Chapter 2

1546 Words
Cia's Point of View It's already Saturday, meaning birthday na ni Mark. Buti na lang din pinayagan ako ni mommy sa overnight sa resort ng family nila Mark. Kami lang din naman kasi ang mga inimbita niya. Ayaw kasi ni Mark ng maraming guest kaya basketball team at kami nina Jizel at Airene lang ang mga babae dito, and the rest puro lalaki na. "Happy Birthday Mark" bati naming lahat sa kanya noong makarating na siya sa resort nila. "Thank you guys" sabi niya saka kinuha ang isang bote ng alak at kinalog ito saka binuksan. Matapos namin siyang batiin, pumunta na kami sa food area at kumuha ng pagkain. Kaming tatlong babae ay nagsama-sama na lang dahil wala rin naman kamimg masyadong kilala sa basketball team. Nasa isang sulok lang kami malayo sa mga kalalakihan. Noong tapos na kaming kumain, nag-stay na lang muna kami sa table na kinainan namin dahil ang basketball team ay nasa pool. "Cia, buti naman pinayagan ka ni Tita" sabi ni Airene sa akin kaya naman napunta ang atensyon ko sa kanya. "Oo nga. Magpapaalam pa lang sana ako kay mommy noong isang araw pero inunahan na ako" sagot ko sa kaniya. "Pinagpaalam?" Tanong niya kaya naman tumango ako. "Nino?" Tanong niya pa. "Ni Airene daw" sagot ko naman. Matapos ko siyang sagutin, namutawing muli ang katahimikan kaya naman napatingin ako sa pool area. "s**t, bakit ang gwapo mo?" Sabi ng utak ko nang makitang umaahon si Aaron mula sa pool. "Ano ba Cia! Mali, mali" suway ko sa sarili ko saka ako tumingin sa ibang direksyon. Sa pagtingin ko sa ibang direksyon, nakita ko namang naglalakad palapit sa amin si Mark nang biglang may tinawag ito. Maya-maya ay lumapit sa kanya si Aaron. Dahil dito, napablik na lang ang tingin ko sa pool area. "Cia!" Tawag ni Jizel kaya naman napalingon ako sa kaniya. "May natitipuhan ka sa kanila?" Tanong niya. "A-ako?" Sabi ko kasabay ng pagturo ko sa sarili ko saka ako umiling. "W-wala" nauutal kong sagot. "Weh? Kanina pa kita nakikitang nakatingin sa kanila eh" sabi niya na nagpalaki ng mata ko. "H-hindi, gusto ko kasi maglublob" depensa ko sa kaniya. "Ok, sabi mo" sabi niya saka siya tumayo. "Babe" tawag niya kay Mark. "Yes, babe?" Tanong ni Mark. "Tayo mag spin the bottle" aya niya kaya naman napatingin ako sa gawi nila na isang maling desisyon dahil sa pagbaling ko. Nakatayo pala si Aaron sa tabi ko. Dahil don, natamaan ng siko ko ang tiyan niya. "S-sorry, sorry" sabi ko ngunit hindi siya nag-react. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o hindi. Nakakatakot kasi siyang magalit. Kaya naman hinayaan ko na lang at hindi na inisip pa dahil hindi rin naman siya nag-react. Umupo naman si Mark sa bakanteng upuan katabi ni Jizel, si Aaron naman ay sa tabi ni Airene. Nang maka-upo, inilagay ni Mark boteng dala-dala niya sa ibabaw ng lamesa. "Ok, ang rules ay kung sino ang matatapatan ng bawat point ng bottle ay gagawa ng dare" paliwanag ni Mark. "Bakit dalawa?" Tanong ko naman. "Hindi na kasi tayo mga high school para isa lang" sagot niya sa akin kaya naman tumango na lang ako. "For example, si Airene at Jizel ang natapatan ng dalawang end ng bote, ibig sabihin gagawa sila ng dare" paliwanag niya pa para mas maintindihan namin ang rules. "Ok ba?" Tanong niya sa amin kaya naman nag-thumbs up kaming lahat saka niya pina-ikot ang bote. Sa unang ikot ng bote, ang tinapatan ng dalawang dulo nito ay si Airene at Mark kaya naman napagdesisyunan naming painumin na lang sila ng beer. Matapos nilang uminom ay pina-ikot muli ang bote. Ang sunod naman na gagawa ng dare ay kami ni Airene. Pinag-gitara siya samantalang ako ay pinakanta nila. Kaya naisipan namin ni Airene na happy birthday song n lang kantahin ko dahil birthday rin naman ni Mark. Pina-ikot muli ang bote ng ilan pang beses. Naging maayos naman ang flow ng laro namin dahil wala rin naman killjoy sa amin. Lahat game na game sa mga dare ng binibigay. Sa pag-ikot muli ng bote, bawat segundong umiikot ito, nakakaramdam ako ng kaba at palakas ito nang palakas. Hanggang sa tumigil ito at tumapat sa akin ang isa at tumapat naman kay Aaron ang kabila ng bote. Nang makatayo kaming dalawa ni Aaron, nagtabi-tabi silang tatlo at pinag-usapan kung ano ang dare na ipapagawa sa amin. Habang ako ay kinakabahan, sinilip ko ang expression ng mukha ni Aaron at mukhang wala siyang kahit na anong kabang nararamdaman. Ilang segundo pa ang lumipas at humarap na ulit sila sa amin. Bakas sa kanilang mukha ang saya kaya naman lalo akong kinabahan. "Ok, since both of you are single" panimula ni Mark. "Ang dare namin ay maging kayo for three months, kung gusto niyo iextend no problem." Sabi niya saka naman ako napa-ubo na tila ba may bumara sa lalamunan ko. "Ok" maikling sagot ni Aaron na ikinagulat ko. "Nababaliw ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Bakit ka pumayag?" Naiirita kong sabi. "Bakit? Natatakot ka?" Sabi niya saka siya tumingin sa akin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko na halos ilang pulgada na lang ang layo. "May gusto ka ba sa akin kaya ka natatakot?" Mahina niyang sabi. Inilayo ko ang mukha ko sa kanya saka ako umiling. "Then it's final, you will be my girlfriend for three months" seryoso niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko. Pilit ko naman itong binabawi sa kanya ngunit masyado siyang malakas para magtagumpay ako. "Just tell me if you want an extension" saka siya pekeng tumawa. Hinigit niya ang kamay ko kaya napasunod ako sa kanya sa paglalakad papunta sa upuan ko kanina. Lumipat naman si Airene sa tabi ni Jizel at tumabi naman sa akin si Aaron. Kung kanina halos isang metro ang agwat naming lahat, ngayon magkatabing magkatabi na kami ni Aaron. "Oh my g babe! Bagay pala silang dalawa" irit ni Jizel habang itinuturo kami. Napatingin naman ako sa gawi ni Airene at kita rin sa mukha niya ang saya. Aaron's Point of View Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Cia simula pa kanina. Sa totoo lang, masaya ako sa ginawa ni Mark at the same time naguiguilty ako kasi alam kong labag ito sa kalooban ni Cia. Kita ko sa mukha niya ang pagka-inis kanina. "Are you hungry?" Tanong ko kay Cia habang pinaglalaruan ang kanyang daliri. "No" tipid niyang sagot sa akin. "What do you want?" Tanong ko pa. "Nothing" sagot ulit niya. Kita kong medyo malungkot siya. Kung ikukumpara sa energy niya bago nangyari ang pinagagawa nila Mark, napaka layo niya. "If you want to swim then go" sabi ko pa. "Aaron! Cia!" Tawag sa amin ni Mark kaya naman napatingin kaming dalawa. "Maiwan muna namin kayo" sabi niya saka siya naglakad palayo mula sa amin. "Bakit ka pumayag?" Basag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Kasi ayaw kong maging KJ sa spin the bottle na iyon. You know me, rules are rules para sa akin" sagot ko sa kaniya. "Besides, wala namang mawawala kung gagawin natin ang dare. Tama sila, we're both single. Unless may manliligaw ka, then sorry sa kanya. You're mine for three months" sabi ko pa sa kaniya. Narinig ko namang bumuntong hininga siya. "May favor lang sana ako sa iyo" sabi ko. "Ano iyon?" Tanong niya sa akin. "Kung pwede sana, walang makaka-alam na dare lang ito kahit na sino" pakiusap ko sa kaniya. "Fine" maikli niyang sagot. "And" habol ko na siya namang nakakuha ng atensyon kay Cia dahil napatingin siya sa akin. "Meron pa?" Nakakunot noo niyang sabi. "Ako nga hindi nagdedemand" reklamo niya. "Just tell me what you want me to do para fair sa side mo." Sabi ko. "my other favor is, let me pick you up and send you home" patuloy ko. "W-what? N-no!" Tutol niya. "Why?"tanong ko naman. "I know my mom. Magtatanong at magtatanong siya sa akin. And I can't lie lalo na pagdating sa kanya" sagot niya sa akin. "Then tell her that I am your boyfriend" sagot ko at hindi na siya umimik pa. "Now tell me, what do you want in return?" Tanong ko sa kanya. "As of now, wala pa akong naiisip." Tipid niyang sagot. "Gusto ko lang maglublob sa pool" patuloy niya saka ako tumayo at hinila ang kamay niya kaya naman napatayo na rin siya. "Saan tayo pupunta?" Naiirita niyang tanong. "Sabi mo gusto mong maglublob, sasamahan kita" sabi ko. May sinasabi pa siya pero hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy lang ako sa paglalakad at siya naman ay sumusunod sa akin. Inalalayan ko siyang makababa sa pool. Nang makababa siya, naglakad siya ng kaunti saka tumigil. Sinundan ko lang siya kung saan siya nagpunta. "Airene!" Tawag niya dito kaya naman lumingon ito. "Why?" Tanong ni Airene. "Dito ka" sabi ni Cia saka itinuro ang pwesto namin. "No thanks, maging third wheel pa ako sa inyo" sagot ni Airene na nagpatawa sa akin. "Gusto mo muna kay Airene?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinasagot. "Doon muna ako sa basketball team para makapunta ka sa kanya. Just call me if you want something" sabi ko saka ako naglakad palayo sa kanya. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig kong nagpasalamat siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD