Mayaman pa ay tinanggal na ni Bryan ang kanyang suot na jacket. At isinuot ito kay Mia. "Halikana, umuwi na tayo sa boarding house mo, may pasok ka pa bukas," saad nito sa kanyang kasintahan. Napatingin si Mia sa mukha ni Bryan at nakita nito na parang nakasimangot ito. "Okay ka lang ba?" tanong nito. "Oo naman. Pero iyong totoo, gusto ko ng may mangyari sa atin. Pero nangako ako sa iyo. Kaya kailngan talagang makasal na tayo agad," sagot nito sa dalaga na seryoso ang mukha. Napangiti si Mia sa sinaad ni Bryan at sinabi nitong, "I love you." "I love you, more." Sabay yakap sa isa't isa Muli ay sumakay ng sasakyan sila Mia at Bryan patungo sa boarding ng dalaga. Ilang sandali pa ay dumating na sila. "Sigurado ka bang dito ako matutulog?" tanong ni Bryan na seryoso ang mukha. "Ikaw

