3:05 -- yan ang eksaktong oras nung nakarating sila sa coffee company na nakagawian na niyang tambayan. Nasanay na siya sa lugar at dito na niya nakahiligang gumawa ng mga paper works kadalasan.
"Bakit dito palagi Jack?" pagdadabog na angal na rinig niya mula sa kaibigan habang sumusunod lamang sa kanya. Itinuon niya ang pansin sa mga bakanteng upuan. And as usual pinili niya yung isang sulok. Mabuti na lang at walang nakauna sa paboritong pwesto niya.
"Tell me Jack, magkakape lang ba tayo? Bakit dito na lang palagi? Marami namang shops dito sa downtown ha?" She just give Celine a smile and shrugged her shoulders afterwards.
Kahit siya mismo ay di mawari kung alin ba ang dahilan ng pagpunta niya dito kadalasan.
"Kung magkape ka na lang kaya sa bahay niyo?" Napailing si Jack kasabay ng pag-order niya ng dalawang Capuccino sa Service Crew.
Hindi niya man maamin sa sarili ay isa si Trevor sa mga dahilan niya kung kaya't mas minabuti niyang umalis na muna sila. Sadyang naiinis lang siya sa presensiya nito.
Maya-maya pa ay nakahain na sa kanilang harapan ang kapeng onorder. Kitang-kita naman niya ang walang ganang itsura sa kaibigan niyang si Celine.
Hindi na lamang niya pinansin ang pagsimangot ng kaibigan dahil alam niyang babalik rin yan sa dating sigla kalaunan.
Walang ginawa si Celine sa kanyang kape kundi ay tiningnan na lamang. Pinagmasdan niya na lang rin ng maigi ang bawat galaw ng kababata.
Wala talaga siyang mapupuna kay Jack. Nasa kanya na yata ang lahat ng hinahanap ng isang tao. She even wonder what would it feels to be in her shoes. Pinong-pino ito kung kumilos, mabini talaga siyang tingnan at walang makikitang mali.
"How could such a lady be perfect?" Iyon ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan niya habang tinitingnan si Jack na abala lamang sa malalim nitong pag-iisip.
Gusto nga niyang tanungin ito kung may nagawa na ba itong pagkakamali sa tanang buhay. Nakakacurious ang isang Jack Olivares.
"Jack." tumigil ito sa paglagok ng kanyang kape nung kanyang tinawag. Nilagay muna sa mesa ang tasa at saka na itinaas ang kilay.
"What?" napakainosente at sadyang natural siya.
"May nagawa ka na bang mali?" Nakita niya ang dahan-dahan na pagkunot ng noo ni Jack. Tila naguguluhan sa biglaang tanong niya. Sino ba namang hindi maguguluhan sa napakaweirdong tanong na iyon?
"Mali? Kanino?" Clueless. Iyon ang nakasulat sa mga mata ni Jack. Iyon ang nababasa niya. Wala nga siguro itong nagawang kasalanan.
Ngumiti na lamang siya sa kanyang kaibigan.
"Wala Jack. Ang slow mo." saad pa niya rito saka siya pinakitaan nito ng ngiti at pag-iling.
"Ang weird mo Celine." tugon pa nito saka bumalik sa kapeng iniinom kanina.
Napasandal na lamang si Celine sa silyang kanyang inuupuan pero hindi maiwasan ang pagtigtig nito sa kaibigan.
Celine knows there is something wrong with Jack's action and all. Hindi niya lang talaga mawari. Ewan ba niya at naguguluhan na siya sa mga iniisip tungkol sa dalaga.
Saka niya lamang naalala si Trevor. Ang swerte ni Jack dahil Kuya niya yung napakagwapong nilalang na yun.
The way Trevor look at her is a way different. Maybe because he hates her. Siya na lamang ang naaawa sa kaibigan dahil palagi nitong binabanggit sa kanya na gusto niyang magkaroon ng kuya ng katulad sa mga kuya niya.
Jack would even share to her even when the were still kids how she felt about Trevor being her brother.
"Celine, masaya ba pag may kuya?" Iyon ang naging unang tanong sa kanya ni Jack noong may pamilya na rin siya.
"Mabuti ka pa kasi may Kuya ka." napataas naman yung kilay niya noon.
"Bakit? May kuya ka rin naman diba?" pabalik na tanong niya sa kanya. Biglang lumukot ang mukha nito.
"Ayaw niya sakin. He hates me so much. Kinuha ko raw kasi ang mga bagay na meron sa kanya. Hindi niya ako matanggap, Celine." ala-alang paliwanag niya sa akin.
Jack longed to have a brother who is at least concern about her.
"Jack, hindi pa rin ba kayo okay ni Trevor?" hindi niya tuloy maiwasan ngayon magtanong.
Bigla siya nitong tiningnan at saka kumawala ng mapait na ngiti. Umiling ito saka balik na naman sa pag-inom ng kape.
"Hanggang ngayon ba tina-try mo pa rin na magkasundo kayo?" Narinig niya ang malakas na buntong hininga nito.
"I did tried my best to at least accept me as his sibling but it never work Celine. I tried to be patient and nice but that didn't change the fact that I won't be accepted as his family." Mahabang paliwanag ng dalaga sa kanya habang nilalaro yung daliri nito.
"But now I hate him. Hindi ko alam kung bakit Celine. Naiinis ako sa presensiya niya o kahit sa pagmumukha niya." Nakikita nga niya ang pagkalito nito sa mga mata.
"Are you still ready to do everything just for him to accept you?" Tanong ko ulit sa kanya. Walang pag-alinlangan ay tumango naman siya.
"Of course. Gusto ko pa ring matanggap niya bilang kapatid. Sinong hindi? Napakahirap kaya nung nasa iisang bubong lang kayo tapos di kayo okay." Dagdag ni Jack na sagot.
Hindi nakalagpas sa mata niya ang pagkagat labi ni Jack. She does it every time she is frustrated.
"Itaga mo pa sa bato Celine, kahit ano pa yung hilingin niyang gawin ko para matanggap ako ay papayag ako." rinig niya sa boses nito ang pagkadesperada. Ngayon niya lang talaga nakita si Jack na ganyan.
Bigla na lamang silang naputol sa seryosong usapan nung tumunog ang cellphone ni Jack. Agad rin naman itong nag-signal na saglit lang.
"Hello? Briel?" Sagot pa nito sa kabilang linya. She frowned.
"What? The softcopy? Meron ka?" Nahahalata na ni Celine na may problema nga ito ngayon. Kitang-kita niya ang pagiging problemado ng mukha nito.
"Pati yon? Nawala rin? Papaano?" Napasapo na lamang sa noo si Jack habang pinapakinggan ang kanilang Student Council Auditor.
Nanatiling ipinikit niya ang mga mata para makapag-isip.
"I'm sure nilagay ko lang diyan sa mesa ang proposal para sa event next week. Even the softcopy ay nasa safety drawer natin sa office ng Student Council." Hinintay niya ang good news. Hiniling niya na sana hindi nga iyon nawala.
"Wala talaga?" Kinagat na niya ngayon ang labi at nakapagdesisyon.
"Fine. I will go there, wait for me Briel." saad niya sa kabilang linya. Agad rin namang naputol iyon nung nakapagpaalam na siya at si Briel sa isa't isa.
Binaling niya ang atensyon kay Celine.
"Celine, I really need to go. Sorry talaga." tumango na lamang si Celine.
"I will hurriedly go to our school Celine. You can go with me." nagmamadali saad ni Jack sa kaibigan. Umiiling na ngumiti si Celine sa kanya.
"No thanks, uuwi na rin ako saka mukhang emergency talaga yang pupuntahan mo doon." Mabilis pa sa alas kwatro ang kanyang paliwanag sa kababata kaya may iilan itong hindi naintindihan.
Pinaglapas niya na lamang ito dahil mukhang nagmamadali na talaga si Jack. Nauna nang umalis ang kaibigan sakay ang isang taxi.
Hindi alam ni Jack ngayon kung ano ang unang iisipin. She hates problem pero binigyan na naman siya ng kung sino man yung ayaw sa kanyang proposal. Wala siyang maisip na pwedeng magsabotahe sa napagplanohan nilang Fun Fair next week.
The event still needs a proposal which is natapos na niya sana pero nawala na lang daw sa office nila bigla. Maging yung softcopy ay sinadya ring kunin.
The proposal needs to be submitted this day. Ito na lang ang natatanging araw upang maabutan nila si Ginang Escheval na siyang pipirma para masimulan at maisakatuparan na ito. Aalia kasi si Ginang Escheval bukas at paniguradong wala ito sa susunod na linggo.
Iisa lang ang sigurado siya ngayon, there is someone behind all this who wants to watch her failing. And she doesn't want it to happen. No way! Never!
Hindi siya sanay sa failure. Ayaw niya ng ganun kaya gagawa na lang siya ulit ngayon. With her brains and ideas, she knows she can do it. She won't fail.
Pagkarating niya pa lang doon ay sinalubong na siya ni Briel. Iyon yung lalaking tumawag sa kanya, ang Student Council Auditor na siyang magpapapirma sana sa mga papeles na yun.
Hindi na sila pa nag-usap pa ng matagal at pinili na lamang niyang harapin ang computer at simulan ang pagtatype.
Sana lang ay matapos niya ito ng maaga...
Bumuntong hininga siya at napangiti. Sa wakas ay makakahinga na siya ng maluwag. Nanabik siyang hinihintay ang output niya habang pinoproseso na ng printer.
Agad siyang napasulyap sa orasan. It is already 5:30 p.m. Labis niyang ipinagpapasalamat ay natapis niya ito ng walang higit isang oras.
"Jack, I am really sorry. Basta ang alam ko lang wala talaga dito yung tinutukoy mo." nasa likuran na niya ang nagmamay-ar ng boses na yun. It is Briel.
"I was busy today kaya naisipan kong ngayong hapon na lang ito papipirmahan kay Ginang Eschival." Paliwanag naman nito sa kanya.
Tiningnan niya ito saka binigyan ng matamis na ngiti.
"No worries. Ang importante ay nakagawa ulit ng bago. Huwag ka nang mamroblema diyan Briel. Nandito pa naman si Ginang Eschival diba?" pagche-cheer up niya pa sa kaklase.
"Nandun pa naman siya Jack. Ako na bahala nito. Mauna na rin pala ako dahil hinahanap na ako sa bahay. Ibibigay ko na lang 'to kay Ginang Eschival." saad pa ng binata saka kinuha ang proposal na ngayon ay nakalagay sa folder.
Nakangiting tumango na lamang si Jack habang pinagmamasdan ang papalayong pigura ng kaklase. Siya na lang ang naiwang mag-isa sa kanilang office.
Uuwi na rin siya dahil baka ay hinahanap na rin siya sa kanila. Labis na nanlaki niya ang kanyang mga mata sa naalalang sinabi ni Trevor kanina bago umalis.
Pinagbigyan lamang siya ng twenty minutes pero heto ngayon at hindi pa rin siya umuuwi.
Naisipan niyang kapain ang cellphone sa bulsa subalit ay wala ito doon.
Unfortunately the door cracked open. Walang iba kundi si Trevor na magkadikit na ang dalawang kilay.
"I look for you and you are just here meeting with a guy?" Hindi pa siya nakakasimulang magpaliwanag subalit ay nahila na siya ng pwersado ng lalaki. Nagpumiglas siya sa pagkakaladkad niya patungo sa kotse.
"Ano ba!" Hindi na siya nakatiis, pikon siyang napasigaw. She was not that kind of woman pero sa palagay niya ay sumosobra na rin si Trevor. He should have listen to me first. Iyon ang ikinapuputok ng kanyang kalooban.
Kahit anong gawa niyang pagpupumiglas ay tula hindi pa rin siya pinapakawalan mula sa masakit na pagkakahawak.
"Nasasaktan na ako Trevor. Let go of me. Sasama ako ng maayos. Nagkataon lang talaga na may emergency dito sa school and I forgot my phone. I forgot to call you. I'm sorry." Iyon ang paulit-ulit na paliwanag niya subalit hindi talaga siya nito pibapakinggan at patuloy lamang sa pagtahak papunta sa kulay pula nitong sasakyan.
Saktong pagbitaw naman sa kanya ni Trevor ay siyang paglapat naman ng kanyang palad sa mukha ng lalaki. Nabigla rin siya sa kanyang ginawa pero sa tingin niya ay siguro dala na rin ito ng labis na pagkainis niya.
She was about to say sorry but a part of her tells deep down not to for it just serves him right.
Nakita niya ang pagtiim bagang ng lalaki at dahan-dahan na paghawak nito sa pisngi na ngayon ay namumula na sa lutong ng sampal.
Her eyes widened nung mapansin niyang namamaga pala ang labi nito. Paniguradong hindi na iyon kagagawan ng kamay niya.
"What's that Trev?" Hindi niya maiwasang mag-alala pero iwinasiwas na ng lalaki ang kamay nito.
"Not your business. Just get in." Wala na siyang magawa kundi sundin si Trevor dahil pumasok na rin ito sa driver seat.
Ramdam niya ang guilty dahil sa natuklasan. His lips hurt and she knows whose wrath is that kind of thing.
Napalingon siya sa binata na ngayon ay pinaandar na ang kotse. She has now the chance to take a long stare at him. Wala itong imik.
Iisang tao lang ang nanakit sa lalaking katabi niya ngayon. It is their father. Ilang beses na rin niyang nasaksihan ng palihim na pinagbubuhatang ng kamay si Trevor sa tuwing gumagawa ito ng mali. Hindi pa siya napagalitan ng kanyang daddy dahil ni minsan ay wala pa siyang natatandaang nilabag niya ang kagustuhan nito.
Kahit hindi siya tanggap ng binata bilang kapatid ay naaawa pa rin siya sa kalagayan niya. Idagdag mo pang nasampal pa niya ito ng pagkalakas.
"I'm really sorry Trev. Tell me, si Dad na naman ba ang may gawa niyan? What did you do this time? Trev, alam mo namang ayaw ni Dad na di siya sinusunod." pangaral pa niya sa katabi.
"You should have changed." At kung ano-ano pang sinabi niya dito kahit di niya alam kung pinapakinggan ba siya nito o hindi.
"Trevor, I am sorry. I'm really sorry." Paghingi na naman niya ng paumanhin sa lalaki. Halos tumalbog na lamang ang puso niya ng bigla-bigla na lamang itong huminto sa pagmamaneho.
"Can you just please shut your mouth?! Ikaw na lang palagi kasi yung tama Jack. And I'm always the unwanted. Baka nakakalimutan mong ako ang tunay na anak." Hindi niya maiwasang masaktan sa naging litanya sa kanya ng binata. Hindi niya rin kasi ito masisisi kung bakit ayaw nito sa kanya.
"Ako na naman ang sinisisi ni Dad nung nadatnan nilang wala ka pa sa bahay. It's all bullsh*t having you in my life." Dagdag pa nito na naging dahilan upang hindi na niya maiwasan ang pagtulo sa kanyang mga luha.
"I'm sorry." Iyon lamang ang alam niyang sabihin sa mga naging saad ni Trevor.
"Ano pa ba ang gagawin ko para matanggap ako? Ano pa Trevor?" desperada niyang tanong dito.
No matter what it takes, desidido siyang humanap ng paraan para maging maayos ang lahat. Kahit ano pa yan, kakayanin niya.
All she wants is a sibling. Gusto niya lang magkaroon ng isang Kuya.