"Hindi puwede ang gusto mo. Kami ang masusunod," saad naman ni Angelo. "Dapa." Wika pa nito. Agad naman na dumapa si Bryan habang nakatingin kay Mia. Kinapkapan at kinuha lahat ni Joseph ang mga armas sa katawan ni Bryan. "Lakad," utos pa ni Francis at sabay-sabay silang naglakas patungo sa van na dala nila. Agad din nilang nilagyan ng posas sa kamay si Bryan. Bago magsara ang pintuan ng van ay kitang-kita ni Bryan ang mga butil ng luha Mia na nakatingin sa kanya. Mayamaya pa ay pumasok na rin ang lalaking tumutok ng baril kay Mia. Mabilis naman na pinaandar ni Joseph ang sasakyan hanggang sa makalayo sila. "Ano bang kailangan niyo sa akin? Bakit ginagawa niyo 'to?" tanong ni Bryan na nagtataka. Pero napapaisip siya na may mali dahil kung kalaban ang mga ito dapat ay kanina p

