Cia's Point of View
Alas-onse na ng gabi noong maihatid ako ni Aaron dito sa bahay kagabi. Pagkahatid sa akin ay umalis na rin siya. Sinabi ko nga sa kanya na wag na lang akong ihatid since alam kong pagod din siya sa pagentertain sa iba nilang bisita pero hindi siya pumayag. Nagpumilit siyang ihatid ako dito sa bahay.
Dito na rin nagpalipas ng gabi sil Airene at Jizel. Wala pa kasi ang mommy ko. Sabi nila sasamahan muna nila ako dito since gabi na rin naman. Nakakahiya na rin kasi kay Aaron kung magpapahatid pa sila.
Nine AM in the morning na noong magising ako. Pagkagising ko ay nagluto na akon ng breakfast namin. Nakakahiya kasi sa mga kasambahay kung iaaasa ko pa sa kanila ang umagahan namin. Alam kong pagod din sila sa paglilinis ng bahay.
Nang magising ako ay sinilip ko na si Jizel at Airene s akwartong tinuluyan nila kagabi. Si Airene ay gising na, si Jizel naman ay tulog pa.
"Good morning!" Bati sa akin ni Airene.
"Good morning din. Kung gutom ka na, pwede ka na bumaba para makapag umagahan ka na" offer ko sa kanya. Akmang tatayo na siya sa kama ng biglang nagising si Jizel.
"Good morning!" bati niya sa aming dalawa.
"Good morning!" sabay naming bati ni Airene.
"Sige na mag-ayos na kayo. Baba na kayo pagkatapos para makapag-agahan kayo" sbai ko. Tumnago naman sila kaya isinar akong muli ang pinto at bumalik sa kusina.
Nagpatulong naman ako kay Ate Beth para ihain nag mga nailuto ko. Nagpatulong na rin ako maglagay ng mga plato. Baka kasi bumaba na sila Airene at Jizel.
"Thank you po Ate Beth" sabi ko noong matapos niya akong tulungan maghain.
"Kain na rin po kayo ng umagahan" sabi ko. Tumango naman siya saka siya nagpaalam na babalik na sa may kusina.
"Ang bango" rinig kong sabi ni Jizel.
"Maupo ka na para makapag-agahan ka na" aya ko sa kanya saka ako umupo sa upuang nasa harapan ko.
"Airene maupo ka na" aya ni Jizel kay Airene nang makababa ito at makarating sa dining area.
Nagsimula na kaming kumain. Matahimik kaming tatlo. Ni isa ay walang nagtangkang magsalita habang kumakain. Nang matapos ay tinulungan nila ako sa paglilinis. Noong una ay di ako pumayag dahil hisita sila pero nagpumilit pa rin sila.
"Thank you Cia sa pagkain. Sobrang nabusog ako. Feeling ko hindi na ako makakapag lunch" sabi ji Jizel habang nakahiga sa may sofa at hawak-hawak ang tiyan.
"Ako rin. Ang sarap mo pala magluto" puri niya sa akin.
"Wife material. For sure kapag natikman ni Aaron ang luto mo, mahuhulog at mahuhulog siya sa iyo" pang-aasar ni Jizel.
"Baliw ka" sabi ko na lang at nanahimik na rin siya.
"Anyway, sabi mo kahapon bago tayo pumunta sa event, may sasabihin ka" pag-iiba ni Jizel. Kinabahan naman ako dahil natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon nila.
"Oo nga. And sabi mo ikwekwento mo ang about sa past mo" segunda naman ni Airene. "Pero ang tungkol sa past mo, it's okay kung hindi ka pa ready na sabihin. Naiintindihan namin" pagkumbinsi niya sa akin.
"Actually, ang sasbaihin ko kasi talaga sa inyo ay about sa past ko" panimula ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang ituloy dahil natatakot pa rin ako. Baka layuan nila ako. Baka husgahan nila ako.
"Don't worry, makikinig kami. Walang magbabago sa pagtingin namin sa iyo" sa sinabi ni Airene nabuhayan ako ng loob.
"S-simulan ko na lang sa nangyari noong High school ako" napahawak ako sa unan na nasa tabi ko at hindi mapalagay. Nakita kong hinawakan ni Airene ang kamay ko. Tila ba kinukumbinsi niya ako at sinasabing nandiyan lang siya par sa akin.
"I once became an athlete. Varsity ako sa swimming from my previous school. Masaya kasi nananalo ko. Masaya kasi sinusuportahan ako ng ibang tao. Sinusuportahan din ako ng magulang ko. Dahil don, mas napush ko sarili ko na pagbutihin sa swimming at sa academics ko. Ang perfect na ng lahat. Then nakilala ko ang naging na boyfriend ko. He's nice. I thought perfect siya. Napakabuti niyang tao noong nililigawan niya pa lang ako. He did everything mapasaya lang ako. Na kahit natatalo ako sa swimming, nasa tabi ko siya to comfort me. Nasa tabi ko siya para ipaalala sa akin na sa laban may nananalo at may natatalo. Sa kanya ko na kuha ang pagmamahal ng lalaking hinahanap ko simula noong nawala ang daddy ko. Akala ko ok na. Akala ko walang ending ang happiness ko.
"I decided na sagutin siya because of those things he did for me. Ok naman kami noong una-una. I think after a year noong sagutin ko siya, he changed a lot. Nagsimula siyang diktahan ako sa mga ginagawa ko. Nagsimula siyang maging overprotective. Noon, iniintindi ko kasi boyfriend ko siya. Akala ko nalinaw ko na sa kanya na hindi ko siya iiwan because of other man. Then he forced me to do unnecessary things. Gusto niya ng public display. Ngdedemand siya ng mga bagay na hindi ko kayang ibigay. Hindi ko kayang ibigay sa kanya kaya nasasaktan niya ako physically. Hindi ko iyon binabanggit kay mommy kasi natatakot ako sa pwedeng gawin ni mommy. Tinago ko yon for so many months. Then akala ko magiging okay na ang relasyon namin kasi hindi naman na siya nagdedemand. Until he tried to r**e me" Hindi ko na nakayanan at tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko rin maituloy ang kwento ko. Parang ang bugat bugat pa rin sa pakiramdam.
"Shhh, Cia you don't have to continue kung nahihirapan ka. Naiintindihan ka namin" kumbinsi ni Airene sa akin
"Akala ko after ko siya maipakulong magiging okay na ulit ang buhay ko. Akala ko babalik na sa normal pero everytime pumapasok ako, natatakot ako. Pakiramdam ko siya ang nasa harap ko. Pinilit kong tapusin ang school year kasi graduating ako. Then mom decided na ilipat ako ng school. I realized hindi pwedeng hindi ako kikilos kaya kahit napakahirap para sa akin, hinarap ko ang mga pambubully ng mga schoolmates natin makalimutan ko lang ang nangyari noon. Gusto ko nang bumalik sa dating ako. Ayaw ko nang itago pa ang totoong ako sa harap ng ibang tao. Ayaw ko na ulit matakot. Kaya ko sinasabi sa inyo itong mga ito ay hindi oara kaawaan niya kundi para ipaalam sa inyo ang mga nangyari sa akin. Ayaw ko nang mabalot sa nakaraan" paliwanag ko sa kanilang dalawa habang pilit pa ring tumutulo ang mga luha ko.
"I didn't know na ganan pala ang pinagdaanan mo before" sabi naman ni Jizel habang inaalo ako at pilit na pinapatahan.
"Gusto ko nang bumalik sa dati" hagulgol ko sa dalawa. Niyakap naman ako ni Airene at hinihimas ang likod ko.
"Cia, pwedeng pwede kang bumalik sa dating ikaw. Andito kami para suportahan ka. Hindi ka namin para husgahan. Lalo pa sa hirap ng pinagdaanan mo. Naiintindihan namin ang mga rason mo higit sa lahat napakabuti mong tao" sabi ni Airene habang yakap yakap ako.
"Huwag kang matakot, andito lang kami" sa sinabi ni Jizel, lalo akong napahagulgol sa pag-iyak.
Kahit pala puro kalokohan si Jizel, minsan kaya niya ring magseryoso lalo na sa mga ganitong usapan. Si Airene, kahit napaka cold niya minsan, hinding-hindi ka niya iiwan. Malaki ang pasasalamat ko at sila ang mga kaibigan ko