Cia's Point of View
Simula noong nakumbinsi ako nila Airene at Jizel na subukan kong gawin ang gusto ko, pakiramdam ko bumabalik na sa dati. Although may takot pa rin sa puso ko, pero mas nangingibabaw ang saya ko. Dati rati sa tuwing papasok ako sa Campus, nagbubulungan ang mga estudyante. Nagsisigawan sila ng mga hindi magagandang salita para sa akin. Kaliwa't kanang pambubully ang naririnig ko sa kanila. Pakiramdam ko hindi ako belong sa University na pinapasukan ko. Ngunit sa isang iglap, matapos kong kumbinsihin ang sarili kong bumalik sa dating ako, nagbago ang lahat.
"Oh my gosh, Cia! One week ka nang trending sa twitter and groups ng campus natin." Balita ni Jizel habang ipinapakita sa akin ang mga post ng schoolmates namin. Puro stolen shots ang pictures na naka-upload sa post nila. May mga captions na puro appreciation sa ganda ko raw.
Sa totoo lang, medyo naninibago pa rin ako. Parang kahapon lang noong nagdududa pa akkng gawin ang gusto ko. Lalo na noong unang araw dahil sa ginawa ni Elizabeth sa akin sa canteen. Ipinahiya niya kasi ako sa harap ng ibang tao.
Usap-usapan sa campus na kaya niya ako ipinahiya sa harap ng ibang tao ay dahil hindi niya matanggap na kaya ko siyang tapatan pagdating sa ganda. Hindi niya raw matanggap na mas better ang ipinalit ni Aaron sa kanya. Kinampihan naman ako ng ibang mga estudyante dahil alam nilang lahat ng ibinibintang ni Elizabeth sa akin ay walang katotohanan. Lalo na ang ibinintang niyang gold-digger ako. Ipinamukha nil Airene at Jizel na hindi ako ganung klaseng babae.
Simula noong araw na iyon, hindi na niya ako nilapitan pa dahil pinagtanggol ako mula sa kanya ng ibang estudyante. Hinagisan kasi siya ng mga pagkain at inumin ng mga nabully niya noon. Hindi niya inaasahan iyon. Pinagbabtaan din siya ng mga ito na uulitin nila ang ginawa nilang ito once na lumapit ulit siya sa akin. Pasalamat talaga ako at maraming taong pumoprotekta sa akin ngayon .
Sa nakalipas na mga araw, umaapaw ang saya ko. Pakiramdam ko ang laya-laya ko. Pakiramdam ko ang fair ng mundo sa akin. Pero naalala ko bigla ang relasyon namin ni Aaron. Oo laro lang iyon pero aaminin ko sa sarili ko, unti-unti akong nahuhulog sa kanya. Ayaw kong matapos ang relasyon namin kasi siya ang unang lalaking nagtuwala at prumotekta sa akin ng ganito. Na kahit napapa-away siya dahil sa akin, wala siyang paki-alam.
Kung pwede lang na huwag na naming tapusin ito gagawin ko. Pero hindi lang naman ako ang magdedesisyon para sa amin. Alam ko rin na ni katiting, wala siyang nararamdaman sa akin. Sino ba naman ako lara magustuhan niya hindi ba. Hindi ako kapantay ni Elizabeth. Hindi ako kasing ganda ni Maggie.
"Tulala ka riyan!" pulaw ni Ariene sa akin. "Ankng iniisip mo?" taning niya pa sa akin saka siya umupo sa tabi ko.
Naiwan kasi ako sa canteen. May trainibg si Mark at Aaron. Si Jizel naman ay pumunta sa bahay ng pinsan niya. Kami lang ni Airene ang naiwan dito.
"Hindi ka ba masaya na finally nagawa mo na ang gusto mo? Nagawa mong bumalik sa buhay na meron ka dati?" tanong niya pa sa akin.
"Masaya naman ako. Masayang masaya ako." sagot ko sa kanya.
"Eh bakit parang malungkot ka?" sabi niya saka niya itinuon ang kanyang braso at ipinating ang mukhsa sa kamay niya.
"Wala naman" sabi ko saka ako huminga ng malalim.
"Iyong totoo" pangungulit niya.
"Fine! Iniisip ko lang" napipilitan kong sabi. "anong mangyayari sa akin after ng dare?" nahihiya kong tanong.
"Bakit? May nararamdaman ka na sa kanya?" taning niya.
"W-wala" tanggi ko. "What I mean is, hindi kaya ako sugurin ng magigjng girlfriend niya? Kasi syempre ang inage ko before" palusot ko.
"Cia, alam mo aminin mo na ang totoo. Alam kong may gusto ka sa kanya. Huwag na huwag kang tatanggi talaga at ako mismo magsasabi kay Aaron" banta niya sa akin.
"Ahhh" sigaw ko. "Nakakainis ka!" pagmamarakulyo ko sa kanya.
"I'm happy na nagkagusto ka sa kanya. Sana lang may gusto rin siya sa iyo" sabi niya kahit hindi pa ako umaamin.
"I knew it. I knew mahuhulog ka sa kanya. He's nice. Gentleman. Lalo na noong nag-away kayo and he got drunk, alam kong mahuhulog ka sa kanya" paliwanag niya.
"What if gusto ka niya?" tankng niya sa akin. Napaisip naman ako pero pilit sinasabi ng isipan ko na impossible iyon.
"Hindi kita pinapaasa. What my point is may 50% na possibility na may gusto siya sa iyo. Maganda ka, mabait, matalino. Ikaw ang ang ideal girl niya" diininan naman niya ang pagkakasabi sa Ideal girl.
"Ideal girl ngayon, pero noong hindi." nanghihina kong sabi.
Totoo naman, nakita labg nila akong maganda ngayon kasi naka-ayos ako. Noong hindi ako pala-ayos hindi naman ako maganda sa paningin nila.
"Cia, hindi mo lang napapansin pero nakikita kong gusto ka niya. Iba siya tumitig sayo. Kahit noon pa. Kung ikukumpara ko siya sa way ng patingin niya sa ex-girlfriend niya, mas sincere siya sayo makatingin. Parang ikaw ang babaeng gusto niyang makasama habang-buhay" sabi niya.
"Airene, kung pinapagaan mo labg loob ko, huwag mo na ipilit. Tanggap ko naman na hindi niya ako magugustuhan. May mas better para sa kanya. May mas bagay para sa kanya" sabi ko saka ako nakaramdam ng lungkot.
"Airene, sana walang makaka-am ng tungkol dito. Lalo na si Aaron. Hayaan mo na lang nararamdaman ko. Lilipas din ito" sabi ko. Tumango naman siya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
"Cia!" tawag sa akin ng pamilyar na boses. Napalingon naman ako sa gawi ng tumawag. Tama ang hula ko, si Aaron nga ito.
"Bakit?" tanong ko sa kanya noong makalapit siya sa akin.
"May game ako later after ng 5 minutes break, you want to watch?" aya niya sa akin. Naalala ko matagal ko nang sinabi sa kanya na gusto ko siya panoorin maglaro ng basketball.
"Sure." tipid kong sagot saka ako ngumiti.
"Ikaw?" tanong ko kay Airene. Umiling naman siya.
"Susunduin ako ni Dad. May pupuntahan kami" sabi niya sa akin. "Sige na sumama ka na kay Aaron" sabi niya saka siya tumayo at lumapit sa akin. "Sulitin mo na ito. Try mo rin sabihin sa kanya. Wala namang mawawala" saka niya ibinulong.
"Bye, Cia! Aaron, ikaw na bahala sa kanya" paalala niya kay Aaron. Tumango naman si Aaron kaya tumayo na rin ako at lumapit kay Aaron saka kami naglakad papunta sa Court ng school.