“Apple! Straighten your back!” sigaw pa sa akin ni Miss Ria. “Eva, eyes on front only! Jovy, don’t put your hands on your waist!” dagdag pa nito. Marami siyang ikinokomento sa amin. Bukas na kasi ang mock pageant na magaganap. Kaya naman ay mas abala na kami ngayon. Gusto niya kasi na marami ang manalo mula sa team namin. Kapag kasi may isa hanggang dalawa na nakapasok sa amin sa top five, marami rin ang mag-iisip na magaling na handler si Miss Riya. Kaya naman ay pinagbubutihan din namin ng ayos ang pagte-training namin ngayon. “Okay, that’s it!” Pumalakpak siya at hudyat na ‘yon na tapos na kami sa training. Hindi kami masiyadong sinagad ngayon para marami kaming enerhiya para bukas. Nag-meeting kami saglit at pinaalala sa amin ang mga dapat na gawin namin para bukas. Pinaalala niya

