"Salamat, ate," saad pa ni Mia habang nakayakap ito sa kanyang ate. "Ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na kapag napasok ka. Puwede mong iluwa. Tandaan mo, wala ng urungan at panghabang buhay na 'yan. Wala ng bawian," paalala pa nito kay Mia. "Alam ko po 'yon, ate. At siguradong-sigurado na po ako. Buo na po ang pasya ko. Mahal ko po si Bryan at masaya po ako sa piling niya," saad naman ni Mia. "Ikaw, protektahan at alagaan mo ang kapatid ko mangako ka," wika nito sa binata. "Pangako, ate Manilyn. Gagawin ko ang lahat para ingatan siya at protektahan. Kahit pa buhay ko pa ang maging kapalit," pangako naman ng binata. "Mabuti pa ay kumain na tayo at pagkatapos ay pag-usapan natin ang kasal niyo," saad na lamang ni Manilyn. "Ahm, naasikaso ko na po ang lahat, ate. Mula sa venue.

