
Bata pa lang si Sophia, certified Tobias Lover na siya. Ultimo notebook, password, at pangarap niya — laging may Tobias sa dulo. Kaya nung nagka-chance siyang ma-pikot ang lalaking pinapangarap niya? Aba, sinunggaban na ng buo niyang puso (at utak na medyo sablay minsan).
Eh kaso… may isang problema.
Actually, hindi lang problema — istorbo na, kontrabida pa sa diskarte niya.
Si Four.
Ang kakambal ni Tobias.
Ang laging epal sa lahat ng moves niya.
At sa isang malupit na plot twist na hindi niya man lang nakita coming… BOOM! Imbes na si Tobias ang napikot niya, si Four ang napangasawa niya!
Yes, bes! MALI ANG NAPIKOT NIYA!
At ngayong legal na ang sablay niya at may apelyido na siyang Villamayor dahil kay Four, ang tanong na lang ni Sophia sa universe —
“Pwede bang mag-resign bilang asawa? Parang trabaho lang? Parang assistant secretary lang na anytime, bye na?”
Pero wait, there’s more!
Paano siya makakatakas kung bukod sa boss niya si Four at asawa na niya ito — may bonus prize pa siyang dala-dala…
BABY ON BOARD, mga Mars!
At ang mas nakakainis sa lahat?
Yung akala niyang mortal enemy niya, siya pala ang tunay na nagpapakilig sa puso niyang akala niya dati kay Tobias lang exclusive.
Eh paano nga ba niya aaminin kay Four na —
“Hoy! Ikaw pala talaga gusto kong pikutin, hindi si Kuya mo!”
Kaso, paano kung si Four… matagal na rin pala siyang pinipikot — sa puso nito — kahit pa alam nitong ibang lalaki ang mahal niya noon?
Aanhin pa ang control + alt + delete kung ang puso niya, naka-auto save na kay Four?
Kaya ready ka na ba sa riot?
Isang kwentong nagsimula lang sa isang simpleng “Replied to your story” sa My Day… nauwi sa kasalan, baby, at riot na pagmamahalan na walang undo button!

