Introduction
Maiging pinagmasdan ni Jack ang mga batang naglalaro sa labas ng silid na kinaroroonan niya ngayon. Siya lang ang mag-isang nandito dahil lahat ng batang kanyang kasama sa bahay ampunan ay nasa labas. Panay ang paglalaro ng kahit ano ng mga ito. Pero kahit gaano pa man siya nasisiyahan sa kanyang mga nakikita ay mas iniisip niya ang tungkol sa pamilya.
Gusto niyang makaramdam na may mag-aaruga sa kanya. Yung may magmamahal sa kanya. Yung may matawag siyang mama at papa. Yung may kapatid siya na magiging kalaro niya. Yung lamang ang tanging hiling niya sa ngayon.
Sanggol pa lang siya ay iniwan na siya dito sabi sa kanya ng mga Sisters. Gustuhin man nilang hanapin ang tunay niyang pamilya ay hindi nila alam kung papaano magsimula sapagkat hindi nila kilala ang tunay nitong magulang. Kusa lang siyang iniwan sa harapan ng pinto ng bahay na ampunan na ito.
"Jack!" tawag sa kanya ng batang babae. "Jack!" ngayon ay nasa tabi na niya ito. Kinalabit siya nito kaya napatitig siya sa batang iyon. "Matutuwa ka talaga sa ibabalita nila Sister sayo!" nakangiting balita nito saka ito tumalon.
"Bakit naman Celine? Anong ibabalita ni Sister sa akin?" tanong niya rito. Ngumiti pa si Celine sa kanya. "May mag-aampon na sayo! May pamilya ka na Jack! Dapat maging masaya ka na." napatayo siya mula sa kanyang inuupuan dahil sa narinig.
Hindi niya maipaliwanag ang tuwa na kanyang nararamdaman ngayon. Ganito ba talaga ang dapat kong maramdaman? "Talaga Celine? May pamilya na ako?!" hindi niya makapaniwalang tanong. Halos maisigaw na niya ang bawat pagbikas ng salita.
Agad namang tumango ang batang babaeng nag-ngangalang Celine. "Ssshh... Huwag kang maingay ha? Huwag mong sabihing alam mo na... baka pagalitan ako kasi nakikinig ako sa usapan ng iba Jack."
Umiling siya. "Hindi. Hindi ko talaga sasabihin." promise pa niya kay Celine. Bitbit niya pa rin ang ngiti sa mga labi niya. Hindi na siya makapaghintay na makilala kung sino man ang aampon sa kanya. Ipinagdarasal na lamang niyang mabait ang mga yon. "Gusto mo silang makita?" walang pagdadalawang-isip ay tumango siya.
Tumakbo sila sa pasikot-sikot ng bahay ampunan. Malayo pa lang ay nakikita na nila ang bukas na pinto sa opisina ni Sister Ana. Dumungaw sila sa bintina at minabuting di sila makita nito.
"Yan!" tinuro ni Celine ang babae at ang lalaki na magkatabing nakaupo. Mapaghahalataang mayayaman ang mga ito base sa porma at ayos nito. Nasa early 40's ang mga ito. "Yan ang magiging pamilya mo." kumpirma pa ni Celine pero bulong lang iyon dahil baka ay marinig sila.
Lumapat naman ang tingin niya sa batang lalaking katapat ng mag-asawa. Hindi ito nakikinig sa pinag-uusapan at tila nakabaling lang ang atensyon sa hawak na gadget nito.
"Yan yung magiging Kuya mo. Yan ang tunay na anak ng mag-asawa." tumango-tango siya kay Celine pero labis na ang pagtataka niya kung bakit alam ata nito ang lahat.
"Bakit alam mo lahat?" di na niya maiwasang magtanong. Nagkamot lang ito ng ulo saka nagkibit-balikat. "Narinig ko lahat yun kanina. Basta, hali ka na. Baka maabutan pa tayo dito. Lagot na naman tayo."
Tumakbo na ulit sila pabalik sa silid na kinaroroonan nila kanina at doon ay umupo na lang muna. Naghihintay na lang silang pumunta ang mga iyon dito.
"Tamang tama po at nandito lang siya sa silid niya." narinig nila ang pag-uusap na iyon kaya dumungaw sila. Laking tuwa niyang nandito na nga sila.
"Jack, alis na muna ako. Maglalaro lang ha?" paalam ni Celine. Umuo na lang siya dahil nasa mag-asawa na ang kanyang atensyon. Kasama sila ngayon ni Sister Ada na papalapit sa direksyon niya. Tumingin si Sister Ada sa kanya at ngumiti.
"Jack! Hali ka dali!" pagkamay pa nito kaya dalian naman siyang lumapit. Ramdam niya ang tuwa. Ramdam niya ang excitement. "Sister Ada." saka siya nagmano at binati na rin ang mag-asawa maging ang batang lalaki.
"Heto si Jack Mr. and Mrs. Olivarez. Jack... heto na yung hinihiling mong pamilya mo. Diba yun yung pinagdarasal mo? Natupad na iha." Halata sa mukha niya ang labis na pagkatuwa.
"Hi Jack!" bati pa ng ginang sa kanya. "O siya, maiwan ko muna kayo at ipaghahanda ko lang ang mga gamit ni Jack."
Iniwan na sila ni Sister Ada. Kinausap siya ng mag-asawa sa kung ano-anong bagay. Nasisiyahan ang mga ito sa kanya. Wala kasi silang anak na babae at tanging si Evan lamang ang anak nilang lalaki. Matagal na nilang inasam ang biyayaan ng babaeng supling at ngayo'y nasa harapan na nga nila ang bata na iyon. "Five na po ako." sagot niya nung tanungin siya sa edad niya. "Halos magkaedad lang kayo ni Evan." tukoy pa ng ginoo sa anak nilang lalaki na panay pa rin ang paglalaro sa gadget.
Mayamaya pa ay nakita na nila si Sister Ada na may dalang mga gamit kasama ang iba pang sister at yung mga bata nasa bahay ampunan. Kabilang na dun si Celine.
"Jack, huwag mo kaming kalimutan ha?" ngumiti siya at tumango. "Hinding-hindi talaga Celine. Pangako yon." naiiyak siya na natutuwa. Naiiyak dahil iiwan na niya ang bahay na kinalakihan niya pero natutuwa dahil may pamilya na siya. "Dadalawin ko naman kayo dito. Paalam na sister Ada, Sister Clarisse, at Sister Wilma." naluluha siya pero pinipigilan niya ang emosyong iyon.
"Celine... Bibisitahin ko naman pa rin kayo." iyon ang mga huling katagang lumabas sa bibig niya bago siya sumakay sa sasakyan. Mula sa loob ng kotse ay sumulyap siya ulit at sa kapwa niya maglalaro.
Gusto ko lang maransang mahalin bilang anak. Gusto ko lang maramdaman na may papa at mama ako. Pangako bibisita ulit ako dito.
"Jack..." napatingin naman siya sa harapan niya. Umaandar na pala ang sinasakyan nila. "Jack lang ba yung pangalan mo?" tanong ng ginang. Tumango siya. Yun lang ang pangalan niya. Wala siyang apelyido. Wala siyang palayaw.
"From now on... You will be Havana Jack Olivarez. You are an Olivarez now iha."
Note: New Story ko po ito. Soon to be on w*****d. Matagal pa po ito. Makikilala niyo rin si Havana sa Indebted. And for the first time, I'll be using the third person P.O.V