11: Mahirap Iwasan BETTY Magdamag akong dilat. Hindi makatulog dahil sa nangyari sa loob ng opisina. Shootangina! Naitakip ko ang unan sa aking mukha at mariing sumigaw. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib, at kahit na anong pilit kong tanggalin sa isip ko ang nangyari — patuloy itong bumabalik. Napahawak ako sa aking labi... yung lambot ng labi ni Sir... yung lalim g halik niya — muli akong napatili ng walang tunog dahil sa kakaibang init na naramdaman ko. Jusmiyo! Hindi ito tama. Hindi dapat nangyayari ito. Isa lamang akong hamak na nanny, hanggang doon lamang yun. 'Be my maid... in bed!' Shootangina! Akala ko kay Milley lang ako mahihirapan, hindi ko akalain na pati kay Sir pala. Isang linggo... binigyan niya ako ng isang linggo upang makapag-isip. Kung tatanggapin ko, dodobleh

