Chapter 3: Call

2173 Words
~*~ Kai’s POV Hindi na muling bumalik si Cyne pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon. Papasok kaya siya ngayon? Kailangan kong malaman lahat para malinawan na ako lalo na doon sa sinasabi niyang sikreto ni Teacher Cheryl. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya at mayroon ding parte sa akin na para bang gustong paniwalaan ang mga iyon. Ngunit mas mahirap kung maniniwala ako. Ang hirap isipin na ang isa sa mga taong tinitingala mo ay—- “Good Morning!” napalingon ako kay Alpha na nasa likod ko lang pala .Hindi ko siya napansin agad dahil sa lalim ng iniisip ko. Ngumiti ako at tumugon sa bati niya. “Good Morning. Kamusta na ang baseball practice mo kahapon?” tanong ko sa kanya. Nasalubong ko kasi siya pagkatapos ng pag-uusap namin ni Cyne. Nagmamadali siya at dala niya ang kanyang baseball bat. May practice daw sila. “A-Ah y-yung kahapon ba? M-Maayos naman! Magaling ako syempre.” “Tara pasok na tayo baka nagsisimula na ang klase.” Sabi ko naman sa kanya. Tumango naman siya sa akin at ngumiti bago namin tuluyang tahakin ang daan papunta sa classroom. Pagkapasok namin sa classroom ay nadatnan namin na nasa harap ang buong klase at tinigtignan ang black board na akala mo’y may pagsusulit na nakadikit doon. Lumapit kami at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Yung buong black board puro litrato. Mga litrato ni Cyne na nakatali siya sa upuan, puro dugo ang damit niya, nakapikit at namumutla. Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Sinong walang awa ang may gawa nito? “Anong nanyayari?” Tanong ni Alpha sa lahat. Lumingon lang si Reign na tila gulong gulo at nanlalaki din ang mga mata dahil tulad ko, hindi rin siguro siya makapaniwala sa nasa harapan niya. “Hindi ito pwedeng makalabas sa klase! Tanggalin natin ang mga pictures na yan! Kung sino man ang nangti-trip diyan! Tigilan nyo na! It’s not funny anymore!” sigaw ni Reign sa buong klase. Sa tingin niya biro lang ito? Biglang may nag-ring na phone. Hindi masyadong marinig ngunit alam namin na may tumutunog na cellphone. Tinignan namin ang mga cellphones namin pero wala namang galing doon. Nang biglang tumahimik, napansin namin na galing ang tunog sa drawer ng teacher’s table. Binuksan agad ni Alpha ang drawer at bigla siyang napahakbang palayo sa teacher’s table. Isang kakaibang tunog ang narinig namin mula sa cellphone nakakakilabot. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko kasabay ng paglunok ko ng laway ng ilang beses dahil sa kaba. Kakaibang kaba. Patuloy pa rin ito sa paggawa ng ingay at kahit isa sa amin ay walang lakas ng loob upang kuhanin ito at sagutin. “Uy, s-sagutin nyo na..” sabi ko sa buong klase. “Patigilin nyo na nga yan. Ang ingay!” Utos ni Amanda na nakapameywang ngunit halatang takot rin naman patuloy pa rin ang pagtunog ng cellphone. “AKO NA NGA! MGA DUWAG KAYO!” Sigaw ni Rain nang kuhanin niya ang phone at sinagot ito. Ilang segundo ang nakakaraan at binaba ni Rain ang phone sa mesa. “I-loud speaker ko d-daw eh.” Sabi niya habang nakatulala na para bang nakakita ng multo. Napaatras siya pagkatapos niya itong ilapag sa teacher’s table at natahimik. “Kamusta na kayo?” biglang nagsalita ang caller. Ramdam ko ang pagiging kabado ng lahat para kaming nakikipag-usap sa isang demonyo. Napakalalim at tila ba may kakaibang echo ang binibigay ng boses niya. “Si Cyne ayos lang dito.” May pang-aasar kaming narinig sa tono ng boses niya. “Pero hindi ko maipapangakong makakamusta pa niya kayo.” Patay na si Cyne? Iyon ang unang tanong na pumasok sa isipan ko. Muli akong napatingin sa mga litrato sa blackboard. Parang kahapon lang nakausap ko pa siya. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. Nakakalungkot at nakakakaba. Natatakot. Ilang minuto na ang nakakaraan at di pa rin siya umiimik. Tinignan ko ang buong klase kumpleto naman kami. Kung hindi sa amin nanggaling, s-sino ang tumatawag? “BOOO!” biglang sumigaw ang caller na naging dahilan ng pagsigaw ng ilan sa amin. Pagkatapos niya kaming gulatin ay tumawa siya nang tumawa at habang tumatagal… mas lumalakas… mas nagiging nakakatakot. “SINO KA?!” sigaw ni Amanda. “Ako? Kilala nyo ko hindi nyo ko kayang kalimutan.” “Anong ginawa mo kay Cyne?!” si Reign naman ang nagtanong. “Sino kaya ang isusunod ko?” hindi niya pinansin ang tanong ni Reign at nagpatuloy lang sa pagsasalita.. “Ano bang kailangan mo ha?” tanong ni Chantal. “Wala. Gusto ko lang maglaro.” “Wala kaming ginawang masama sayo!” “Wala nga ba talaga?” Ilang segundong katahimikan. Naguguluhan talaga ako. Kung wala sa amin… sino? Anong nanyayari? “Alam ko lahat ng sikreto nyo at gagawin kong sandata ang mga iyon laban sa inyo.” Pagpapatuloy ng caller. *tooot* *tooot* Pagkasabi na pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay naputol na ang tawag. Di ko alam kung makakatulog pa ako mamaya. Siguro hanggang kamatayan ko maalala ko pa rin ang boses na yon. Naghari ang katahimikan sa klase. Ni walang kayang magsalita dahil sa nanyari. “Lorraine?” Biglang sabi ni Maisie kaya napatingin ang lahat kay Lorraine. Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa ulo niya at nagsisisigaw na para bang isang baliw. “WALA AKONG KINALAMAN! SI CYNE! WALA AKONG KASALANAN! CYNE! WALA AKONG ALAM! PATAWARIN MO AKO!” At biglaan na lang siyang tumakbo palabas ng classroom na sumisigaw pa rin. Naalala ko tuloy ang mga sinabi sa akin ni Cyne noong isang linggo. Noong nakita ko siyang umiiyak sa c.r, nakaupo lang siya sa may dulo at may hawak na cutter. Nakatapat na ito sa may puslo niya at unti unti niyang sinusugatan ang sarili niya. Flashback.... “Cyne!!” sigaw ko habang papunta sa kinaupuan niya… kinuha ko ang cutter at inihagis ito palayo sa kanya. “K-Kai?” umiiyak pa rin siya na sambit niya. “Anong nanyari? Bakit- bakit ganito?” nakita ko na mga higit na pala sa isa ang sugat niya. Puro sa braso pati sa mga kamay niya buti na lang at di natuloy ang kanyang paglalaslas sa mismong pulso sa ilalim ng palad niya. “Gusto mo bang malaman ang sikreto ko?” Imbis na sagutin niya ng maayos ang tanong ko ay sinagot niya ito ng isa pang tanong. “Dadalhin na kita sa clinic!” Hindi ko pinansin ang kanyang tanong bagkus ay inabot ko ang kamay ko sa kanya upang makatayo siya ngunit tinitigan lang niya ito at muling nagsalita. “May karelasyon ako sa klase.” “C-Cyne?” tumingin siya sa akin na sobrang blanko ng mukha niya. Ayos lang ba siya? “Si Lorraine. Kadiri diba?” napayuko siya. “Hindi! Ano ka ba? Walang rason para magpakamatay dahil lang doon.” “Nag-away kami, isang malaking away. Galit na galit siya sa akin.” Nagsimula na siyang humagulgol at takpan ang kanyang mukha gamit ang dalawa niyang mga kamay. “Cyne sabihin mo sa akin! Tutulungan kita.” “Hindi na… huli na Kai. Nanyari na kung ano dapat manyari. Ayokong mandamay ng tao.” Tumingala na siya upang tumingin sa akin. Bakas pa rin sa mukha niya ang lubhang lungkot. Ngumiti siya ngunit alam kong hindi ito totoo. Tumayo siya na parang isang walang buhay na tao. Sinuot ang blazer niya at lumakad papalayo. Simula noon ay unti unti nang nag-iba ang ugali ni Cyne. End of flashback.... Tinanggal ni Reign lahat ng mga litrato ni Cyne. “Hindi pwedeng makalabas to sa klase natin… w-walang pwedeng magsalita tungkol sa nanyari.” Sabi ni Amanda habang nasa harapan namin. “Isang sikreto ito ng klase.” Dagdag pa niya. Isang bagong sikreto na naman isang bagong sandata laban sa amin. Tahimik pa rin ang lahat. Tinago ni Reign ang lahat ng pictures sa locker niya sa dulo ng classroom. Dumating na ang substitute teacher namin para sa Chemistry. Dahil sa wala pang nakukuhang bagong adviser para sa section namin. Chemistry at Biology teacher kasi si Teacher Cheryl . Napabuntong hininga ako habang iniisip ang lahat na nanyari. Lahat na nangyayari at lahat na possibleng manyari. “Bumalik na kayo sa mga upuan ninyo.” Pamungad ng dumating na teacher sa amin habang nilalapag niya ang mga gamit niya sa teacher’s table. Umupo kaming lahat wala pa ring umiimik. “Anong himala ang nanyari? Aba, tahimik nyo ngayon ah?” Kung alam nyo lang ang nanyari.. “Siguro next week darating na ang bago niyong adviser. Sana naman ay sumunod kayo sa kanya katulad ng pagsunod nyo kay Teacher Cheryl ah?” sabi pa niya. Bagong