“Elena, pasensya na kung late kami. May kinausap pa kasi ako,” paumanhin ni Phoebe nang makaupo ito sa tabi ng dalaga habang si Prim naman ay umupo sa upuang kaharap ni Elena. Ngumiti si Elena. “Ayos lang. Hindi naman ako naghintay ng matagal,” aniya nito. Siguro limang minuto lang. “Akala ko hindi na tayo makakapag-hang out since our busy schedule.” “Marami lang talaga tayo dapat unahin but thankful naman dahil nagkaroon tayo ng time,” reply ni Prim na nakatingin ngayon kay Elena. Sa katunayan magmula nang makarating sila dito ay ang bilis ng t***k ng puso niya. He was excited and nervous to see her again. “Let’s order? I’m famish,” aniya ni Phoebe at gi-nis-ture ang isang waiter na lumapit sa kanila at sabihin ang kanilang napiling pagkain. “So, how’s life?” Nagpapasalamat si Prim a

