“Apple!” Agad na nawala ang kaba ko nang marinig ang boses ni Logan. Thank goodness! Mabuti na lang at dumating siya, kaya hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong niya sa akin. Nakakagulat nga na tinanong pa niya ako ng gano’n. Pero hindi na rin pala dapat ako nagulat. Normal lang naman na mapatanong siya sa akin ng gano’n. Ni hindi ko nga inaasahan na magkikita kami muli ngayon. Naramdaman ko naman na gustong bumitaw ni Rico sa pagkakahawak ko sa kaniya, kaya naman ay binitawan ko siya. “Papa!” sigaw pa niya at nanakbo palapit kay Logan. ‘Papa’ ang itinatawag niya kay Logan. Nasanay na rin. Hindi pa naman niya alam kung ano ang ibig sabihin ng Papa. Binuhat naman siya ni Logan. “Apple, where have you been? Kanina ka pa hinihintay sa restaurant nina— Enrique?” Hindi na naitu

