Mag-a-alas kwatro na ng hapon ngunit medyo ramdam pa rin ang init sa labas. Nakatanaw mula sa loob ng kotse si Raphael na nasa harap ngayon ng eskwelahan kung saan nag-aaral ang anak niya. Good choice of school. Isa ito sa mga kilalang school sa lugar at nagbibigay ng kalidad na edukasyon regardless kung mayaman at mahirap ang tao. The environment is also good at walang issue ang school. "Matagal pa ba?" medyo inip na tanong ni Raphael kay Qui. Napakamot sa kilay si Qui. Bakit parang kasalanan niya pa? Eh, paano ba naman kasi ay ang aga nilang dumating dito. Thirty minutes before school ends. Malamang hindi pa magsisiuwian ang mga bata dahil hindi pa tapos ang klase. "Ilang sandali na lang po, boss. Magri-ring na ang bell," sagot niya at tiningnan ang ang orasang pambisig kung saan dala

