Chapter Two: Rookies Challenge

1446 Words
[March 8, 2005, Unknown Location] Isang malakas na tunog ng orasan ang gumising sakin. Muntikan pa akong mahulog sa kama dahil sa lakas ng tunog nito. Para sa lahat na 'tong alarm na 'to? Nakakarindi naman. Nag-inat muna ako ng katawan bago tuluyang pumasok sa banyo upang maligo. Pagkatapos maligo ay kinuha ko na ang unipormeng ibinigay sakin kagabi bago ako matulog. Binuksan ko ang kahong pinaglalagyan nito at pinakatitigang mabuti ito. "Ayos ah?" Medyo may dating rin pala ito. Akala ko ay katulad ng mga nasa preso ang uniporme namin, may fashion sense din naman pala sila dito. Isang itim na long sleeves turtle neck na kulay itim ang pang-itaas na bahagi ng uniporme at hapit na hapit ang hugis ng katawan ko dahil dito. Hindi ako mahilig magsuot ng mga ganitong damit dahil na rin sa galing akong catholic school. "Pero maganda rin naman pala." Ang pang-ibabang bahagi naman ng uniporme ay may pagkakapareho sa mga uniporme ng military na nakikita ko sa mga checkpoint sa lugar namin. Itim nga lang ito lahat. May boots din itong kapares na itim din ang kulay. "Ba't naman ang hilig nila sa maitim? Para silang mangkukulam." Napailing nalang ako at tuluyang isinuot ang uniporme. Pagkatapos mag bihis ay nagdasal muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sana naman di ako mamatay dito. Tsk. Huminga ako ng malalim bago pinindot pabukas ang elevator at pumasok roon. Isinandal ko ang aking sarili sa pader ng elevator at hinayaan itong tumigil sa destinasyon ng training namin. Kahapon palang kami dumating rito ngunit parang matagal na akong nandito. Tanging oras lamang ang nakikita namin. Hindi ko nga alam kung nasaan kami, maging ang labas ng establishimentong ito ay hindi namin tanaw. Siguro nasa underground kami. Ang weird. Tumigil na sa pagbaba ang elevator at bumukas ang pintuan nito. Ikinuyom ko ang aking kamao at tuluyang lumabas. Isang malaking kwarto ang bumungad sakin at pawang gawa lamang ito sa mga salamin. May mga malalaking monitor din sa labas niyon at ang loob naman ay maraming gamit at mga kung anong bagay na hindi ako pamilyar. Natigil ako sa pag-iisip nang makita ko sina Yvonne na kumakaway sakin. Naglakad ako patungo sa pintuan at kusang bumukas iyon. Ayos ah? Pumasok ako sa loob ng kwarto at lumapit kina Yvonne na abala na sa pagkukwentuhan. "Ikaw lang ang late alam mo ba yun?" Inirapan ko lamang siya at hindi na nagsalita. Kasalanan ko bang matagal talaga ako maligo? Tsk. "Good morning everyone." Napalingon kaming lahat sa harapan nang biglang magsalita si Ms. Glynde. Ngumiti siya saming lahat at sunod sunod naman na yumuko ang mga kasamahan namin kaya nakiyuko na rin kami. Ang weird naman talaga ng organisasyon na 'to. "Today is your first day in training but before we proceed to that, let's get to know each other first. I am Ms. Glynde de la Cruz, I am your trainor and guide." Pagkatapos magpakilala ni Ms. Glynde ay sumunod naman dito ang mga kasama namin. Parang first day of school ang boring. Walang emosyon akong nakatitig sa hangin nang maramdaman ko'ng may mga natingin sa direksyon ko. Teka ako na ba? Tumayo ako ng tuwid at yumuko ng bahagya bago magpakilala. "Hanzel Panis, 16 from the Philippines." Nagtatakang tiningnan ko silang lahat dahil nakatitig pa rin sila sakin. Dapat ba mahaba ang pagpapakilala? Tsk. "I hate being stared at, I hate being surrounded by people, I hate being talk to and obviously I hate humans, but that doesn't include myself." Isa-isa naman silang nag-iwas ng tingin sakin at umiling lamang ang mga kaibigan ko habang tumatawa. Ba't ba? Eh sa totoo naman. Nginitian lang ako ni Ms. Glynde at ibinaling ang tingin saming lahat. "Now I'll explain the drill. This is indeed a training but you will excel and become a professional on your own. What does that mean? It means no one will be helping you here other than yourself." Anong ibig sabihin nun? "Your training includes combat and sparing either with someone from us or your co-trainees. You see, in order for you to succeed in this field you need to be independent and you need to learn the most important thing that you can use wherever you are. And that's being yourself. There is no greater weapon in this world other than you bringing out the best in you without anyones help. And if you think you can't do that, feel free to leave. We won't stop you." Medyo nakakalito ang drill ng training na 'to pero naiintindihan ko ang pinapahiwatig niya. Hindi kami matotoo galing sa kanila kung hindi galing mismo samin. Kami mismo ang magtuturo sa sarili namin kung pano mag desisyon at mabuhay. "Ang galing." Nabaling ang tingin ko sa mga kasama namin na lumalabas ng kwarto. Halos kalahati samin ay lumabas at ang kalahati naman ay nanatili. Nilingon ko sina Yvonne at nginitian. Mananatili kami rito kahit anong mangyayari. "Now it is settled then, those who choose to stay may you learn the best and the most valuable thing from yourself." Naglakad palayo samin si Ms. Glynde at pumasok sa isang kwarto na kakabit lamang ng kinaroroonan namin. Biglang may isang kahon ang lumitaw sa gitna ng kwarto at kusa namang umandar ang monitor sa loob. "First Step: Teamwork" Saad ng boses mula sa Tv at napalingon kaming lahat roon. Teamwork? Sana naman hindi masama ugali ng kasama ko. "Each of you will draw a piece of paper out of the box. A series of numbers are written on each piece of paper. Those who have the same number with you, will be on your team." Hmm. Mukha namang patas. Isa-isang bumunot ang mga kasama ko maging sina Yvonne, Judy at Hanes ay nakabunot na rin kaya sumunod na rin ako. Huminga ako ng malalim at tinignan ang numerong nabunot ko mula sa kahon. One? Ah? Eh? Number one talaga? Bumuntong hininga nalang ako at bumalik sa posisyon ko kanina. Ba't naman number one agad? Ano ba yan. "All number one please step forward." Pumikit muna ako at pinakalma ang sarili bago pumunta sa harap. Nagsisunod naman sakin sina Judy, Yvonne at Hanes at nagtataka kaming tinitigan ang isa't-isa. "Pinagtagpo talaga tayo!" Bahagya akong natawa dahil sa tinuran ni Judy. Bumunot pa talaga kami tapos kami lang din magkakasama. Ang galing. Hinati kaming lahat sa sampung grupo na may tig-aapat na miyembro bawat isa. Apat-napo nalang pala kaming natira kanina nang magsialisan ang iba. Mukhang magiging madali lang pala 'to. Nasapo ko ang aking tiyan ng biglaan akong sikmuraan ng kalaban ko. Putang ina. Bwesit. "Akala ko pa naman magiging madali, hindi naman pala." Ininda ko ang sakit mula saking tiyan at pinilit ang sarili ko na tumayo. Sakit non ah? Sinamaan ko ng tingin ang kaharap ko ngayon. Sparing ang naging unang pinagawa samin. Bawat suntok na tumama sakin ay isang puntos iyon sa kalaban. At kapag nawalan ako ng malay. Nakakahiya yon. Sa kasalukuyan, ni isang suntok ay hindi ko pa ito natatamaan habang siya naka limang suntok na sakin. Ikinuyom ko ang aking kamao at dahan-dahan umatras palayo sa kaniya. "HEY YOU!" Napalingon ako sa kinaroroonan ni Yvonne dahil sa biglang pagsigaw nito. Ngumiti naman siya sakin at sabay silang tatlo na tinaasan ng gitnang daliri ang kalaban ko. "Sira talaga." "b***h! YOU SHOULD RUN! HANZEL'S ALREADY SERIOUS AS f**k!" Napairap nalang ako sa hangin dahil sa katarantaduhan nila. Nasobrahan naman yata sa pagiging supportive? "YEAH! SHE'S GONNA CUT YOUR HEAD OFF!" Dagdag pa ni Judy at Hanes at nag high-five sa isa't-isa. Bahala na nga. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at itinuon ang aking pansin sa paghinga ko. Iminulat ko ang mga mata ko at kalmadong tinitigan ang kaharap ko sa ring. "Five." Tinaasan lang niya ako ng kilay at sumugod sakin. Tsk. Masyado kang mayabang. "Four." Itinaas niya ang kaniyang kamao at hindi nagdalawang isip na ipatama iyon sakin. Three. Bago pa man tumama sakin ang kaniyang kamao ay sinalo ko ito at malakas na hinigit ang kaniyang kamay. "You're too confident with your self. Stupid." Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay at malakas siyang hinila papalapit sakin. Two. Ikinuyom ko ang isang kamao ko at malakas na sinuntok ang kaniyang tiyan. One. Sumuka ito ng dugo dahil napalakas din ang pagsuntok ko sa kaniya. Tsk. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kaniyang kamay at naglakad papalayo sa walang malay nitong katawan. Humarap ako sa kwartong kinaroroonan ni Ms. Glynde at tinaasan siya ng gitnang daliri. Akala mo ha! "Ms. sa susunod tayo naman ang magharap! Heh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD