10: Be My Maid ZACH I don't need to go to my office today, but since I still want to do my work — I'm staying at the balcony while watching Milley swim. She looks better this time. "Baby, huwag ka sa malalim. Mag-ingat ka." Hindi ko maiwasang mapatingin sa tatanga-tangang taga-bantay ni Milley dahil sa lakas ng boses nito. Sa tuwing nagsasalita siya, akala mo laging nakalunok ng microphone. Tsked. "I know how to swim, Betty." Nanatiling salubong ang aking kilay habang pinapanood sila. "Kahit na. Hindi lahat ng marunong lumangoy safe." Napailing na lamang ako, at muling ibinalik sa aking ginagawa ang aking atensyon nang maramdaman ko ang paglapit ni Red. "Dad, is it okay for me to have my sleepover with my..." "No." Pinutol ko kaagad ang kaniyang sasabihin, at kahit hindi ako naka