adviser? Bakit may kakaiba akong nararamdaman na hindi magandang ideya yan? ~*~ “San ka pupunta Kai?” tanong sa akin ng best friend kong si Alpha habang nagmamadali ako sa paglabas sa classroom namin ngayong nagkaroon kami ng mahabang free time. “Mag-iimbestiga.” Sagot ko naman nang hindi ko man lang naisip ang sinagot ko. Pakiramdam ko wala akong sa katinuan ngayon, masyadong nakakagulat ang lahat ng naririnig ko. Gusto ko alamin.. “Ha?” Pero imbis na sumagot pa ako ay tumakbo na ko palayo. Dapat walang masayang na oras. Gusto kong malaman ang lahat kung ayaw man nilang sabihin sa akin ni Cyne, ako na mismo ang maghahanap. Ako ang lalapit sa kanila. Narinig kong muli akong tinawag ni Alpha pero di ko pinansin iyon. Hahanapin ko kung saan nagpunta si Cyne pagkatapos naming mag-usap kahapon. May natanggap siyang text message. Nakita kong pumunta siya sa mas nakakaangat na palapag. Ang dami ko nang pinagtanungan pero ang sabi nila hindi daw nila nakita si Cyne ng araw na yon. Susuko na sana ako ng nasalubong ko si Mrs. Espiritu. “Ma’am.” Tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin habang yakap yakap niya ang hawak niyang libro at ilang pirasong kwaderno. Ngumiti siya sa akin at tumugon. “Oh bakit Kai?” “Kailan nyo huling nakita si Cyne?” “Cyne Alcantara? Yung kaklase mo?” “Opo Ma’am.” “Nakita ko siya kahapon na pumasok sa Room 101-A hinabol ko nga siya kasi napadaan siya sa Faculty room. May ipapabigay sana ako sa klase ninyo pero mukhang may gagawin siyang mahalaga kaya nagmamadali. Kaya hindi ko na siya sinundan pa.” “Ah ganun po ba? Sige po. Salamat!” Dumiretso ako sa sinabing room ni Mrs. Epiritu. Isang abandonadong room? Kailan pa ba nagamit to? Mukhang ilang taon na ang nakakalipas nang may nakaapak na tao dito. Puro alikabok. Sinarado ko ang pinto at baka may makakita sa akin. Pagtingin ko sa paligid ko ay nakita kong pinapaligiran ako ng iba’t-ibang bote na naglalaman ng mga hayop na maaring ginamit ng mga estudyante. Mayroong mga palaka, daga, ahas at ang iba naman ay laman loob ng iba’t-ibang hayop. Napakadilim sa lugar na ito.Sinubukan kong buksan ang ilaw pero ilang segundo lang ang nagdaan ay patay sindi na ito. Di bale, ayos lang naman. Kahit papano may nakikita na ko. Habang nililibot ko ang paligid ay may natapakan ako na malagkit saka ko nakita ang mga bakas ng sapatos na may dugo sa paligid at ngayon ko lang din napansin na ang kinatatayuan ko ngayon ay puro dugo. Nanlalaki ang mga mata kong habang tinitignan muli ang buong paligid. Patay sindi pa rin ang ilaw at mas nakakadagdag ito sa kabang nadarama at takot na kanina ko pang pilit na labanan. Bahagya akong umupo ako upang matignan nang mabuti ang sahig at may napansin ako na umiilaw doon sa ilalim ng isang cabinet. Pinilit kong kuhanin ito sa kadahilanang pwede itong makatulong sa akin. Pilit kong abutin ito hanggang sa magtagumpay ako, isang cellphone? Binuksan ko ang cellphone at saka ko nakita ang mukha ni Cyne na wallpaper ng phone. Ibig sabihin kay Cyne itong phone? Noong sigurado na ako na kay Cyne nga itong phone ay saka ko naman binuksan ang inbox. Tinignan ko ang pinakahuling text message na natanggap niya… at nagulat ako sa nakita ko… si Lorraine? Sender: Lorraine. Message: Cyne pumunta ka sa Room. 101-A. Kailangan na nating mag-usap.Maayos pa natin ‘to, tapusin na natin. Hihintayin kita. Hindi kaya pupwedeng? Si Lorraine? Dahan dahan akong tumayo upang hanapin si Lorraine nang bigla akong may nasipa. Rinig na rinig ko ang paggulong nito sa di kalayuan. Isang baseball bat na puro dugo…. Teka… alam ko kung kanino itobaseball bat ni Alpha to ah? Pinulot ko ang baseball bat. Tila ba mag-isang bumubuo ng istorya ang imahinasyon ko nang pagkahawak na pagkahawak ko pa lamang ng baseball bat na ito. Bigla ring bumalik sa memorya ko ang sinabi ni Alpha. “May baseball practice kasi kami e.” Nagmamadali siya na para bang may humahabol sa kanya. Pero hindi pupwede hindi magagawa ni Alpha iyon. Kilala ko si Alpha. Ngunit kung si Lorraine nga ang may gawa nun kay Cyne. Anong ginagawa ng baseball bat ni Alpha dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD