“Anak, may problema ba?” tanong ni Emir nang makita ang nakatulala nitong anak sa harap ng telebisyon na hindi naman nakabukas. Umupo siya sa tabi nito. “Nothing, Pa. Masyado lang akong pagod,” dahilan ni Elena. Iniisip niya kasi kung ano ang magiging kalalabasan ng pagkakaibigan nila ni Prim. Should she tell him about the encounter between her and Felicity? “Pagod ba talaga ‘yan? Mukhang ang lalim, eh. Come on, tell me.” Kung pagod ito ay didiretso na ito sa kwarto. “Well, nagkita kami ng ina ni Prim.” Kumunot ang noo ni Emir dahil pamilyar ang pangalan. “Prim? Iyong lalaking naghatid sa’yo noong nakaraan?” Elena nodded before continuing, “Layuan ko raw si Prim. She doesn’t like me to be around her son.” “Huh? Bakit? Mang nangyari ba?” “Dahil gusto raw ako ni Prim,” sagot ni Elena

