[VIVIANNA APPLE CASH’S P.O.V.] “Mahal! ‘Yong mga anak natin, habulin mo. Baka madapa sila!” utos ko naman kay Enrique. Tawa lang siya nang tawa at hindi sinunod ang utos ko. Nakipaghabulan kaming dalawa sa aming mga anak na ang kukulit. Sobrang saya sa pakiramdam dahil mayroon kaming masayang pamilya. Hanggang sa… “Ouch!” Nagising ako mula sa panaginip nang malaglag ako sa kama na hinihigaan ko. Ang sarap naman ng panaginip ko na ‘yon. Tapos magigising lang ako na nalaglag na ako sa sahig. Tumayo naman ako at nilingon ang buong paligid. Oo nga pala at narito pa rin ako sa kwarto namin sa hotel ni Enrique. Nagtaka naman ako nang hindi ko siya makita. Akala ko pa naman ay magigising ako na siya agad ang bubungad sa akin ‘Yon pala ay ang pagkalaglag ko sa kama ang bubungad sa akin.

