sa klase. Wala, wala na. Pakiramdam ko napapaligiran ako ng mga baliw. “Lintek na teacher yan! Ba’t ngayon lang namatay yan? Buti naman naisipan niyang patayin ang sarili niya!” sigaw ni Lorraine. Wag kayong ganyan. Gusto kong sumigaw, pagalitan at sumbatan sila pero alam kong walang makikinig sa akin. Baka nga walang lumabas na boses sa bibig ko. Nakakatakot sila kapag nagalit. “Magsaya tayo sa pagkamatay ng teacher na yan! Mamaya ah! Buong klase!” Sigaw muli ni Rain na kinatuwa naman ng mga kaklase namin. “WOOOOO! MAGSAYAAA!” sabay sabay nilang sigaw at tsaka nagpatuloy sa pagsabi ng mga masasakit na salita patungkol kay Teacher Cheryl. Bakit ganito sila? Dati naman napakabait nila na akala mo mga tuta kapag kaharap si Teacher Cheryl. “Maganda lang kasi yung na teacher na yon eh. Malaki pa yung boobs. Pansin nyo ba? Ang sarap titigan eh.” At pagkatapos ay nagtawanan muli sila. “Pa-inonsente lang naman ang teacher na yon eh! Plastik!” pati ang mga babae nakikisigaw na rin. Anong nanyayari? Bakit ganito sila? Hindi naman sila ganyan dati. “Yeah.. I know right. She’s a b***h. Tinatago lang niya ang baho niya pero hindi siya marunong magtago nang mabuti. Ayan tuloy, naamoy siya. Besides, napaka-annoying na Teacher Cheryl na yan. Kung maka-asta akala mo nanay natin. Akala mo kung sinong anghel.” Sabi ni Amanda, ang nagre-reyna-reynahan sa buong klase. Kulang na lang ay tawagin naming siyang Queen Amanda. Maganda kasi, mayaman, nasa kanya na ang lahat. “Anghel na ni-reject sa langit!” Nangibabaw muli ang tawanan. Tama na please. Tinakpan ko na ang mga tainga ko ngunit kahit anong gawin ko boses pa rin nila ang nangingibabaw sa pandinig ko. Ang mga masasakit at masasamang salita. Bakit ngayon lang nila sinabi ang mga ito? Hindi ko alam na ganito pala talaga ang mga naiisip nila. Pakiramdam ko, hindi ako kabilang sa klase na ‘to. Habang nagkakagulo ang iba, lumapit sa akin si Cyne. “Kai..sumama ka sa akin.” “Bakit?” tanong ko sa kanya. “May kailangan akong sabihin sayo.” “Tungkol saan?” “Tungkol sa .pagkamatay ni Teacher Cheryl .” Sabi niya habang may kakaibang ngiti sa kanya mga labi, ngiti na nakapagpatayo ng mga balahibo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD