"So, siya pala 'yon. Thanks!" saad ni Francisco sa kanyang sarili. At agad itong lumabas upang kausapin ang babae. Nilapitan ni Francis ang babae kaya napakunot ang noo ni Jaylyn nang makita niya ito sa kanyang harapan. "Yes? Ano'ng kailangan mo?" taas kilay pa na tanong ni Jaylyn sa binata. "Nandito ako para sunduin ka at ihatid sa Batangas," saad nito. "Sino namang nagsabing sasama ako sa iyo? Ni hindi nga kita kilala. Baka mamaya saan mo 'ko dalhin," nagdadaldal na saad nito. "Hindi ako napunta rito para makipag bangayan sa iyo at magpaliwanag. Pero sige, dahil pabor ito ni Bryan at kailangan kitang maihatid sa tinitirahan mo. Pipilitin kong maging mabait. I'm Francisco Balagtas. Kaibigan ako ni Bryan. Okay na? Alam mo na ng dahil sa iyo nabitin ako. Baka gusto mong sa 'yo ko iputo

