Chapter 3

2086 Words
Cia’s Point of View Nang makalapit na ako kay Airene, umaakto siyang kinikilig. Todo rin ang ngiti niya na tila ba nang-aasar. “My gosh, ang cute niyo palang dalawa.” Panimula niya noong makalapit ako sa kaniya. “Nababaliw ka na” sabi ko naman sa kanya. “Ngayon ko lang kasi nakita na may Chemistry pala kayo” kinikilig niyang sabi habang inaakto ang chemistry na sinasabi niya. “Wala bang Physics?” Pamimilosopo ko kaya naman napatingin siya sa akin ng masama. “Ikaw pinipilosopo mo ako ah” sabi niya sa akin saka siya tumingin muli sa gawi ni Aaron. “So, ano tawagan nyo?” Tanong niya sa akin “Wala” sagot ko naman. “Ahh wala. Ang sweet naman ng tawagan niyo, wala” pamimilosopo niya sa akin habang tumatawa kaya naman tinapik ko ang balikat niya. “Pero seryoso na Cia. Bagay talaga kayo ni Aaron.” Sabi niya habang nakatingin sa gawi ni Aaron saka ulit tumingin sa akin. “Three months lang ba talaga? Hindi ba pwedeng kayo na lang forever?” Seryoso niyang sabi. “Sa nakikita ko kasi, malaki ang chance na magkagusto kayo sa isa’t isa. Parehas kayong single. Wala siyang nililigawan, and wala kang manliligaw” sabi niya pa. “Doon ba nakabase iyon? Madedevelope ang feelings namin dahil wala akong manliligaw and siya walang nililigawan?” Sabi ko saka ako naglaro ng tubig sa pool. “Hindi naman sa ganoon. Sabi nila diba opposite attracts. Sporty syang taong, and ikaw into books. Perfect match” masigla niyang sabi na sinamahan niya ng actions kaya naman napatawa ako. “Nababaliw ka na. Imposible ang sinasabi mo” depensa ko sa kanya. “Talaga? Eh kanina nga halos hindi na kayo mapag-hiwalay. Partida, hindi pa yan totoo ha. What more kung totoo na?” Sabi niya kaya naman napatahimik ako. “Natahimik ka kasi totoo?” Sabi niya pa pero hindi ko na ito pinansin pa. Aaron’s Point of View Kanina ko pa siya pinagmamasdan mula sa kabilang side ng pool. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa dare na pinagawa ni Mark sa amin. “Girlfriend mo si Cia?” Tanong ng isa sa mga kateam namin ni Mark sa basketball. Tumango naman ako. Wala naman akong balak itanggi siya. Kung iniisip niyang itatanggi ko siya, nagkakamali siya. “Kelan pa?” Tanong niya ulit. “Kanina lang niya ako sinagot” pagsisinungaling ko. Kagaya ng sinabi ko kay Cia, ayaw kong may ibang maka-alam na dare lang ang relasyon namin. Balak ko rin naman kasing sabihin sa kanya ang totoo kapag malapit nang matapos ang dare na ito. Ayaw kong matapos ang relasyon namin. Namutawi na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi na rin naman siya nagtanong pa. Maya-maya naramdaman kong may umakbay sa akin kaya naman nilingon ko ito. Pagtingin ko, si Mark pala iyon. “Carl, hiramin ko muna si Aaron” paalam niya sa kausap ko kanina. Tumango naman si Carl saka siya tumayo at naglakad papunta sa isang malapit na table. “Doon tayo” sabi ni Mark saka itinuro ang isang lamesa malayo sa ibang mga bisita. Tumayo na ako sa pool side at naglakad papunta sa itinuro niya. “Why?” Tanong ko noong nakarating na kami sa tinuro niya kanina. “How’s it?” Masaya niyang tanong. “Alin?” Naguguluhan ko ring tanong. “Iyong dare!” Sagot niya. “So, iyon ang plano mo?” Tanong ko at tumango-tango naman siya. “It’s fine at the same time I feel guilty about it” sabi ko sa kanya. “Bakit ka maguiguilty?” Tanong niya pero di naman ako sumagot. “Anyway, kelan mo aaminin sa kanya ang nararamdaman mo?” Tanong niya saka siya humarap sa gawi nina Airene, Jizel at Cia. “I don’t know, maybe before it ends” sagot ko saka ako napangiti ng mapakla. “Bakit hindi pa ngayon? Chance mo na oh!” Pangunguna niya. “No. Ayaw kong isipin niya na tinetake advantage ko ang dare mo. Ayaw ko rin isipin niya na kasabwat ako sa plano mo” sagot ko naman sa kaniya. “May point ka” maikli niyang sabi saka uminon ng beer na hawak-hawak niya. “Huwag mo lang sana siyang sasaktan. Kahit kaibigan ka namin, kapag sinaktan mo siya, makakatikim ka sa akin” banta niya saka itinuro ang kanyang kamao. “I won’t. Takot ko na lang sa inyo” sabi ko saka ako uminom ng beer na hawak ko. “Dapat lang” sabi niya kaya naman napatawa na lang ako. “Puntahan ko lang sila” paalam niya, hindi na niya inintay pa ang sagot ko at naglakad na siya palapit sa tatlo. Hindi pa siya ganoong nakakalayo noong napagdesisyunan kong puntahan na rin sila. Pagdating ko sa kinaroroonan nila Cia, narinig kong inaasar siya nina Airene at Jizel pero nakakatuwa kasi hindi naman siya napipikon. “Oh speaking of your boyfriend. Here he is” sabi ni Airene saka ako itinuro. Umupo naman ako sa tabi ni Cia sa pool side. Comparing here sa actions niya kanina and ngayon, ramdam kong mas komportable na siya. “What about me?” tanong ko. “Nothing. Napagkwentuhan ka lang namin” sagot sa akin ni Airene. “About what?” tanong ko pa. “About you being a single” sagot ni Jizel sa akin saka siya uminom ng kanyang hawak-hawak na beer. Napakunot naman ang noo ko dahil napansin kong may hawak ding beer si Cia. Ayaw ko siyang mapainom kasi may iba kaming kasama dito. “Why? Bakit nakakunot ang noo mo?” tanong ni Jizel sa akin. “Don’t tell me hindi mo papainumin si Cia kahit kaunti?” halos sumisigaw niyang sabi. “No. I mean akala ko kasi juice ang iniinom niyo” sagot ko naman. Hindi na ako nagreact pa kasi ayaw kong isipin ni Cia na sinasakal ko siya. Nakita kong ibinaba ni Cia ang hawak-hawak niyang bote ng beer. Akala ko ay ibinaba niya dahil nangangawit ang kamay niya. Laking gulat ko ng tabigin niya iyon kaya natapon ang laman ng bote. Hindi ko na lang muna siya tinanong tungkol dito. Nakita ko kasing masaya siyang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan namin. "Kayong dalawa" sabi ni Airene kasabay nito ay ang pagkulbit niya sa amin. "Alam naming halimaw na kayo sa loob ng court" panimula niya. "Let's see kung halimaw pa rin kayo pagdating sa pool. Boys versus girls. Race sa paglangoy. Si Cia and si Jizel ang magkagrupo tapos kayong dalawa Aaron and Mark" hamon niya sa amin. "Kung okay sa kanila, okay din sa akin" sabi ni Mark. Nakita ko namang tumayo na si Jizel at Cia. Mukhang nagpaplano na silang dalawa sa magiging diskarte nila. "Ano pang inaantay mo? Tumayo ka na diyan." bulyaw ni Mark sa akin kaya naman tumayo na rin ako. "Girls, hindi ibig sabihin babae kayo ay pagbibigyan namin kayo" mariing sabi ni Mark. "Let's see kung sino ang mananalo" sabi naman ni Cia kaya napangiti ako. Nagpunta na kami sa end ng pool, unang maglalaban si Mark at Jizel, sunod naman kami ni Cia. "Okay! Bibilang lang ako ng tatlo. Three, two, one, go!" sigaw niya saka nagdive si Jizel at Mark. Habang ako nakatingin lang kay Mark, naririnig ko namang nagchecheer si Cia para kay Jizel. Noong nangunguna na si Jizel, mas lalong lumalakas ang boses niya. Ilang segundo lang ang lumipas ay naungusan na ni Mark si Jizel kaya mas pinalakas niya oa ang boses niya habang isinisigaw ang pangalan ni Jizel. "Go, Jizel! Bilisan mo!" paulit-ulit na sigaw ni Cia. Napapa-isip nga ako kung may ilalakas oa ang boses niya. First tine ko siyang narinig na sumigaw ng ganoon kalakas kaya naoapangiti ako. Hindi ko namalayang nakatitig ako kay Cia habang nagchecheer siya para kay Jizel. Narealize ko nalang noong may tumapik ng balikat ko. "Aaron, hindi mo man lang ako chineer" nagtatampong sabi ni Mark. "Titig na titig ka kay Cia" sermon niya oero hindi ko siya pinansin bagkus ay naglakad ako palapit sa end ng pool kung saan ito ang magiging starting point namin. "1-0 na! 1 ang girls, 0 ang boys. Si Aaron, bawi-bawi. And Cia. Wag mong hahayaang manalo si Aaron, okay?" masiglang sabi ni Airene. "In a count of 3 ulit. Three, two, one, go!" sigaw niya saka kami sabay na nagdive ni Cia. Ginawa ko ang makakaya ko mauna lang sa kanya. Gusto ko man siyang papanalunin pero baka masapok ako ni Mark. Sa pagdating ko sa kabilang dulo ng pool, nakita kong nauuna na siya sa akin kaya mas binilisan ko pa hanggang sa makarating ako sa end ng pool kung saan doon kami nagsimula. Buong akala ko ay nauuna na ako sa kanya pero pagtigil ko, nakita kong naandoon na siya. "Magaling ka pala maglangoy" napatawa naman siya sa sinabi ko. "Mukha lang akong hindi marunong pero marunong ako" sabi niya sa akin. Nauna na akong umahon sa pool at inalalayan ko siya noong nakita kong umaahon na rin siya. "Thank you!" sabi niya sa akin saka siya ngumiti, ginantihan ko na lang din siya ng ngiti bago kami umupong muli sa pool side. "Hindi ko inexpect na ganoon kayo kabilis maglangoy" sabi ni Mark kila Jizle at Cia. "I told you, wag mo kaming mamaliitin" sagot ni Jizel sa kanya. "You want something?" tanong ko kay Cia bago ako tumayo. "No, thanks" sabi niya saka ako naglakad papunta sa food area. Kahit sinabi ni Cia "No, thanks" kumuha pa rin ako ng drinks para sa kanya. Well hindi lang naman siya ang ikinuha ko, ikunuha ko na rin sila Airene, Jizel at Mark. Baka magtampo kasi ang tatlo. Nang makakuha na ako ng drinks, naglakad na ako pabalik sa kanila. "Here" sabi ko. "Is that you?" mapang-asar na sabi ni Airene sa akin. "May sumapi ba sa iyo?" segunda naman ni Jizel. Nagkatinginan silang dalawa bago muli g tumingin sa akin. "Iyan ba ang nagagawa ng pagkakaroon mo ng girlfriend?!" irit nila. "I'm just being kind, so shut up" suway ko naman at kita ko ang tajot sa mukha nilang dalawa. Naramdaman kong siniko ako ni Cia. Napatingin ako sa kanya pero hindi naman siya nakatingin sa akin. "Just kidding" sabi ko saka ako tumawa. "My gosh, nakakatakot ka magjoke" sabi ni Airene sa akin. "Kaya nga eh" segundang muli ni Jizel. Si Mark at Cia naman ay kapwa walang reaksyon. Ilang oras din ang lumipas bago magpaalam si Airene na mauuna na sa room nila, si Mark at Jizel naman ay nagpaalam para naman daw magkaroon sila ng sarili nilang oras, hindi naman kalayuan ang pinuntahan nilang dalawa mula sa amin. Naiwan naman kami ni Cia dito sa pool side. "So you don't like girls na umiinom?" Basag niya sa katahimikan habang nilalaro ang tubig sa pool "No, it's not that. I mean yes I don't like girls na umiinom. But in your case, ayaw ko lang na mapasobra ka sa inom especially may ibang tao dito." Sagot ko sa kanya habang tinitingnan ang ginagawa niya sa tubig sa pool. "Besides, ayaw kong isipin mo na sinasakal kita lalo pa at alam nating pareho kung anong relasyon ang meron tayo" paglilinaw ko. "You're right" tipid niyang sabi. "I saw what you did sa beer" pagkasbai ko ay napalingon siya sa akin. "Ayaw ko lang ng away." Sabi naman niya. "Tama si Jizel and Airene. Go with the flow lang. I should act as your girlfriend. Even though this is just a dare, I should treat you the way you deserve to be treated" mahina niyang sabi. "Then I'll treat you the same" sabi ko naman. "I'll pretend this is not a dare" sabi ko pa. "Thanks" pagpapasalamat niya. "I'll go ahead, inaantok na rin ako. Wala ring kasama si Airene sa kwarto eh" paalam niya saka siya tumayo. Napatayo na rin ako at akmang susundan siya ng bigla siyang huminto at humarap sa akin. "Bakit ka tumayo?" Tanong niya. "Ihahatid kita" sagot ko. "Mark, Jizel!" Tawag niya sa dalawa. "Mauna na ako sa kwarto! Ikaw na bahala kay Jizel, Mark!" Sigaw niya pa bago tuluyang naglakad. Nang makarating kami sa harap ng kwarto nila, tumigil na ako at inantay siyang mapagbuksan ni Airene. "I'll send you home tomorrow" sabi ko sa kanya bago siya tuluyang pumasok. "Ok" sabi niya sa akin. "Good night!" Nakangiti kong sabi. "Good night din" sabi niya bago siya tuluyang pumasok sa kwarto nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD