"Sige na, pumasok ka na sa loob. Bukas susunduin kita ng maaga," wika pa nito sa kanyang kasintahan. "Ikaw na, mauna ka ng umalis," pagmamatigas na saad ni Mia. "Ladies first, huwag matigas ang ulo. Pumasok ka na sa loob at i-lock mo iyang pintuan mo," wika muli ni Bryan na seryoso ang mukha. "Opo, sir." Walang nagawang saad ni Mia at pumasok na lamang ito sa loob. Sinilip na lamang ni Mia si Bryan sa bintana at nakita nitong kinawayan siya at binusinahan bago tuluyang umalis. Nakatanggap din ito ng text mula sa kanyang kasintahan. "Matulog ka na para makapagpahinga ka." From Bryan. "Opo, huwag niyo pong kalimutang mag report sa akin kapag nakarating na kayo," reply naman ni Mia. "Opo, good night. I love you." "I love you more." Mia. Ibababa na sana ni Bryan ang cellphone nang

