~*~
Kai’s POV
Sumunod ako kay Cyne papunta sa kung saan man niya gustong makipag-usap. Ano ba ang mga nalalaman niya tungkol sa pagkamatay ni Teacher Cheryl ? Tumigil kami sa C.R ng girls sa may first floor. Hindi ko alam na malayo na pala ang nilakad namin. Masyadong binabagabag ang utak ko tungkol sa mga sasabihin niya.
“Ano na ang sasabihin mo Cyne?” sabi ko nang napansin ko na patingin-tingin lang siya sa paligid na para bang nag-aalala kung may makakita o makarinig sa pinaguusapan namin.
“Anong nalalaman mo Cyne?” nagtanong muli ako.
“Walang nanyaring pagpapakamatay. Hindi nagpakamatay si Teacher Cheryl.”
“Ngunit yun ang sabi ng mga pulis..”
“Seryoso? Naniniwala ka sa mga yon? Wala namang kwenta yang mga pulis na yan eh.” Sabi niya na may nakakakilabot na ngiti sa mga labi. Ang ngiti na di ko malaman kung dapat ko bang pagkatiwalaan o hindi.
“Sino siya? Sabihin mo sa akin!”
“T-Tatlo sila, galing sa klase natin.” Tugon niya habang palingon lingon sa paligid kagaya ng kanina para bang may nanonood sa amin. Pansin ko na nanginginig din siya na akala mo’y isang kuneho na binabantayan ng isang mabangis na oso.
“Bakit naman may papatay kay Teacher Cheryl ? At galing pa talaga sa klase natin? Mabait siya sa atin, mabuti siyang guro. Maari ngang hindi siya gusto ng karamihan sa klase pero hindi naman siguro darating sa punto na may papatay sa kanya. Totoo ba yang mga sinasabi mo Cyne?”
Hindi ko nga matanggap ang pagkamatay ni Teacher Cheryl lalo pa ba ngayon na sa mga sinasabi ni Cyne?
Maniniwala ba ko sa kanya? “Hahahahahahahaha!!” Tumawa lang nang tumawa si Cyne na parang baliw.
“Iyon ba ang pagkakakilala mo sa teacher na yon? Nakakaawa ka naman Kai. Isa ka pala sa mga naloko niya, sa mga ginago niya!”
Biglang nag-iba ang asal ni Cyne. Kung nakakatakot na siya kanina, sobrang nakakatakot na siya ngayon. Napakatapang ng aura niya, nandoon pa rin ang nakakakilabot niyang ngiti pati rin ang mga mata niya na mas matalim pa sa kutsilyo.
“Mabuti si Teacher Cheryl ! At iyon ang paniniwala ko. Iyon ang nakikita ko. Hindi ako maniniwala sayo!” pagtatanggol ko sa namayapa naming adviser.
“Lahat ng tao may sikreto, sa tingin mo si Teacher Cheryl , wala? Hindi mo siya kilala. Hindi mo pa nakikita ang totoong Teacher Cheryl . Kasi ako, nakita ko na siya, kasama ng sikreto niya.” Sabi pa niya habang hinahawakan ang bawat hibla ng buhok ko.
Muli niya akong tinignan gamit ang mga matatalim niyang mga mata. Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya. Nang dahil sa takot, tinulak ko siya palayo. Parang hindi siya si Cyne na kilala ko ang kaharap ko ngayon. Parang ibang tao ang nasa harapan ko. Mula nung nanyari iyon, nagbago na talaga siya.
Binigyan niya ako ng isang bugtong na di ko masagot-sagot. Maraming katanungan ang nabubuo sa utak ko at ni isang kasagutan ay wala akong nakuha. Kilala ko ba talaga si Teacher Cheryl ? Bulag nga ba talaga ako sa katotohanan?
“Gusto mo bang malaman kung sino ang tatlong iyon?” Muli ay napatingin ako kay Angie. “Di ko maaring sabihin ang mga pangalan nila. Pero may pare-pareho silang tattoo. Kung saan ay hindi ko alam. Tatlong maliit at itim na kalapati.” Sabi niya.
Kalapati?
Naalala ko bigla ang panyo sa may apartment ni Teacher Cheryl . Yung panyo na yon, pati din ang mukha ni Teacher Cheryl nang nakita niya ako, yung pakiramdam ko na hindi ako nag-iisa sa sala ng apartment ni Teacher Cheryl .
Sinabi ni Cyne na tatlo sa mga kaklase namin ang gumawa nun kay teacher. Sino-sino sila? Parang dugtong dugtong ang nanyari. Ang pagdalaw ko ang pagkamatay ni Teacher Cheryl pati na rin ang reaksyon ng mga kaklase namin.
~*~
Cyne’s POV
Mabuti ng malaman ni Kai ang ibang detalye para mabawasan ang pagka-ignorante niya sa klase at para na rin makagawa ako ng mabuti bago man lang ako mamatay dahil alam kong ilang oras na lang ang natitira ko sa mundo. Ilang oras na lang, huhusgahan na ako ni Kamatayan. Handa na ako. Handa na kong mamatay.
“Totoo ba talaga yang mga sinabi mo?”
Nakakaawa talaga tong Kai na to. Napakatanga. Pilit na ngang sinusubo sa kanya ang katotohanan, pilit din niyang niluluwa. Napakagaling namang umarte ng Yuki na yon? Pwes, totoo ang mga pinagsasabi ko at wala akong dinoktor doon.
“Kung ayaw mong maniwala, edi wag. Tandaan mo, kung bibigyan mo sila ng pagkakataon sila na mismo ang lalapit sa’yo.” Muling pagbabanta ko. Sayang at hindi ko masasaksihan ang lahat. Ang paghihiganti dahil sa mga oras na iyon ay tiyak na malamig na bangkay na lang ako.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
1 message received.
Binuksan ko ang bagong message at kinabahan ako pagkakita na pagkakita ko pa lamang ng sender.
Sender: Lorraine.
Message: Cyne pumunta ka sa Room. 101-A. Kailangan na nating mag-usap. Maayos pa natin ‘to, tapusin na natin ‘to. Hihintayin kita.
Tama siya, kailangan na naming mag-usap. Kailangan ng matapos ang lahat bago man lang ako malagutan ng hininga dahil kung hindi, habang buhay kong dadalhin sa hukay ang kasalanan ko sa kanya.
“Aalis na ko” sabi ko.
“Teka lang!”
Lumingon lang ako sa kanya.
“Sabihin mo sa akin ang lahat.”
Napangisi ako dahil sa inis. Masyado siyang sinusuwerte. Hindi niya maaring malaman ang lahat lahat. Dahil kung sasabihin ko, maaring sa oras na ito, papatayin din siya. Kahit sa mismong kinatatayuan niya ngayon din.
“Kung ano man ang mga sinabi ko sayo hanggang doon lang ang kaya ko.”
Aalis na dapat ako nang lumingon muli ako sa kanya.
“Huwag na huwag mong ibibigay ang buong pagtitiwala mo sa kanila dahil hindi mo alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa hindi dapat pagkatiwalaan. Maaring saksakin ka sa likod ng mga yan kapag di ka nag-ingat hindi mo sila kilala.”
Sumobra ata ang pagkamabait ko ngayon. Mukhang nabawasan ang haba ng sungay ko.
“Kahit sa’yo?” muling tanong ni Kai. Napangiti ako sa tanong niya iyan ang mga gusto ko.
“Kahit sa akin.” Tugon ko habang papalayo sa kanya.
Iniwan ko si Kai doon na mas naguluhan. Alam kong hahanapin niya kung sino ang tatlong iyon, alam ko. Dadalak na ang dugo. Humanda ka Kai, malapit ka nang mabura sa mundong ito. Hayaan mo munang makipaglaro ka kay kamatayan.
~*~
Narinig ko ang ingay ng mga nakakairitang teachers nang dumaan ako sa Faculty room. Mga teachers na walang alam kundi mag-chismisan tungkol sa mga estudyante. Wala naman silang pake sa amin ih, pera lang naman ang dahilan kung bakit sila nandito.
Pare-pareho lang sila, mga mukhang pera. Humakbang ako papunta sa loob ng Room 101-A. Bakit ang dilim? Pundido ba ang ilaw? At nasan na si Lorraine?
“Lorraine?! Andito na ako.” Lumapit pa ako dahil may napansin akong gumalaw na anino doon sa may bandang gilid.
“Lorraine ikaw ba yan? Magpaki----” bago ko pa matapos ang mga sasabihin ko ay may nagtakip na ng bibig ko at agad kong naramdaman na may biglang pumukpok sa ulo ko.
Dugo.
Puro dugo.
Bago ako nawalan ng malay ay nakita kong bumagsak ang isang baseball bat na tiyak kong ginamit para paluin ako sa ulo.
Lorraine..Ikaw ba yan?
~*~
Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko ay nakita ko ang sarili ko na nasa isang abandunadong gusali. Nilibot ng mga mata ko ang paligid pero wala akong nakita ni isang tao. Puro huni lang ng ibon ang naririnig ko.
Nasan na ako? Mahigpit na nakatali ang isang tela sa pagitan ng bibig ko at naka-tape naman ang mga kamay at paa ko dito sa kinauupuan ko.
Pinilit akong sumigaw, magwala ngunit alam ko naman na walang manyayari, mapapagod lang ako. Ito na ba? Malapit na ba akong mamatay? Papatayin na ba nila ako?
“Kamusta ang tulog mo daldalita?” narinig ko ang boses niya sa may likuran ko… nakakatakot. Hindi ko alam na ganito pala ang takot na madarama ko kapag alam kong malapit na talaga ang katapusan ko. Hindi ko akalain.
Pumunta sila sa harapan ko. Tinanggal ng isa sa kanila na nasa likuran ko ang tela sa bibig ko. Tinignan nila ako na para bang nandidiri sila sa akin. Kinasusuklaman nila ako ngayon dahil isa akong traydor. Unti unti nang kakalat ang mga sikreto nang dahil sa akin.
“S-Sorry..” ang tangi kong nasabi. Ewan ko ba kung bakit kapag sila ang kaharap ko biglang umuurong ang buntot ko pati na rin ang mga sungay ko kumbaga, naduduwag ako, natatakot sa kanila.
“SORRY?! SORRY IS NOT ENOUGH b***h!!” Dumukot siya ng baril at tinutok sa akin. Sige, patayin nyo na ko. Walang kwenta ang buhay ko, patayin nyo na ko! Ngunit nagulat ako nang kinuha ng isa nilang kasama ang baril at ibinato ito..
“Huwag kang magmadali darating din tayo diyan.” Sabi niya sa kanyang kasama. “Alam mo ba ang ginawa mo ha?” Muli siyang tumingin sa akin habang nandidilat ang mga mata niya. Napayuko na lang ako.
“Pinahamak mo kami! Ganyan ba ang igaganti mo pagkatapos ka naming tulungan? Ha?!” sigaw niya sa akin habang nanlalaki pa rin ang mga mata niya.
“Gusto mo bang ilabas namin ang sikreto mo?!” sabi pa ng isa sa kanila. Tumingala muli ako sa kanila at ramdam ko na umiiyak na ako. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa mukha ko na kahit ako mismo ay hindi ko na mapigilan.
“Anong iniiyak-iyak mo diyan? SUMAGOT KA!!!”
“H-H-Hindi po… please. Patayin nyo na lang ako! TAPUSIN NYO NA ANG BUHAY KO! PARANG AWA NYO NA!” sigaw ko sa kanila.
Ngumisi lang sila sa akin habang pinapanood akong humagulgol dahil sa desperasyon. Nakakapagod ng huminga. Nakakapagod mabuhay. Ayoko ng mabuhay dito sa mundong wala namang pake sa akin.
Mundo na puro masasamang tao ang nagpapatakbo. Lumapit sa akin ang isa nilang kasama na isang tingin mo palang ay masasabi mong pinakanakakatakot sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siya, sa kaba… sa takot.. at sa gulat. Hindi ko alam na kabilang pala siya sa kanila.
“Masyado ka nang maraming nalalaman” Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko at alam kong may hawak siyang kutsilyo sa kaliwa niyang kamay.
Punong puno ng galit ang mga mata niya na para bang gusto niyang durugin ang ulo ko sa sandaling ito.
Maari niyang gawin yon. Dahil ang taong kaharap ko ngayon ay walang kinatatakutan, walang awa. Gustong gusto niya ng dugo. Gusto niya na may nagmamakaawa at nasasaktan siya dahil galit siya sa lahat, galit siya sa mundo na minsan ay tinalikuran na siya at muli iyong nanyari kaya maghihiganti siya.
“…..kailangan mo nang manahimik.”
Napapikit na lang ako.