Ilang araw na ang lumipas at ilang araw na ring hindi nagpapakita si Bryan kay Mia. Hanggang sa dumating na ang graduation ng dalaga. Dumating na rin ang ate nito galing ng ibang bansa. Upang dumalo sa graďuation ni Mia dahil sa wakas lahat ng pinagpaguran nito at obligasyon sa kanyang kapatid ay natapos na rin at nagkaroon na ng bunga. "Happy graduation! Sa wakas nakatapos ka na rin. Proud na proud ako sa iyo, Mia. Dahil hindi mo ako binigo," masayang saad ng Ate nito na tuwang-tuwa para sa kanyang nakababatang kapatid. "Salamat, ate! Para sa iyo 'to. At dahil ito sa iyo," masayang saad din ni Mia at yumakap ito ng mahigpit sa kanyang nakakatandang kapatid. Sabay posing dahil kinukuhanan silang ng litrato. "Okay ka lang ba? May hinihintay ka ba?" tanong ng ate nito kay Mia. "Ahm, wal

